Ang Roux Brewery Inc., naman ay isa sa pinakamalaking kompanya sa Hong Kong kung saan nangunguna ang mga produkto nito sa market sa buong China. Ang lolo ni Hendrix na si Ferdinand Roux ang may-ari ng kompanya.

Kumbaga ay ang Roux talaga ang mayaman at hindi si Mr. Hernandez. Isa lang itong empleyado sa Roux noon, pero mahusay daw si Mr. Hernandez at ito ang nagpalago ng kompanya. Both companies are also looking into expanding into the international market.

"Don't worry, Alaissa, hindi ko siya type. Pero ang laki ng agwat niyo, Twelve years. Naku! Pagagapangin ka n'on kapag naging boyfriend mo o asawa mo 'yon."

"Ate! Diyos ko! Seventeen pa lang 'yan kung ano-ano na ang sinasabi mo," Clarisse rebuked her.

"Bakit ba? Anong masama sa sinabi ko? E kapag pumatol siya d'on, aalalayan niya 'yon kapag inatake na ng rayuma. Sa laking lalaki n'on, gagapang siya sa bigat n'on. Ikaw ang dumi na naman ng utak mo, nahawa ka na sa kalibugan ng asawa mo," pinatirik ng kapatid ang mata at si Alaissa naman ay natawa na lang.

Bigla namang may kumatok sa pinto at bumukas din kapagkwan. Niluwa n'on ang kanyang sekretarya.

"Ma'am Preyh, may naghahanap po sa inyo— mga pulis," ani sekretarya niya.

Bahagyang pinalaki ni Preyh ang mata na parang humihingi ng confirmation sa sekretarya kung tama ang dinig niya. Tumango ang sekretarya, saka naman siya tumayo at nagtungo sa labas. Kasunod naman niya ang mga kapatid. Paglabas niya may dalawang pulis ngang nandoon at agad niyang tinanong kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya.

"Ikaw po ba si Ms. Precious Gift Herrera?" a policeman asked.

"Kaya nga po tinanong kita ng ano po ang kailangan niyo sa 'kin?" pamemelosopo niya, pero polite pa rin ang pagkakawika niya. Napakamot naman ang pulis sa ulo.

"May complaint kasi sa 'yo, Ms. Herrera."

"Sa 'kin!?" bulalas niya.

"Kung kayo po si Ms. Precious Gift Herrera, edi sa inyo po." Balik na pamemelosopo ng pulis sa kanya kaya ang dalawang kapatid niya ay natawa maging ang kanyang sekretarya. Inismiran naman niya ito.

"Anong complaint naman po 'yan? Wala akong nilalabag na kahit anong batas." Wala man lang mababakas na takot sa kanya dahil alam niya sa sarili niyang wala siyang nilalabag na kahit ano.

"Sexual harrassment," police man declared.

"What!? Sexual harrassment!" Sabay-sabay na bulalas ng magkakapatid.

"Are you kidding me?" nanlalaking matang tanong niya sa pulis.

"Hindi po kami pupunta dito para biruin lang kayo," napangiwi na lang si Preyh sa sagot ng pulis. Bumalik talaga sa kanya ang pamemelosopo niya.

"Sino ang walang hiyang complainant?" the officer handed the envelope to her and she immediately slipped out the letter. Agad niya itong binasa at halos malaglag ang panga niya ng mabasa kung sino ang complainant.

"Aiken!" Napahigpit ang hawak niya sa papel dahilan para malukot ito.

"Maganda ka naman Ms. Herrera, bakit kailangan niyong gawin 'yon?"

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now