Chapter 1 ⊂( ̄(エ) ̄)⊃

1.1K 18 2
                                    

Chapter 1 ⊂( ̄(エ) ̄)⊃

******

''MS.PREZ! Pinatatawag po kayo sa office ni Dean.''

''Okay,Thanks.'' sabi ko habang patungo na sa office ni Maam Jez.

''Sandra Isabelle,Good Morning.''

''Good Morning din po.'' sabay upo ko.

''Gusto ko sanang bantayan mo yung mga transferees natin.Malalaman mo rin ang tinutukoy ko kapag nakita mo sila.Oh,heto ang records nila.And naku,Sandra!Mag-ingat ka lang sa mga to.You know what I mean.''

Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Tita.Nakakatuwa talaga siya,napaka bagets.Halos mauntog na siya sa lamesa niya nung sinabi niyang 'You know what I mean' Yep! Tita ko siya at the same time Dean siya ng school.

And alam ko ang ibig niyang sabihin sa mga transferees.

Mayabang,delikado,walang modo,tamad,let say a GANGSTER.Haist.Nakakapangilabot.Pero sanay na naman ako.Kolehiyo ang pinapasukan ko kaya iba't-bang klase ng  esturdyante ang makakasalimuha mo.Naalala ko na naman tuloy ang idolo kong si Bob Ong.

Isang Dosenang Klase ng High School (Kunwari College)

(Halaw sa librong ABNKKBSNPLAko?!)

Ni: Bob Ong

Clowns- Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng mga teacher, eto raw ‘yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.

Geeks- Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang resulta ng equation kung isa-substitute ‘yung value ng X sa Y.

Hollow Man- May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.

Spice Girls- Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.

Da Gwapings- Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng mga utak ng mga DG.

Celebrities- Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitirian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebreties ay may matinding PR, pero mababang IQ.

Guinnees-  Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na mali ang sagot.

Leather Goods- Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng buwaya sa pakapalan.

Weirdos- Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian. Konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.

Mga Anak ni Rizal- Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities at gimmicks.

Bob Ongs- Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto ‘yung estudyanteng habang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na ‘yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates n’ya.

Commoners- Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.

At kung bibigyan ako ng chance na gumawa pa ng isa? Eto yun oh --->

THE THUG LORDS- mga mayayabang na gwapo na mayaman na nagpapa-asa ng mga babae.Akala nila sila ang PINAKAGWAPONG nilalang na nilikha ng diyos.Sila ang nasusunod,sila ang halos isamba ng mga kababaihan.GANGSTER! pURO GULO ANG HANAP! Babaero.Mga sinungaling.Hambog.At mga taong di mona gugustuhing makilala.

Parang yung mga Tranferees na makikita ko na bukas.Kailangan ko na atang ihanda ang boses at opisina ko,suway dito,suway doon.Walang katapusang pagpapasensya sa mga estudyanteng walang pasensiya.

''MS.PREZ! Nagkakagulo po sa Canteen!'' eto na nga bang sinsabi ko eh.>.< Mabilis akong nagtungo sa Canteen and ARGGGGGGGGGGH!

Nangyari na ata ang WORLD WAR III!

Im still inlove with the GANGSTER ♥‿♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon