Napatingin akong muli sa gawi nila. Hinihimas ng dalawa ang likuran ni Ms. Akatsuki. Ang staff sa counter ay pumunta na sa kanila. Sinubukan nitong tanungin sa English ang tatlo na eksaheradong sinagot noong Jay.
"MY FRIEND IS SEEING THE LIGHT!"
May dalawang babae ang dumaan sa likod ko. Natabig pa ako ng isa na hindi man lang humingi ng sorry.
"Anong nangyari, Yannah?" tanong nung nakatabig sa akin. "Ria, tanggalin mo muna yung ramen ni Elle. Baka matapon."
"Mahihimas niya na ang tandang ni San Pedro, Tricia!"
"Ano ba naman 'yan, Yannah!"
"I think nabulunan siya!"
"You think?! Hindi ba obvious? Hindi na makahinga si Elle!"
Napailing ako. Wouldn't it be better kung mag-iisip na sila ng solution instead of wasting each second saying nonsense? Baka kanina pa nakakahinga ang kaibigan nila. Namumutla na ang staff at nagpapanic na rin ang apat sa paligid nito.
Binaba ko ang mga bitbit ko sa counter at mabilisang kilos na lumakad sa komosyon. Hinawi ko ang mga nakaharang at pumwesto sa likod ni Ms. Akatsuki.
"Excuse me," sambit ko. "Bend forward a little, Miss."
I positioned my hand in between her shoulder blades and gave her five back blows using the heel of my hand. Ilang beses naman itong maduwal-duwal hanggang sa tuluyang mailuwa ang bumarang yakisoba pan sa kaniyang lalamunan.
"Shit, Elle! Nabusog ako bigla sa yakisoba!" si Jay. Agad namang kumuha ng tissue ang isang kaibigan niya at agad inimis ang kalat.
Umubo nang umubo si Ms. Akatsuki. Inalukan naman siya ng tubig na agad nitong ininom.
Pinagmasdan ko ang babae. Bakas ang pawis sa noohan nito, at mas lalong nawala sa ayos ang konoha headband niya sa noo, but despite all that happened, the girl still managed to laugh. It was like a domino effect since people around her also do the same. Kahit ako ay nahawa sa pagtawa niya.
The very night in Shibuya crossing, I saw her again. She isn't wearing her akatsuki cloak anymore but a plain black gray shirt, trouser and sneakers. Despite the simplicity, her smile stands out the most among thousands of people in the pedestrian. May hawak siyang camera at nakatingalang pinipicturan ang mga building.
"Tara, tawid na tayo."
Imbis na tumawid at sumabay kila Troy at Gutz ay may puwersang nagpatigil sa akin sa paghakbang. Nanatili lang ako sa pwesto ko habang nakatingin sa kaniya.
Her hair is waist length, black and a little messy, around 5'3, and her face a bit pinkish. Hindi maalis-alis ang ngiti nito habang nakatingin sa camera, gaya ng ngiti at tawa niya kanina sa convenience store.
Dahil abala sa pagkuha ng larawan habang tumatawid, medyo nahuhuli na siya. Alinmang segundo ay dadaan na ang mga sasakyan. I was right. Humakbang ako sa pedestrian at lumakad sa gawi niya. Kung hindi pa bumusina ang isang kotse ay hindi pa magugulat si Ms. Japan.
Sumenyas ako sa mga sasakyan habang ang tingin ay sa kaniya na namumutla sa gulat. May mabilis na kotse ang padaan. Bago pa man dumaplis ang side mirror niyon sa likuran niya ay agad ko siyang nahila. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang braso at inilapit siyang lalo sa akin.
"A-are we going to die?!" nagpapanic niyang tanong.
"No."
"I-I don't want to die yet! My mom would kill me in the Philippines! I mean, I'm probably dead, but she'll surely kill me twice! I don't want to be a dentist, but I need to be one! It would be an offense and a triple-kill if I don't!"
YOU ARE READING
Red String
RomanceE P I S T O L A R Y "Regardless of place, time, or situation, the two people bonded by the red strings are destined lovers," sabi ni Google. Eleanor Bautista is a dentistry student. Laging confused, mahina sa direksyon, careless, at clueless sa mga...
