"Pinagalitan ako ng nanay ko. Nakakahiya daw kasi ako," sumubsob siya. "Hindi ko naman kasi pangarap 'to pero bakit pinipilit niya? S-sa tingin mo ba, masama akong tao kasi masama ang loob ko sa kanila? Sa magulang ko?"

I don't have the same problem as her kaya hindi ko alam ang pakiramdam nang hindi alam ang gusto sa buhay. Bata pa lang ay alam kong gusto ko na maging arkitekto. Pero hindi naman porque ganoon ang nararamdaman mo, lalo sa magulang mo, ay hindi ibig sabihin na masama ka nang tao. In the first place, nakakaramdam ng emosyon ang isang tao nang may dahilan at hindi dahil sa naramdaman niya lang.

"Valid naman iyon," sagot ko. "Maski ako ay minsan na ring nakaramdam ng sama ng loob sa magulang ko pero hindi ibig sabihin niyon ay masama na akong tao. It is only natural to feel hate or love, to feel sad or happy, or to feel good or bad. Maski ang umiyak ay ayos lang din. Mas masama kung ipagkakait mo ang emosyon sa sarili mo para lamang maging ayos ang pakikitungo ng iba sa iyo lalo na kung alam mong nasa tama ka naman."

"Then...then...what do you think I should do?"

"Nasubukan mo na bang iparinig ang boses mo sa magulang mo?"

Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Iparinig? Paano?"

Nagkibit-balikat ako. "Iparinig. Maging honest sa kanila?"

Umiling siya. "No...hindi ko pa nasusubukan 'yan. Tingin ko kasi hindi naman makikinig yung nanay ko."

"Then you can try."

"Paano kung hindi umobra?"

"Minsan kasi ang pinakamadaling solusyon sa problema ay mga bagay na simple lang din pala. Wala naman sigurong masama kung kakausapin mo sila. Kung hindi man nila tanggapin ang sasabihin mo, ang mahalaga ay mabawasan ang burden na dinadala mo."

Nagkwento pa siya. Lahat na yata ng problema niya ay nasabi niya. Mula sa nasira niyang Barbie doll noong maliit pa siya, hanggang sa mga ligaw moments niya kuno sa tuwing aalis siya. Tahimik lang akong nakikinig at paminsan-minsan ay tumatawa sa sinasabi niya.

She didn't drink the coffee I gave her, but she ordered another cup. Nilibre niya ako. Ulit.

Sa ilang oras na nag-uusap kami, ilang beses kong gustong subukang itanong kung ano ang pangalan niya, o kung natatandaan ba niya kung sino ako. Sa Japan, sa España, sa Intramuros...sa wildlife? Mukhang hindi. Nakuntento na lang akong nakikinig sa kaniya.

Then the day came when Harper sent a message. Hindi maintindihan maski ni Troy ang frustration ko dahil lamang sa wala akong data pang-view ng images sa Instagram!

"Wala bang tindahan dito?"

"Saan ka ba makakakita ng sari-sari store sa isang exclusive subdivision?!" tanong ng team leader namin. Napahilamos ako ng mukha.

Mabuti na lamang at may laman ang gcash ng isa naming kasama. Sa kaniya ako nagpaload ng singkwenta. Agad akong nagbukas ng IG at sinearch ang username na binigay ni Harper.

Siya iyon! I can't remember her name dahil matagal nang nangyari iyong sa Japan. Nang malamang si Miss Japan at Miss Dentures ay iisa, hindi ako kaagad makakibo. Salubong ang kilay kong tiningnan si Troy na nagtaas lamang sa akin ng kilay.

"What?"

What a lucky man! Nainggit ako bigla!

Iyon lang ay nagkaproblema. Sumingit kasi si Harper. Hindi na sila nag-usap ni Elle dahil sa kaniya. Kaibigan ko sila, especially si Troy, pero sobrang saya ko na lumitaw si Harper sa eksena.

Red StringWhere stories live. Discover now