∞ 4 - Lonely Evil Princess ∞

548 19 2
                                    

***
 [3rd person's POV]

Naramdaman ni Samarah ang Galit at Kahihiyan sa Sarili dahil sa isang napakababaw na dahilan, Tumakbo sya palabas ng Classroom at pinipigilan lamang ang luha nya upang hindi na sya mas lalong mapahiya.


 Nakalabas na ng Eskwelahan si Samarah at Tumakbo papunta sa Abandonang bahay na tinitirhan na Buto buto ng mga hayop.



“Wala kang kwentang kapatid Sabrina! , Hindi Mo Man lang Ako Pinagtanggol nung Nilait nila ako sa Harapan ng mga kaklase mo! Wala kang kwentang Kapatid!” - Galit at malungkot na pasigaw na sinabi ni Samarah sa kanyang Sarili at Sya ay umiiyak dahil walang ginawang aksyon ang kanyang kapatid na si Sabrina, Nakabalik na rin sya sa kanyang tunay na anyo.    



“Samarah ser malo
”. – Habang umiiyak si Samarah ay may Lilang Portal na lumabas sa Lapag ng Abandonadong bahay at lumakas ang hangin, Nagliparan ang mga papeles at mga kalat,Naging semento narin ang nasirang pinto at Bintana, Napatigil sya sa pag-iyak.

“Yo te hare poderoso”  Nakatayo na sya ng hindi nya napapansin, hindi nya maigalaw ang kanyang Katawan senyales na Paralisado na sya at dahan dahan syang hinihigop ng portal.


 “Usted sera el mas hermoso y de gran alcance!” – Biglang Pumuti ang Kanyang Mga Mata at kaunti nalang ay malalaglag Na Sya Sa Portal na may butas.

 “Eres nuevo nombre es Sena!” – Isang Hakbang nalang ay mahuhulog na sya sa portal, walang tumatakbo sa isip nya ngayon, para syang patay na hindi makontrol ang kanyang sarili dahil nga sa rapalisado ang kanyang katawan dahil sa kapangyarihan ng hindi pa nakikilalang tao na iyon na kumokontrol sa kanya.


 “Usted es la nueva princesa solitaria!” Sya ay nakalutang na sa itim na portal at hinihigop sya nito na kasing kulay ng dingding.


 “Reborn In The New Name Sena!”  At Tuluyan na syang Nilamon ng lilang portal at naglaho syang parang Bula

***
 >(Magdalene POV)<



Ako Si Magdalene, Ang Kakambal Ni Mary, si Mary Ang Principal ng Magia School, Sya Ay Nabibilang sa Grupo ng Mga Palido, Ang Palido ay Tawag sa mga Mabubuting Lahi ng mga Wizard na may Kapangyarihan, Naging masama lang naman ako dahil sa kanya at ako ang Nagsimula ng Grupong Funesto, Ang Kalaban Ng Palido At Ito ang mundo at grupong para sa mga Masasamang Taong May Kapangyarihan, Tanggap kong masama ako kaya walang nagdidikta sa aking maging mabuti.

“Nakakainis si Sabrina! WALA SYANG KWENTA! HINDI MAN NYA LANG AKONG NAGAWANG IPAGTANGGOL!” – Narinig Ko ang Galit at Poot nang pagkakasabi ng Batang ito, Nahulaan ko ang kanyang pangalan, ang Pangalan nya ay Samarah, Papangalanan ko syang Sena Sunod sa Pangalan ng Aking Namatay na Anak, Namatay sya Sa pakikipaglaban sa mga Palido kaya’t Mas tumindi pa ang galit ko sa kanila.

 Mabuti Naman At Nahigop sya, Tuwang Tuwa ako ng Makita ko ang Kanyang Mukha, Kamukang kamkha nya si Sena, Ang Pinagkaiba Lang Nila Ay ang Haba at Kulay ng Buhok, Maikli at Blonde ang Buhok ng Aking Anak, Habang sya Ay Mahaba at Itim. 


Gagawin ko syang si Sena, Ipaghihiganti ko sya na namatay dahil sa mga Palido lalong lalo na kay Mary, Ito lamang ang Kanyang huling salita nang makita ko syang duguan at Punit ang kanyang  Damit na bigay ko sa kanya.

-----------------------------------------------------


 “I-Inay, I-ipaghigan-ti Mo Ako.” – At Tuluyan na syang nalagutan ng hininga dahil kay Mary, Bakit kapatid ko pa.. Bakit..

-----------------------------------------------------

Tuwing Naaalala ko ang Huling Salita ni Sena ay Parang Pinapatay si Sena at pinagmumukha akong tanga ni Mary, Kaya sa Side ko naman ay Parang pinapatay ko na si Mary at ang mga Palido sa Isip ko.

 “SAMARAH TE HARE SENA! HÁGASE REBORN!” – Bigla syang Dumilim at Pumatak ang Luha ko, Luha dahil sa sobrang saya, Ngunit ang Pagkatao nya parin ay si Samarah, Sya na ang Bagong, Lonely Evil Princess.


 “Nasaan ako? Bakit a-ako nandito?” – Nagising na si Samarah at Agad ko syang kakausapin para sya ay malaniwagan sa bago nyang pagkatao, Kailangan nyang malaman na hindi na sya ang dating Iyakin na Sabrina, Nakakatawa lang Isipin na napakababaw ng Dahilan nya para magalit, Pero ito na ang pagkakataon ko para makuha ang loob nya.

 “Nandito ka sa kaharian ko, Binigyan kita ng Bagong Pangalan, Mula ngayon SENA na ang Pangalan mo. Itatapon na natin ang Pagkatao ng isang Samarah, Samarah na Kinakawawa, Inaapi, at Pinapahiya at Hayaan mo akong maging iyong ina, Matindi ang Galit mo sa iyong kapatid na nagngangalang Sabrina? Tutulungan Kita Maghiganti, Ako nga Pala si Reyna Magdalene, Bilang Pangalawang ina tawagin mo Nalang Akong Mama Daline.” Niyakap ako ni Sena at Niyakap ko rin naman sya, Para to sakin at sa kanya, marunong naman akong tumupad sa pangako at hinding-hindi ko ito sisirain, kagaya ng walang kwenta nyang kapatid na si Sabrina.


 “Salamat po Mamita Daline, Kayo na lang ang natitira kong pamilya, Maghihiganti ako.”  - Pagkatapos ay kinuwento nya ang kanyang karanasan sa Bulok na Magia School na yun, 2 taon na syang Teacher, ang kapangyarihan nya NOON ay nagtatransform bilang isang teacher, nurse at kung ano ano pang mga taong may Propesyon.


 “Ikaw Na Si Sena, Hindi na ikaw si Samarah Tignan mo ang Hitsura mo sa Salamin.” – Nakita nya na maikli at Kulay Blonde ang Kanyang Buhok at naka Silver and Red sya na mahabang Gown at Nakatira sila sa Isang Ice Kingdom na punong-puno ng mga Nakaitim na alagad at naka-Asul ang mga Opisyales sabi ni Mama Daline.

“Maraming maraming salamat Mama Daline, Humanda si Ate Sa akin, At ang mga taong nagpahiya sa akin, Iisa-isahin ko silal – Bakas sa kanyang Mukha Ang Pagngiti ng nakakatakot at Hindi Na sya si Samarah, sya na si Sena.


***

Hindi pa din sya Lubos na nagagalak sa kanyang naging Desisyon, Masyado parin syang Nalulungkot. Napakababaw lamang ng Dahilan para talikuran nya ang kanyang nakatatandang kapatid! Iniikot ikot nya ang kanyang Tingin sa Salamin.


"Ako Na ito, Hindi ako si Samarah." Napabuntong hininga muna sya bago nagsalita. "Ako na ito, Si Sena, Palaban. Palangiti." - Nagulat naman sya nang may nakita syang sa tabi ng Salamin na Babaeng Naka-Velvet na Damit.

"Ikaw pala ang bagong Hinirang ni Mama Daline." Nginitian niya si Sena tsaka lumapit ito sa kanyang tabi. "Ako nga pala si Chriscel,Alam ko na Ikaw si Sena at...


 "Marami ka pang hindi nalalaman dito. Mag-ingat ka."

Elemental Lord (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon