Hindi pa man ako nakakalayo sa classroom namin ay ramdam ko ang presensya ni Ruzh sa likuran ko, tahimik lang s'yang nakasunod.
Napatigil naman ako sa paglalakad at bahagyang humarap sa kanya habang nakahawak pa ang magkabilang kamay ko sa bag.
"Sinusundan mo ba 'ko?" nakakunot noo kung tanong sa kanya. Okay, medyo assuming ako riyan.
"Oo eh, baka mahulog ka na naman sa hagdan." sarkastikong sagot n'ya at maya-maya'y sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi kaya naman bahagya pa akong napaatras nang kaunti.
"Grabe ka ha!" pabiro kong sabi. Hindi naman s'ya nag salita instead he drag me while holding my wrist gently.
"H-hoy, k-kidnappin mo ba 'ko? Katakot ka ha, bigla bigla ka nalang nanghahatak!" suway ko sa kanya ngunit hindi man lang sya nakinig at imbis na bitawan ako'y ginulo lang n'ya yung buhok ko.
"I've no idea what you're saying Ms. Dafian, gusto lang kitang makasabay'ng umuwi." nagulat naman ako sa sinabi n'yang yun.
"Grabe ka naman, sobrang formal ng tawag mo sa'kin huh. Tsaka, bakit ka sasabay sa'kin pauwi? Hindi ko naman matandaang parehas tayo ng street nor place.." tinawanan n'ya naman ako.
"You didn't know? Silly Iris..." ngiting-ngiti n'yang sabi sa akin. Ang weird naman? Anong hindi ko alam? Pakealam ko ba sa buhay n'ya.
Hinampas ko naman ang braso n'ya at lumayo sa kanya nang kaunti.
"Wag mo nga akong paglolokohin, suntukin kita diyan." medyo inis na sabi ko, kaagad naman n'yang itinaas ang dalawang kamay sa ere na tila ba puposasan ko siya ng ano mang oras.
"Kalmahan mo, nag j-joke lang eh. Ito na nga uuwi na'ko, you're so hot headed." sabi n'ya at naglakad na palayo. Tch, tumalikod naman ako sa kanya at inayos ko ang buhok kong ginulo n'ya kanina bago tuluyang naglakad papuntang classroom ni Addi.
Hindi naman na ako naghintay ng matagal dahil nakita ko na rin naman'g lumabas na si Addi tumigil naman ako sa kinatatayuan ko at hinintay'ng makaabot s'ya sa puwesto ko bago umusad ulit sa paglalakad.
Nang makauwi sa bahay ay kaagad naman na akong pumasok sa kuwarto ko at ng makapagbihis na, maya-maya ay nakaramdam naman ako ng uhaw kaya naman napag desisyonan kong pumuntang kusina.
Wala rin kasing laman ang tumbler ko ngayon, hindi ko nalagyan ng tubig. Eh, nakakatamad na rin kumilos kaya naman wala akong choice kundi bumaba sa kusina.
Pababa pa lamang ako ay para bang bumibigat ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan pero kahit anong gawin ko parang may kung ano ring tumutulak sa'kin na tumuloy.
Nag aalinlangan pa ako no'ng una dahil ang pagkakaalam ko ay ako pa lamang ang narito sa bahay at baka may magnanakaw na nakapasok kaya naman hawak-hawak ko pa ang dibdib ko habang papuntang kusina dahil sa kaba at pangangamba.
Imbis na pumunta sa kusina para kumuha nang tubig ay napako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa sofa habang pigil ang pag-iyak nito, si Mama.
Umiiyak siya?
Hindi lang ako makapaniwala sa nakita ko ngayon, ang buong akala ko talaga ay ako palang mag isa rito sa bahay at hindi pa s'ya nakakauwi, kinabahan ako ng masyado dahil akala ko'y may nakapasok na kung sino sa bahay namin pero hindi ko alam na mas lalo pa pala akong manlulumo dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano n'ya tinatakpan ang bibig n'ya, not wanting to let me hear her cries.
Ramdam ko ang pag tuyo ng lalamunan ko at ang pakiramdam ng pag-aalala sa kanya na sinabayan naman ng sari-saring katanungan.
Bakit kaya siya umiiyak?
Anong dahilan? Sa trabaho ba?
Sa pamilya namin? Na m-miss ba n'ya yung mga kapatid ko?
O baka naman nag away sila ni Daddy?
Hindi naman na ako nag tagal sa kinatatayuan ko at maingat akong naglakad pabalik sa kuwarto, hindi ko alam ang gagawin ko. Kakausapin ko ba si mama? Tatanungin ko ba siya kung anong nangyari o hahayaan ko na muna sy'ang mailabas n'ya lahat ng nararamdaman n'ya ngayon?
Masyadong maraming katanungan ang naiisip ko ngayon pero ni isa ay walang katiyakang sagot kasi pu-puwede naman lahat maging dahilan ng pag-iyak nya.
Inaamin kung hindi kami masyadong close ni Mama kahit nagsasama kami sa iisang bubong pero, nasasaktan din naman ako kapag nakikita ko sy'ang nanghihina sa pag-iyak.
Hindi ako komportable sa nararamdaman ko ngayon at tila ba gusto kong lumanghap ng preskong hangin upang kahit papaano ay makapag-isip isip na rin ako dahil masyadong magulo ang utak ko sa mga nangyayari.
May tinatago si Mama sa'kin, sa amin ng mga kapatid ko. Alam kaya ni Daddy 'to?
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bedside table at nagtipa ng ilang mensahe para kay Daddy.
I want answers.
Iris Dafian
Hi dad, how are you?
Uh, I saw mom. She's crying in the
living room, what should I do po?
I don't know the reasons, nag away
po ba kayo by any chance?
Naghintay ako ng ilan pang minuto nagbabakasakaling natanggap ni Daddy ang mensahe ko pero makalipas ang tatlong minuto ay hindi pa rin siya nagrereply, hindi ko naman na masyadong inisip pa 'yon dahil baka mamaya ay busy din siya sa trabaho n'ya ngayon.
I should be more patient.
Imbis na maghintay ng ilan pang minuto ay naisipan ko na lamang lumabas, pagkababa ko ay wala na sa sala si Mama kaya sa tingin ko ay pumasok na s'ya sa kuwarto n'ya.
May parte sa akin na gusto sy'ang puntahan at kausapin kong anong dahilan ng pag-iyak n'ya kanina sa sala pero may parte rin sa akin na baka uncomfortable rin siyang sabihin pa sa akin ang posibleng dahilan dahil baka ayaw nya akong mag alala.
Kahit pa man nag aaway ang puso't isipan ko ay pinili ko na lamang na huwag na muna sy'ang puntahan at tanongin sa nakita ko kanina.
Pasado ala sinco ng hapon ng maglakad-lakad ako sa labas nang bahay, at mamaya naman ay naisipan kong pumunta na muna sa tabing dagat para makapag pahangin at makapag-isip isip na muna.
Alam ko kasing mas magiging kalmado ako ro'n 'cause at the moment, I don't want to hear any noises coming from different vehicle or transportation in my place. I want to hear the waves crashing down the sand while the birds are singing and chirping under the blue golden sky when the sun is already going down.
It didn't take long enough before I get there but I know for sure when I arrived, I suddenly feel light. It feels like I can think straight all of a sudden and even for a couple of minutes that's slowly passing I felt like I can forgot everything.
Naupo naman ako sa pinong buhangin habang malalim na pinagmamasdan ang kapaligiran at ang papalubog na araw sa 'di kalayuan.
Napabuntong hininga naman ako "Everything's gonna be alright soon G, I hope that you'll heal my parents from things that they choose to keep hidden from us." I silently prayed to God.
"Kung ano man po yung nangyayari sana naman po sa lahat ng bagay ay manaig pa rin po ang pananampalataya at pagtitiwala ng magulang ko po sainyo panginoon, heal them.." I wholeheartedly ask God.
Ni hindi ko na nga napansin na tumutulo na pala yung mga luha ko sa magkabila kong mga pisngi pero kaagad ko rin namang pinalis yun. I look at the sky and then I smiled bitterly.
"I hope our family's okay.." I whispered.
ESTÁS LEYENDO
On That Same Year
RomanceIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
Chapter 9
Comenzar desde el principio
