Bryan POV
Ako nga pala si Louis Bryan Astin kapatid ni Louie Daniel kakalibing lang nya kahapon sa tatlong araw na burol nya di ko manlang nakita si janica sa burol nya, alam ko nasaktan sya sa mga nasabi ni mama, kaya tinawagan ko nalang sya nanilibing na si daniel,pero hindi sya umiimik pag tinatawagan ko sya, pero nakikinig ko na umiiyak sya.
I don't know what to do. Sobrang naawa ako kay janica lalo na ngayon. I know how does it feel na mawalan ng mahal sa buhay.
Janica POV
Nailibing na pala si Daniel hindi manlang ako nakapunta sa burol nya, 3 araw na ako naka kulong sa kwarto ko hindi ako kumakain, hindi nakakatulog ng maayos, depressed, pero lagi akong kinukumusta ni raymond, walang araw na hindi n'ya ako tinext, s'ya lang yung nag papasaya sakin kahit sa text lang, pinapasahan nya ako ng funny jokes message, pero nung nalaman ko ng nailibing si daniel umiyak na naman ako mag hapon, nakatulala lang ako at lutang ang isip. Nakita ko sa calendar namin june. 1 na pala, sa june 3 na ang pasukan namin, kaya naman bumaba na ako
"Hay! Baby janica, lumabas ka din ng kwarto mo namiss ka na namin ng papa hindi ka na namin nakakasama kumain" salubong sakin ni mama ng makababa ako, namiss ko din sila
"alam nyo naman po yung pinagdadaanan ko, sorry po mama kung hindi ako nakakasabay sa inyo ni papa kumain,"
"okay lang anak, teka malapit na ang pasukan n'yo ah hindi ka pa ba bibili ng mga gamit mo sa pag pasok" tanong sakin ni papa habang inaayos yung neck tie n'ya
"Mamaya po aalis ako pupunta po ako sa mall"
"sige baby mag iingat ka lang ha"
Pagkatapos kong kumain, nagbihis ako. Naglagay ako ng light make up para naman hindi halata yung depressed kong mukha. I tried to smile kahit fake sa salamin. Nakasanayan ko na yung laging nakasimangot at maluha luhang mata. After kong magbihis, umalis din ako agad.
"Ma, aalis na po ako"
Lumabas na ako ng gate at nag abang ng tricycle. Sakto naman na meron agad, lumabas ako ng village. Pagkababa ko ng tricycle, nag abang naman ako ng jeep. Sanay na akong mag commute, wala pa akong 18 kaya hindi pa ako pwedeng kumuha ng sarili kong sasakyan. Sinabi ko rin sa sarili ko na, I will buy my own car using my own money. I'll be a successful business woman soon! Just like what I promise to Niel, gusto ko pa rin ang pagpapaint. Sana makita n'ya yun someday.. kaso wala na.
Meron ng dumaan na jeep at sumakay ako papunta ng mall.
--Mall--
Napunta kaagad ako ng national bookstore. Konti lang ang kailangan ko kasi college na ako. More on books or modules kami. Bumili ako ng mga books about business para advance reading. Hindi ko din natiis, kaya bumili ako ng mga acrylic at paint brush. Habang papunta ako ng counter, may na received akong text. Busy ako sa cellphone kaya hindi ako napatingin sa dinadaanan ko
"Aray ko!"
"Miss sorry ah, nasakt--" napatingin ako sa kanya at nakita ko si..
"Janica-Raymond"sabay naming imik
"Ay janica sorry ah kung nabunggo kita hindi ko sinasadya" sabi nya sakin tapos tinayo nya ako at tinulungan akong pulutin yung pinamili ko
"Ay okay lang, ikaw pala raymond"
Raymond POV
Napadaan ako sa mall ngayon, wala lang. Gusto ko ng bagong notebooks. Hilig kong mag collect kahit hindi ko sinusulatan. Kakaikot ko, hindi ko namalayang nakabungguan ko pala si janica.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin
"Namimili lang ako ng gamit sa school, konti lang." sagot ko sa kanya sabay tingin dun sa basket nya namimili din pala sya
"Ikaw din namimili ka?" tanung ko din
"Ahh oo eh"sabi nya sakin tapos pumunta kami sa counter at nag bayad na kami
"Janica, ano nga palang course ang tine-take mo?"
"Management Accounting, ikaw?" biglang lumapad yung ngiti ko sa sagot n'ya
"We're same!"
Paalis na sana sya pero tinawag ko sya
"Janica, paalis ka na?" tanong ko
"Ahh oo eh wala naman na akong gagawin" sabi nya sakin, pinigilan ko sya umalis hinawakan ko yung braso nya at hinila at sumakay kami ng elevator
"Ahh sandali raymond san tayo pupunta?"tanung nya sakin
"Ahh wala, kahit saan. Wala din akong gagawin eh"
Kumain kami sa pizza hut medyo tahimik si Janica, ayoko ng ganito, I break the silence..
"Janica, mabuti naman okay ka na kumusta ka nga pala?" tanong ko kay janica
"Ahh okay na ako, ayon nailibing yung boyfriend ko ng hindi ako nakakapunta sa burol nya"
"Ah ganon ba? Teka, sorry nga pala don sa mga sinesend kong corny na jokes sa'yo ah. I just want to make you feel better and happy"
"Ano ka ba natatawa nga ako eh, thank you for that sa kabila ng mga lungkot ko ikaw lang yung nag pasaya sakin, alam mo bang ngayon lang ako lumabas halos talagang 3 days ako sa kwarto"
"Halata nga namayat ka ng konti, I also can see your sadness kahit na anong pilit mong ngumiti."sabi ko sa kanya ewan ko ba ba't ako concern, iba talaga ang tingin ko dito kay janica
Pag katapos naming kumain nag naglakad lakad lang kami at hanggang sa nagyaya na sya umuwi
"Ray, pagod na ako uwi na ako ha, bye" sabi nya sakin
"Wait janica hatid nakita"
"Ay nako wag na hinatid mo na ako noon sa bahay eh, nakakahiya na"
"Wala yun, sige na"sabi ko sa kanya at pumayag na sya
Janica POV
Medyo may ma-kornihan talaga si Raymond kahit in personal. Hindi nagkakalayo ang ugali nila ni Niel. Parehas may sense of humor. Ang saya nyang kasama pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa nakaraan.
"Ahh Raymond, thank you sa pag hatid ah nakakahiya na tuloy sayo lagi nalang ikaw"
"Ah wala yun,sige uwi na ako baka gabihin ako eh" umalis din agad s'ya at pumasok ako sa loob
pag dating ko sa bahay madilim parang walang tao, merong nakadikit na note sa tv
NOTE: Hija, we tried to call you kanina pero hindi ka sumasagot, Nag text din ako sayo. Hindi kami makakauwi ng papa mo. May inaasikaso lang kaming business. Kumain ka na, may niluto ako dyang Chicken Pastel. - Mama
Ang bait ni mama, kahit sobrang busy sila ni mama sa business hindi nila ako kinalimutan. Ang sarap sa pakiramdam na meron kang mga magulang na nag-aalaga at supportive sayo. Kumain ako ng konti nitong chicken pastel ni mama, busog pa kasi ako sa kinain namin ni raymond kanina
--Kinabukasan--
Nagising nalang ako sa sinag ng araw, bukas na ang first day of school. Nakakaramdam ako ng excitement. Sana marami akong makilalang kaibigan.
"Good morning, baby!" salubong sakin ni mama ng makababa ako ng hagdan
"Parang maganda ang awra mo ngayon anak ah?" niyakap naman ako ni papa
"Hindi ko po alam eh, masaya lang ako at excited bukas"
"Kumain ka na oh, tapos na kami. Akala kasi namin hindi ka lalabas ng kwarto mo." pinagsandukan ako ni mama ng pagkain
Sobrang saya ko ngayong araw na to, ang saya saya ng pakiramdam ko. Feeling ko there is something exciting that will happen.
-to be continue
YOU ARE READING
You change my life (Abra And Janica Fan Fiction) COMPLETE ✔
Teen FictionShe just came from broken heart. He is a secretive person. They changed themselves for each other. But would you still love him and give him a chance even he broke your heart over and over again? • First story ko po ito, inedit ko s'ya at natapos ng...
