Chapter 16.1: Cold Shoulder

Magsimula sa umpisa
                                    


He gave me a frustrated look. "Somehow, nagkakasundo kami ni Mari pero hindi lahat ng childhood friend mo, makakasundo mo. I have one. She's my childhood friend but she doesn't even know I exist. She doesn't know that we're childhood friends. And she's always arguing with me but I like her though," seryosong saad niya.


Kumunot ang noo ko. Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit napunta rito ang usapan namin? "Ha? Paano kayo magtatalo kung ganu'n? Please Prius," sabi ko sabay hilot sa sintido kong sumasakit na. "Umalis ka na. Mag-o-online pa ako. I don't see the problem if Axel and I eat together. Hindi ko rin alam kung bakit pahaba nang pahaba itong usapan namin," seryosong saad ko. Binuksan ko na ang pinto para sa kanya pero naiinis na isinara niya ito kaya nagulat ako.


"Why are you pushing me away? Always," he said. He even emphasized the word always. Damn!


"I'm not. You're just being unreasonable. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganito. Unless you're jealous?" pang-aasar ko sa kanya. Sana tumigil na siya at hindi na patulan ang sinabi ko. Bakit ba kami nag-aaway?


"Damn! I want to kiss you to shut that mouth of yours!" frustrated na sabi niya. Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Bigla akong naalerto. Huwag naman sanang bumalik ang sakit niya katulad noong isang araw. Huwag sanang bumalik ang urge niya na halikan ako hanggang sa kumalma siya. Dapat kasi hindi ko siya ginagalit!


Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nag-aalalang tumingin ako kay Prius. I could see that he was still frustrated. "Calm down, Prius. Pag-usapan natin ito nang maayos, okay? I won't shout anymore. Kalmado na ako kaya kumalma ka lang muna," nag-aalinlangang sabi ko sa kanya.


"Gutom ka pa ba? Kumain na lang ulit tayo ng breakfast kung gusto mo," nakangiwing suhestiyon ko sa kanya. Nawala ang pagkaasar sa mukha niya. Napansin kong umangat ang sulok ng labi niya. Tila naaliw sa mga sinasabi ko. Umaangat din ang isang kilay niya dahil sa pagkaaliw.


Napaurong ako nang humakbang siya palapit sa 'kin. Napasandal ako sa pader nang wala sa oras. I was trapped. Ilang beses na ba itong nangyari? Naiinis na ako dahil nagiging cliche na!


"Prius, maghunus-dili ka!" kinakabahang sabi ko sa kanya. He was looking at me intently. Then his lips curved into a playful smile. Dahil doon, alam ko nang may binabalak siyang masama! Napalunok ko nang bumaba ang ulo niya palapit sa 'kin. His lips were partly opened. Halos kapantay na ng labi ko ang labi niya. His lips were just an inch or less away from me! Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang mabigat na paghinga niya. Maging ang paghinga ko ay bumibigat na rin. Sunud-sunod na napalunok ako. I hope I could survive this possible heart attack that might happen anytime.


"It's too early for your games, Prius," mahinang sabi ko. Nag-iingat ako na lumapat ang labi ko sa labi niya habang nagsasalita ako. Pakiramdam ko kasi isang kibot lang ng labi ko, mahahalikan ko na siya. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Lilingon sana ako sa ibang direksiyon pero pinigilan ng isang kamay niya ang balak kong gawin. Napalunok na naman ako.


"I'm not playing, Denise. I'm serious. Why are you always thinking that I'm just playing?" kunot-noong tanong niya. Halos mapapikit ako nang bahagyang lumapat ang labi niya sa labi ko.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon