Farce 1

10.9K 81 2
                                    

Simula ng lahat

Nakatingin lamang ako sa nakangiting mga mukha ng aking mga kaibigan. Andito pa kami sa paaralan at sinusulit namin ang huling araw namin sa high school. Akalain mo nga naman, ang bilis lamang ng panahon. Sa summer na manganganak si Vanessa at sa summer na din magbabago ang lahat sa amin. Graduating in high school is not a close of your journey yet it's the beginning of entering the real world. Kung ano na ang meron sa mundo natin, iyong wala na ang enjoy dahil kailangan mo ng mag focus para sa kinabukasan mo. Nakakatakot man mag step forward pero wala tayong magagawa it's our faith to do it.
"Trix" napangiti ako at naiiyak na niyakap si Zach, isa pa itong taong ito. Zach is my childhood bestfriend at noong maging sila ni Gail nakalimutan na niya ako but okay lang naman sa akin. I understand, being a best friend of someone is not permanent, maybe you'll still gonna his best friend pero hindi na katulad noon na ikaw ang priority.
"Tss. Ang iyakin mo talaga" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinalo siya sa braso.
"Panira ka talaga ng moment" sabi ko at nag pout. Tumawa naman siya sa inakto ko kaya inirapan ko na. Asar!
"Halika na nga, marami pa tayong gagawin you know" tumango na lamang ako at sumama sa kanya. Pupunta kasi kami sa bahay nina Vanessa at Ace para maki celebrate sa success namin at sa wakas ay nakagraduate na kami.
"Congratulations everyone!!" nakangiting sigaw ni Alpha pero alam ko sa loob niya, she's not completely happy. I walk towards her and hug her. I know she need this now. And as if on cue, she hug me tight and silently cry. I just comforting her.
"Shh, everything will be alright" sabi ko sa kanya. Kumalas na siya at ngumiti ng malaki kahit na pilit.
"Lets goooo" aniya at nauna na sa Van na gagamitin namin. We decided to use one van instead of convoy, doon din naman kami matutulog ngayon. Aside from celebration ay naisip din namin mag pajama party. Sa likod na ako umupo dahil alam ko naman na magtatabi ang mga love birds ngayon except me and Alpha.
"Baby, are you alright?" nadinig kong sabi ni Zach kay Gail. Napapailing na lamang ako, like seriously? Guys, andito kami oh, mga single at walang kasama, wag kayong mang- inggit sa amin. If only I can say it out loud.
"Okay ka lang?" Tinignan ko si Alpha at ngumiti. Alam ko naman na kahit tinatanong niya sa akin iyon ay kaikangan ko din siyang tanungin kung okay lang ba siya.
"Ikaw okay ka lang ba?" Napalingon siya kay Michael na natutulog at tumango.
"Okay na ako" ngumiti ako at niyakap siya dahil alam kong iyon ang kailangan namin ngayon.
Buhat ng mga nangyari ay para bang gusto ko na lamang iwasan silang lahat. Na ito lang ang paraan para makaalis ako sa sakit pero ewan ko ba hindi ko din naman gusto na iwan na lamang sila ng basta- basta. Pamilya ko kasi sila.
"So may plano ka na ba sa college?" Tanong ko kay Alpha, tumango siya. Sa pagkakaalam ko kasi may nagbago sa mga plano niya magmula ng muntik na siyang galawin ni Zai. That stupid jerk. Sayang gwapong- gwapo pa naman ako sa gagong 'yon.
"Kahit naman ano ang plano mo, we will still support you, andito lang kami para sayo" niyakap na naman niya ako kaya niyakap ko siya pabalik. Masaya ako dahil kahit paano ay okay siya, lahat ng kasama ko ay importante sa akin, nakakalungkot lang dahil minsan hindi ko iyon nararamdaman. Oo alam ko naman na sobrang o.a ko sa drama na ito pero hindi kasi, mag mula ng maging si Gail at Zach nakalimutan na niya ang pangako niya sa akin. Nakalimutan na niya na may isang ako-na bestfriend niya na laging andiyan sa kanya pero ngayon alam ko naman na mas imporante na sa kanya si Gail.
"Alam ko naman na kahit naiingit ka masaya ka pa rin" tinignan ko si Michael at inirapan, hindi ko alam kung bakit kasama siya pero okay na lamang din sa akin iyon, para naman kahit paano ay may magbabantay kay Alpha, knowing her? Mas pipiliin niyang magpalasing kaysa isipin ang lahat ng nangyari sa buhay niya at mga pagsisisi na nagawa niya.
"Masaya naman talaga ako para sa kanila at please lang, wag kang magsalita ng kung ano- ano diyan baka marinig ka nila" at pagkatapos doon ay hindi ko na siya pinansin pa. Alam na naman niya kung saan siya lulugar at alam niya na hindi kailan man pakikialaman ang mga bagay- bagay. Dahil alam ko na may pakiramdam na ang mga kasama ko ditto-even Gail alam ko din iyon pero nanatili silang tahimik para sa aming lahat.
NAKAMASID lamang ako sa kanila. Andito na kami sa bahay nina Ace at Vanessa, ditto kasi naisipan ng barkada na magkaroon ng celebration para kapag hating gabi na ay hindi na mahirapan si Vanessa sa pag- uwi at alam naman naming na bawal sa kanya ang magpuyat kaya nga ngayon ay pinapatulog na siya ni Ace.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, nakaupo lang kasi ako ditto sa may swimming pool habang sila naman ay nag swi- swimming, well si Gail at si Zach lang naman ang nasa swimming pool dahil si Alpha ay nasa taas, si Michael ay nasa loob ng bahay habang si Vanessa at Ace ay nasa kwarto at binabantayan na muna ni Ace si Van para matulog dahil ayaw niya pa daw. Alam niyo naman simula ng naging okay na sila ay halos ikadena na niya si Vanessa wag lang maggagalaw.
"Trix halika swimming tayo" ngumiti ako at tumango tsaka lumusong na sa tubig, nag laps lang ako ng ilang ulit bago tumigil ngunit ng aahon ako tila may isang pwersang pilit akong hinahawakan para hindi ako makaahon, natatakot na ako pero hindi ko iyon pinahalata sa kung anon g nangyayari sa akin, ayaw ko silang mag- alala at pilit na nilalabanan ang kung ano mang pumipigil sa akin hanggang sa pulikatin ako. Gusto ko ng sumigaw ng tulong pero nang hihina na ako, hindi ko na halos ma igalaw ang katawan ko. Alam kong nakalutang na ako pero mukhang nakalimutan ko na ang lahat.
May narinig pa akong ng splash at alam ko na kaibigan ko iyon. Naging maingay ang paligid pero nakapikit lamang ako.
"Anong nangyari?!" Boses iyon ni Ace.
"Shit, baby tumawag ka ng ambulansya" alam kong si Vanessa ang pinagsabihan niya no'n.
"CPR c'mon" si Gail naman ang nagsalita, naramdaman ko ang paglapat ng labi sa aking labi na binibigyan ako ng hangin pero wala, parang nalulunod parin ako, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari hanggang sa hindi ko na sila narinig pa.

--**--
Gosh... hindi ako satisfied. Seriously? Iba ang outcome na naisulat ko noon at sa ngayon, hindi ko alam kung anong nangyari basta pagka check ko palang sa first chapter dahil nga ay binasa ko ulit upang simulan ang kwento ay nag cut na lamang siya at tanggapin ko man o hindi kailangan ko siyang ulitin kaya ito ang nangyari. Huhu nakakainis talaga pag nawawala ang kwentong sinusulat mo.

A Farce Love Story (Cycle d'Amis Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon