Chapter 01

2.7K 93 14

Chapter One

"Oh My God!" Napasigaw ako ng may nakita akong lalaking naliligo sa batis sa tabi ng rest house. And worse, ang liwa-liwanag pa.

"Sino ka?" Kinuha ko ang kahit anong blunt object na pwede kong mahawakan. But it's so unfortunate na wala. Chopstick lang na nasa ulo ko ang pwede.

"Sino ka!?" Sigaw rin ng lalaki na putik-putik. Mabuti na nga lang at hindi siya nakahubad. May damit nga siya pero putik-putik na parang lumusong siya sa kung saang mudbed. At nagulat rin siya sa'kin.

"Ako dapat magtanong niyan!" Tinutok ko pa rin sa kanya 'yung nakakatakot kong chopsticks. Heh.

"Bakit? Masama bang maligo dito?" Tinuloy niya ang paghaplos sa t-shirt na sobrang dumi. Ano bang ginagawa niya? Macho dancing?

"Kawatan ka no?!"

"Kawatan?" Nagtaka siya sa sinabi ko. "Hindi!" Lumapit siya sa'kin at inagaw 'yung chopstick. "Akin na nga 'yan!" Tinapon niya pa 'yon sa malayong parte ng batis.

"Hwaaag!" Nanlaki na lang mga mata ko habang lumilipad 'yong chopsticks ko sa malayo, halos 'di ko na makita kung saan na talaga tumalsik! At ang nakakainis, ang mahal kaya 'non! "Shet kang kawatan ka!"

"Ano bang kawatan ang pinagsasasabi mo? Naliligo lang ako sa batis kawatan na agad?"

"Eh ano pala? Bakit ka nandito?"

"Bakit? May-ari ka nitong batis?"

"May ari ng rest house!" Sigaw ko.

Totoo naman eh. Isang bwan na nung binili ng tatay ko 'tong resthouse. Kaya technically, akin na rin 'tong parteng 'to.

"Nabibili na rin pala ang batis sa panahon ngayon?"

Ack! Bakit pakiramdam ko, tinataasan niya ako ng kilay?

"Oh, 'di ka makapagsalita." Tinuloy niya ang paliligo. At 'di lang basta ligo, nagkukuskos pa nga. Kulang na lang yata, sabon! Pati buhok niya halos kuskusin niya na para mawala 'yung putik. Unti-unti ko naman nakikita 'yung totoong itsura niya habang nawawala ang mga grasa-grasa.

At... Mukhang maayos naman pala ang itsura niya.

"K-kahit na, private property 'to!" I tried to contain myself. Hindi nga naman siya mukhang kawatan o masamang loob. Nung unti-unti ng nawawala 'yung mga putik sa mukha niya, nahiya na lang din ako sa balat ko. Aba't mas makinis pa yata sa'kin 'tong lalaking 'to.

"May sikreto ba 'yang batis?" 'Di ko napansing nag think out loud na pala ako.

"Ano?"

"H-ha?! Wala!" Nakakahiya! "Basta private property ito!"

Sinabi ko na lang kahit ang totoo, hindi ako sigurado kung sakop ba talaga ng property itong bandang 'to. Nasa labas naman kasi talaga ng fence ng rest house 'tong batis kaya may posibilidad.

Kaya nga ang alam ko, malayo naman 'to sa ibang rest houses at private resorts kaya halos sigurado akong parang akin ang parteng 'to. Akin lang... Sobrang layo na kasi ng susunod na establishment. Kaya pano siya napunta dito!

"Anong private prop?"

Ang weird niya. Halos hindi niya masabi 'yong property. Nang-aasar lang ba siya?

"May bumabahay na pala diyan sa lumang bahay?"

"H-ha?"

"Ang sabi ko, hindi ko alam na may bumabahay na pala diyan sa malaking bahay."

Loving Charlemagne BaldiviaWhere stories live. Discover now