Nasundan ang mga encounter namin, but unlike before, hindi ko na siya nilapitan pa. I saw her once sa SM, still with her headphone. Sumunod ay sa wildlife nang samahan ko ang mga pamangkin ko. It's weird....nakikipag-usap siya sa unggoy.

Then I met her again in Tagaytay. That day, she was different. Her smile was no longer visible on her face, and her aura was so heavy that I couldn't help but be sad without any valid reason.

Ganoon ba talaga ito? Maski sa Japan, noong masaya siya ay tumawa rin ako pati ang mga tao sa paligid namin. Ngayong malungkot siya, nakakalungkot din. Pansin ko pa ang ilang tao na tumingin sa gawi niya, at ang mga staff na nagbubulungan kung dapat ba nilang lapitan ang customer nila.

Umalis ako sa ibabaw ng hood ng kotse at bumili ng kape. Niyakap ko ang sarili ko dahil medyo malamig ang madaling araw ng Tagaytay. "Gawin niyo na po palang dalawa," kako.

Huminga ako nang malalim. Lakas-loob akong lumapit sa kaniya. I offered her a cup of warm coffee. Napatingin siya roon at napatingala sa akin. Namamaga ang mga mata niya.

"May d-drugs po ba 'yan?"

Jesus. Ganito ba talaga mag-isip 'to? I can't blame her though. Mahalaga nang maging maingat. Tinanggap din naman niya iyon ngunit hindi niya ininom. Tinabi lang niya sa gilid niya.

"Pwede bang makiupo?"

Tumango lang siya, ngunit ang tingin ay nasa view ng field sa harap at ilang city lights sa hindi kalayuan. Nagsimula siyang humikbi. Ininom ko ang kape.

"I broke up with my girlfriend."

I know she's weirded out that I am saying things like this to a stranger like her pero nagpatuloy pa rin ako. "I liked her. Hindi naman gustong-gusto but I am learning to like her."

Silence....

"Why...why did you broke up with her?" mahina niyang tanong.

"Saw her with another guy...being intimate, you know?" sagot ko.

"Oh...I'm sorry."

Nagkibit-balikat ako. "Wala na. Tapos na rin naman."

Pinakaayaw ko ay ang magalit pero iyon ang ginawa ko kahapon. I was so furious that I felt like lashing out at anyone. Sa huli ay pinili kong dumito muna sa Tagaytay upang magpalamig ng ulo.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Ubos na rin ang kape ko habang malamig na ang kaniya. Ang cellphone niya ay kanina pa nagri-ring, at patuloy pang tutunog kung hindi lang niya iyon pinatay.

"P-pwede bang magkwento sa'yo?"

Tumango ako. "Mahaba-haba pa naman ang maling araw. Pwede kang magkwento."

Umayos siya ng upo. Niyakap niya ang kaniyang mga binti at ipinahinga ang baba sa kaniyang mga tuhod. "Naglayas ako. Mga isang linggo na rin."

"Why?"

"Kasi nakakasakal na."

Nanatili akong tahimik. Nagpatuloy siya sa pagkwento.

"Nasigawan ako ni Doc," aniya. "Ang babaw pakinggan pero ayaw ko na nasisigawan ako. Nakakapanliit kasi para sa akin."

"My mom...she wanted me to take dentistry. Wala naman akong interes dito eh. Kung pangarap o kagustuhan naman, wala rin ako niyan." Tumingala siya at winaksi ang nagbabadiyang luha sa mga mata niya. "Gosh, napakawala kong kwenta. Biruin mo, anong edad ko na pero hindi ko pa rin alam ang gusto ko sa buhay."

Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon