Tinantiya ko ang bilis ng mga sasakyan habang patuloy siya sa pagpanic sa tabi ko. Ang daldal niya.

"You see, Sir! I am asian and a Filipino! A Filipino! My ancestors are probably disappointed that I am sooooo dumb--"

"Calm down, Miss."

I signaled my hand and the car slowed its speed. Maayos kaming nakatawid.

"Ayan. Ayos na--"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin. Hindi siya nagsalita ng ilang segundo hanggang sa marinig ko na lang ang paghikbi niya. "H-hey..."

"Magiging dentista pa rin ako!"

Despite of not knowing what to react, I still congratulated her. Ramdam ko ang balikat kong mamasa-masa na sa luha niya, at ang paghigpit ng kaniyang mga kamay sa pagkakayapos sa akin habang natulala ako sa ginawa niya.

Then again her smile flashed on my mind---and I felt her heart beats on my chest. Ganoon din ako nang mahigit ko ang sarili kong paghinga.

Diprensiya lamang ay tumitibok ang puso niya dahil sa kaba, habang ang akin ay dahil sa kaniya.

Second Encounter: España Avenue, Manila

Rush hour.

Imbis na bus ay sa jeep na ako nakasakay. Siksikan na ang loob pero sige pa rin ang pagtawag ng driver ng mga pasahero. Kinapa ko ang panyo ko sa bag at nagpunas ng mukha habang hinihintay ang reply nina Troy at Carl sa GC. May pending task pa ako na hindi nagagawa. Pinapasend ko ang mga reading materials sa kanila para kahit papaano ay mabasa ko. Paniguradong heavy traffic na naman at masasayang lang ang oras ko.

"SM Fairview! SM Fairview! Kasya pa isa, aalis na!"

Sa bubong siguro, kasya pa.

Aandar na sana ang sasakyan nang may biglang sumakay. Babae. "Wait a minute, kuya! Ako, sasakay ako!"

Saktong sinabi niya iyon ay ang paglapit ng enforcer. "Bilis! Abala na sa traffic yung jeep!"

Dahil doon ay nagmadaling pumasok ang babae, at pag-andar ng jeep.

"Excuse me po. Excuse me po..."

Naghahanap siya nang mauupuan ang kaso ay wala na. Saktong pumreno ang jeep dahilan ng pagtalisod niya sa bayong na dala ng matanda. "Shit!"

Di sinasadiyang sa akin siya napaupo. Kaagad naman itong kumilos. Inalalayan ko siyang makatayo.

"Sorry po!"

Hindi ako kumibo. Di man halata ay sumaldak ang dala niyang tumbler sa junior ko!

"Wala nang space," dinig kong bulong nito. Nagpunas siya ng pawis at alalang nakatingin sa loob. Uupo na sana siya sa sahig nang kalampagin ko ang bubong ng jeep.

"Kuya, pakihinto po muna. Sasabit na lang po ako."

Gumilid ang jeep. Kinalabit ko ang babae. "Upo ka na sa pwesto ko, Miss."

Namilog naman ang mata niya. "Hala! Huwag na po, nakakahiya."

Walang pasabi na tumayo na ako. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang kirot. Pvta.

Red StringWhere stories live. Discover now