ALELI'S REWIND (Revised Ver-2024)
Ako si Aleli. 15 years old. 4th year high school sa Princeton Academy. Kalimitan akong tinutukso ng mga classmates ko tungkol sa pamilya ko. They would talk about me even if I was there. It's as if my whole identity was a joke to them and gossips about my family has become a norm.
Sa totoo lang, madalas sumagi sa isip ko kung talaga bang masaya ang buhay ko. Hindi ko nga ma-enjoy ang high school life ko eh. Away bati kasi ang Mom at Dad ko. Sobrang protective pa. Hatid-sundo araw-araw at hindi pwedeng sumama sa mga after school activities.
I only have one friend and I never get to hang out with him after school.
The gossip around me and my parents were enough for me to be the laughing stock of our batch since I entered High School. Everything was fine when I was growing up. We were happy and my life was a dream.
Pero bigla na lang silang nagbago.
Dahil kaya sa business?
Dahil ba may babae si Dad?
I really don't know.
Isang araw, bigla nalang nag-iba ang relasyon nila. Masaya kami noon. I grew up to them madly in love with each other. Until one day, namulat nalang ako na ayan sila sa harap ko at hinahagis ni Mom ang lahat ng tangible papunta sa Dad ko. They would always yell and talk about work, hours on end. Blaming each other for something that might have happened in the company. It's always the business that comes first. If not, it's about them arguing how to keep me safe.
Safe from what exactly?!
Nakakatawa nga eh. Kahit mga kapitbahay ay alam na hindi na naging maayos ang relasyon nila. Wala silang pinipiling lugar kung saan mag-aaway. Kaya naman sobra ang hiya ko when they suddenly start fighting in public. Para silang mga aso at pusa.
Feeling ko nalimutan na nilang maging masaya.
Nalimutan na nilang magmahalan.
Hanggang sa isang araw...
"Bakit malungkot ka?" tanong ng janitor sa may Cyber Mall. Nagma-mop ito lagi tuwing 5 pm. Dito ko kasi hinihintay si Dad para sunduin ako eh. Ayoko na magpasundo sa mismong school dahil magiging topic na naman ako ng mga classmates ko.
"Ah? H-Hindi ah." sabi ko sabay iling. Ang feeling close naman ni Kuya Janitor, pero palagi ko siyang nakikita dito tuwing uwian. Mukha siyang nasa college, matangkad at palangiti.
Lumingon ako sa relo ko, medyo naiinip na din ako. Mukhang late si Dad.
"Dadating din ang Papa mo 'wag kang mag-alala." sabay ngiti nito sa akin at pagpapatuloy ng pagmo-mop. Ngumiti na lang din ako at nag-antay.
Five minutes in, nakatanaw ako ng isang itim na sasakyan na pumarada sa tapat. Lumabas sa kotse ang makisig kong Dad. Ang pogi talaga ng Dad ko, kahit mainitin lagi ang ulo.
"Nag-antay ka ba ng matagal, Aleli?" tanong nito habang nakatingin sa relo niya. May nakalagay na airpods sa tenga niya at mukhang nasa meeting ito.
"Hindi naman po, Dad. Teka si Mom?" tanong ko. Since ang alam ko ay magkasama nila akong susunduin.
"Aleyna is at work. Kaya ako muna ang sumundo sayo. Tara?" sasakay na sana ako ng biglang may humaharurot na kotseng bumangga sa kotse ng Dad ko.
"D-Dad! Yung kotse mo!" nagpapanic kong sigaw. Paglingon ko sa Dad ko, composed lang itong nagkakamot ng ulo habang nakangiwi. Doon palang sa reaction niya ay nagets ko na agad kung sino ang bumangga ng sasakyan namin.
"ELLISON!!!" naghuhurumentadong sigaw ni Mom. Wala itong pakielam na nabangga niya ang kotse ni Dad. At nagsimula na naman kaming makakuha ng attention sa mga taong nasa Cyber Mall.
"Aleyna, please. We talked about this, I told you, ako na muna ang susundo kay Aleli?" sagot ni Dad habang pinipigilan ang sariling saktan si Mom dahil sa ginawa nito sa kotse niya.
"BAKIT? PUMAYAG BA AKO HA ELLISON?!" duro ni Mom.
"GOD ALEYNA! DAHIL LANG DITO BABANGGAIN MO YUNG KOTSE KO?"
"ALAM MO KUNG-"
"Stop it!!!" sigaw ko. Parehas silang napatingin saken. Namumuo ang luha sa mga mata ko. 'Di ko na sila matanggap pa. This is getting tiresome. All the yelling and fighting. Lagi nalang silang nag-aaway. Everyone is looking at us. Everyone thinks we are a weird family.
"Aleli-" sabay nilang sabi saken habang papalapit.
"Go away! Kaya kong umuwi mag-isa!" tumalikod ako at naglakad na. Nahagip ng mga malalabo kong mata ang janitor ng Cyber Mall na nakangiti sakin. Dahan-dahan itong tumango sa akin na para bang sinasabi niya, magiging maayos din ang lahat.
Seriously? Ang tagal ko ng nagtitiis at nag-aantay na maayos ang lahat. When will they stop fighting? I want everything to just go back to the way it was, 5 years ago.
A/N: Aleli's Rewind - Revised Version will start posting December 2024, weekly.
Please stay tuned for further updates.
Thank you for waiting. :)
xo, CC
YOU ARE READING
Aleli's Rewind
General FictionAleli's Rewind - Revised version. Posting weekly starting December 2024.
