Too Late, Nate.

13.6K 472 73
                                    

Pakinggan niyo yung sa "WHEN I WAS YOUR MAN" ni Bruno Mars na inspiration ng oneshot na 'to. Nasa multimedia para feel na feel. Hahahaha.

Follow me on twitter: @erinxdizon :)


Part one of three: TOO LATE, NATE.


NATE


"Par!" Tinapik ako ng napakalakas ng barkada ko at binatukan. Lutang na naman daw ako. Wala sa sarili.


"Iniisip mo na naman siya." Sabi ni Bruce habang umiiling pa. Tahimik lang akong nakatingin sa malayo habang pinapanuod ang taong minahal ako ng sobra.. pero pinalipas ko lang.


"Oh yan yung kaibigan niya oh, tawagin mo nga." Di naman ako sumunod kaya si Bruce na rin ang tumawag.


"Oh Nate. Tinalo mo pa si Ninoy sa limang daan ah. Problema mo?" Sabi ni Anj at tumabi sa akin. Nakita niyang pinapanuod ko si Paige. Napailing lang din naman siya at nag-highfive pa sila ni Bruce. Langyang mga 'to.


"Nasa'yo na eh.. hawak mo na. Pinakawalan mo pa." Alam ko. Alam na alam ko yan.


"Gusto mo malaman kung bakit kahit mahal na mahal ka niya, mas pinili na lang niyang iwan ka?" Tinignan ko si Anj ng nagtataka. Hindi ko kasi alam ang dahilan. Alam ko na lang, yung makulit na Paige na girlfriend ko.. naging cold, naging distant.


"Sige nga Anj at nang marealize naman din nito kung ano yung pinakawalan niya. At para alamin ang dapat gawin." Singit ni Bruce na tumabi din kay Anj. Bale asa gitna naming siya.


"Ganito kasi yan.. mahal na mahal na mahal ka ng kaibigan ko. Naramdaman mo ba yun?" Tanong ni Anj sa akin.


"Oo naman."


"Pero dumating sa puntong binalewala mo yun eh."Binuksan niya yung phone niya at nagscrolldown ng messages galing kay Paige. At binasa namin isa isa.


"Late na naman siya. Isang oras na ko dito. Hay."


"Nakalimutan niyang manunuod kami ng play ni bunso. Hinahanap siya ng kapatid ko."


"May lagnat ako, pero busy daw siya kaya di ko na sinabi."


"Anj.. di ko na kaya. Magkasama na naman sila. :'("


At madami pa. Lahat ng moments na binalewala ko siya, andun. Pero bakit di ko yun alam. Ni hindi ko man lang naramdaman.


***

"Babe! Sorry late ha. Late ako nagising eh. Napuyat ako sa project na tinatapos ko kagabi." Sabi ko pagkadating ko sa meeting place namin. Ngumiti lang naman siya.

Too Late, Nate.Место, где живут истории. Откройте их для себя