Huminga ako nang malalim. Iniligay ko ang bag sa harapan ko para sumabit sa jeep. Medyo masakit pa kaya hindi ko maayos ang pagtayo ko roon.
Bandang rotonda nang dukutin ko ang pamasahe ko sa bulsa. Iniabot ko ang pera. "Pakiabot po. Kuya, sa Batasan lang 'yan."
Pero bumalik ang pera ko sa akin. Sumilip ako sa loob ng jeep. Nakangiting kumakaway sa akin ang babaeng pinaupo ko sa pwesto kanina. Napatigil ako nang makita ang mukha niya.
Si Miss Japan.
"Kuya, ako na po magbabayad. Batasan ka po 'no?" tanong niya't sinulyapan ang ID lace at uniform ko.
"Wag na. Meron naman akong-"
Pero inunahan niya na ako. Nag-abot siya ng pera sa driver.
"Isang Fairview po saka isang Batasan. Galing España, parehong estudyante."
Third Encounter: Intramuros
"Shit, shit, shit! Saan ba SM Manila?!"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nilinga ko ang babaeng nakayuko at nakatitig sa cellphone. Nakabukas ang google map doon.
"I'm late!"
Same. Dinaanan ko pa ang form ko sa dati kong school kaya nagmamadali na rin akong pumasok. Wala na sana akong balak pa na tulungan ito kung hindi lang dahil sa paiyak niyang boses. Napakamot ako ng batok at nilapitan siya.
"Miss."
Nag-angat siya ng tingin. Napaatras ako. Siya na naman?!
Nakasuot siya ng uniform ng isang university. Bumilog ang mata nito. Natatandaan ba niya ako?
Pero hindi.
"Kuya wala po akong pera!"
Huh?
"Estudyante pa lang po ako!"
Huhhh?
Mas tuluyan na siyang iiyak. Ang oa niya pa rin gaya nung araw na 'yon sa Japan.
Lihim na lang akong natawa. Bago pa siya makapagsalita ay tumuro ako.
"Lumakad ka doon tapos tumawid ka sa may underpass. Diretsuhin mo lang. Sumunod ka sa mga tao, sa city hall ang punta nila pero magdire-diretso ka hanggang sa makita mo yung railroad bridge ng LRT kasi pa-SM Manila na 'yon. May makikita kang mga students din. Taga-TIP, NTC saka CEU. Just follow them. May sakayan ng jeep sa tapat ng SM Manila. "
Tumango-tango lang siya. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko pero nagpasalamat siya. Mabilisan akong sumakay hanggang sa makarating akong UST. Sakto niyon ay nagchat si Troy.
We Who Shall Not Be Named
9:14 AM
Troy
Malilate ako sa meeting. Pakisabi kay Lee, Carl.
Carl
Bakit? Nasaan ka?
Troy
Otw to quiapo, currently in Ermita.
Carl
Ginagawa mo sa Ermita?
Levi
Anong gagawin mo sa Quiapo?
Magkukumpisal ka ba ng mga salang ginawa mo sa akin?
Carl reacted 😂
Troy
May hinahatid lang ako
Levi
The who ang pokemon?
Nagchat si Carl. Pinagmamadali ako sa paglalakad. In-angry ko lahat ng chat niya. Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa. Lumipad na naman ang isip ko kay Miss Japan. Nakapunta kaya siya sa SM Manila?
YOU ARE READING
Red String
RomanceE P I S T O L A R Y "Regardless of place, time, or situation, the two people bonded by the red strings are destined lovers," sabi ni Google. Eleanor Bautista is a dentistry student. Laging confused, mahina sa direksyon, careless, at clueless sa mga...
