Chapter 08

945 63 19

Awkward.

It may not make sense na awkward kami after everything dahil, yes, true enough we've been kissing since day one, at ngayong para kaming mga teenagers on a speed dating na hindi maka-tingin sa isa't-isa.

Siyempre after the wound-licking and all that. Ang gaga ko talaga para ipakita ko panty ko sa kanya 'diba? Kahit madilim alam ko namang nakakakita siya ng malinaw dito. Medyo baboy lang Lauren 'diba?

Pero #damoves na lang kasi 'yun para hindi umalis 'tong mokong na'to. Dahil naniniwala na talaga ako, na hindi niya ako niloloko nitong mga nakaraang araw. He's naive as a naive person can be.

Nakakatawa that it seems like I've awakened him or something.

"Bakit ka naman tumatawa?"

"H-ha?" Nakatingin na pala siya.

Nakaupo kaming dalawa sa kama. Nakasandal sa headboard hindi na nagdidikit ang mga siko. Nasa ilalim ako ng kumot habang siya, inuupuan lang 'to.

"Mali na naman ba mga ginawa ko?"

"Hindi. Ako nga 'yung may maling ginagawa." I confessed. Kasi totoo naman. Kung dati it feels like I'm just playing with his charade dahil parang nagjo-joke lang siya. Pero ngayong nakasigurado na akong seryosong wala pala talaga siyang alam."

"Bakit mo hinahayaang gawin ko 'yung mga ginagawa ko?"

Nag-isip ako. Hindi ko rin alam eh. Kaya I just shrugged my shoulders.

"Hindi na nga. Hindi na ako magtatanong. Kaya ko. Hindi na kita susuwayin kung nay gusto kang gawin sa'ki-"

Sheeet. Napatigil bigla ako sa sinasabi ko. It sounds so wrong in so many levels. Para lang akong nagpapa-rape with consent.

Tumingin siya sa'kin full of questions, probably waiting for me to finish my statement.

"Sige ganito na lang." I inhaled. As much as possible, I wanted to simplify everything dahil ang gulo-gulo na rin naman talaga ng pangyayari 'diba?

Nung una lang, tamad na tamad lang ako dito para sa pagre-review. Now I got myself a supernatural flirtationship?

"Ganito ha? Itatanong ko lang kung gusto mo ba ako." I faced him.

The nerve ko talaga para itanong 'yun straight-faced. Thank the heavens parang hindi naman siya natawa. Pero nag-isip rin siya.

"Hindi na dapat 'yun ang bagay na halata naman."

"As in, nagagandahan ka sa'kin?" I prodded. Kapal ng mukha ko no?

"Ikaw pa lang naman ang nakita kong babae ng malapitan."

"Seryoso?!"

Pero naisip ko. Given na 'yun with all his naivety, pwedeng oo. Pero bakit? Wala ba talaga siyang kilalang babae? Never pa ba siya talagang nakihalubilo sa totoong maganda at dyosang taong katulad ko? Haha! Kahit sa thoughts ang kapal talaga ng mukha ko. Pero totoo, ilang taon na ba siya at parang ako pa ang unang nakakita sa kanya? But I just kept all these things to myself.

"Oh bakit hindi ka na nagsalita?"

"Kasi magtatanong lang ako kapag nagsalita ako. Eh 'di ba ayaw mo namang magsalita ako.

Tumango rin siya.

"Um, so ayun na nga." I tried to open up the subject again. "Gusto mo ako. If my understanding is right, gusto mo ak--"

"Mahal kita."

"WHAT?!" Literal na nahulog ako sa kama nung sinabi niya 'yun. But his reflexes crawled out of him that in a jiffy, I'm in his arms.

Loving Charlemagne BaldiviaWhere stories live. Discover now