I get to properly introduce myself, meet her friends, and get to know her better. Our paths would cross in an unexpected place, leading us to linger and engage in conversation, oblivious to the passage of time.

Maski noong sa Mixters. She is sooooo beautiful and lovely and enchanting. Her dress for the night suits her. Sa tuwing nag-uusap kami ay puro lang siya tawa, at ako naman ay puro nood lamang sa nagiging reaksyon niya. Nakaaliw siyang makitang masaya. Hindi peke.

And then Elle sent a voicemail. Ako naman ang tumawa nang tumawa.

Ang pangit ng boses niya.

Sinabi ko iyon sa kaniya minsan, sumang-ayon naman siya. Sinabihan niya naman ako pabalik na tangkad lang ang meron ako, and I laughed, not really offended of what she said.

Noong sinabi ko sa kaniya ang lahat pagbalik niya ng Pilipinas, kinausap ko si Troy. He's a friend and he liked Eleanor kahit na sa maikling panahon lang. Told him everything, at ni gulat ay hindi lumitaw sa kaniya. Tumango lamang siya at sinabing: "Be the right one for her. Deserve niya ang ganoon, hindi gaya sa ginawa ko."

Ayaw ko sa tsismoso, pero thankful ako kay Gutz. Dahil sa kadaldalan niya ay hindi naman hahantong ang lahat sa mga bagay na nararanasan ko ngayon.

I courted her for a year, and Eleanor said yes right after her graduation ceremony. I was so happy. At sa pangalawang yes niya, umiyak ako.

Damn Gutz and Carl for still having a copy of the recorded video of my proposal to Elle. Sa tuwing may pagkakataon ay sinisingit niya iyon sa usapan.

Kaya noong siya naman ang umiyak dahil kay Harper, hindi lang video recording ang ginawa ko. Pinatarpaulin ko ang mukha niya at sinabit sa labas ng barangay hall nila.

Ilang beses akong nahampas ni Elle dahil diyan. Sabi niya ay kaibigan niya raw si Harper. In fact, um-attend ito nung kinasal kami. She apologized to everyone, especially to my wife na wala naman nang kaso sa kaniya dahil matagal na panahon na rin naman...ganoon din kay Troy.

And fuck Troy. Maski si Elle ay nagulat na makakatuluyan nito si Tricia. Out of all people?

Nagkita ng personal ang dalawa noong kasal namin ni Elle at mula noon ay naging madulas ang pagsasama nila. I am happy for Troy. Ganoon din si Elle sa kaibigan niya.

Nagpaalam ako sa dalawa nang halos i-flood na ako ng message ni Elle. Pinauuwi na ako.

Pagdating sa bahay namin na ako mismo ang nagdisenyo ay naabutan ko siya sa pinto. Krus ang kamay sa dibdib at matalim ang tingin sa akin.

I raised both my hands as if I were a criminal caught in the act. "Hindi ako lasing, Dra. Cordova."

"Sinasabi ko sa'yo, Levi."

Pumasok ako sa loob ng bahay at inakbayan siya. I smelled her scent and a small smile escaped my lips. Bagong ligo si Misis.

I planted kisses on her neck. "Are they sleeping already?"

"Oo," aniya at saka ako siniko ng mahina. Napabitiw ako sa paghalik sa kaniya. She helped me remove my coat and necktie. Bitbit iyon ay umakyat kami upang silipin ang natutulog naming mga anak.

Dalawa sila. Isang babae at isang lalaki. Babae ang panganay. Six years old siya, and turning three naman ang lalaki.

They were both sleeping peacefully. Ayaw ng isa na hindi katabi ang isa kapag natutulog.

"Lumalaki na sila," komento ko. Bilang ama, wala nang mas hihigit pa kundi ang makitang ayos sila. Niyakap ko si Elle. "Thank you sa pagpapalaki sa kanila ng tama, love."

Ngumiti lamang siya sa akin. "Thank you also for being a good father, hon."

"How about being a husband? Am I a good servant to my queen?"

"Sira, anong servant pinagsasasabi mo?"

Humuling tingin ako sa mga anak naming dalawa bago ko tuluyang isara ang pinto. Hinila ko si Elle sa kwarto naming dalawa.

Pagsara ko ng pinto ay hinalikan ko agad siya. She responded to my kisses and tasted every corner of my mouth. I did the same to her. Hinalikan ko ang kaniyang mga labi hanggang sa maubusan kami ng hininga. Sinandal ko siya sa dingding at ipinahinga ang noo ko sa kaniya.

"Ang ganda mo."

"Alam ko," matapang niyang sagot na ikinatawa ko.

"Kaya mo pa bang mag-anak ng isa pa?"

Marahang sinuklay ni Elle ang buhok ko. Napapikit ako sa ginawa niya. "Kahit dalawa pa 'yan."

Hinalikan ko ang kaniyang sentido. "Alright. Let me turn off the light."

And just like that, the red string has been knotted once more.

Red StringWhere stories live. Discover now