Notice me..

22 0 0
                                    

Napatingin ako sa taong tumabi sa akin ngayon. Hindi ko maikakailang ang gwapo nya pa rin talaga. Siya pa rin yung unang lalakeng nagustuhan ko noon. Tinitigan ko siyang mabuti at nagbabakasakaling sana hindi ito totoo. Oo, alam kong gusto ko syang makausap pero wag lang sa ganitong paraan kung saan maraming nakatinging estudyante sa paligid namin.


"Ahmm. Sh-"

"Omg. Denver! Andito ka rin pala!" biglang sumulpot sa kung saan mang lungga nanggaling ang dakilang epal sa buhay ko. Dapat lang syang tawaging epal dahil sa kasalanan nya sa akin. Kung kasalanan man ang tawag doon.

"Oh Jam! May usapan kayo?" sabay tingin nya saming dalawa ni Jam. Tumango naman siya.


Kita nyo na? Epal sya diba? Diba? Eh sa wala nga akong matandaan na may usapan kami.. tapos susulpot sya bigla bigla? Hay.. pero nasa right timing sya bigla ha. Thank you Jam!


Nang mahalata kong naghihintay ng sagot si Paul ay tumango naman ako agad. Sakyan ko muna kagaguhan ni Jam dahil kailangan ko sya ngayon.


"Sige pare, alis muna ako. Sh-hy, sige" umalis na sya. Pinagmasdan ko sya sa paalis tapos hinarap ang epal na kasama ko ngayon.

"Ano kailangan mo?" aniya ko kay Jam.


Tinitigan nya na naman akong mabuti na para bang may kasalanan akong nagawa sa kanya.


"Ano?" tanong ko.

"Meron ka ngayon?"

"At kelan ka pa nagkainteres sa regla ng babae? Babae ka rin ba ha?"

" Sinusubukan mo ba ako Shyne?"

"Haist. Heto na naman tayo. Oh sige. Ano paguusapan natin?"


Nagisip muna sya bago nagsimulang magsalita...


"Ahm. Can you be my ahm d-date on saturday?"

"Huh? Sa Graduation Ball?" aanyayahin nya ba ako as his date? Hell Jam!

"Sabi ko---"

"Oo. Narinig ko! Ahhh. Baka hindi ako makakapunta. May pupuntahan kasi kami nila Mama nyan at baka sa lunes na kami dadating. Diba sabado naman yung party?" medyo may pagkataray na aniya ko sa kanya. Sa katunayan wala naman kaming pupuntahan eh sadyang ayaw ko lang syang kadate. Siguro kung high school pa kami ngayon, kikiligin pa ako pero urghhhh ewwww na!~

"Ah. Okay. Ganun ba--" tumango naman siya.

"Sige. Alis na ako! Bye" sabay kuha ko sa bag ko at umalis na. Nang makita kong medyo nadismaya siya. Naguilty tuloy ako.

"Alangan namang pumayag ka tapos hindi mo rin pala gusto. Unfair sa kanya yun" napatingin ako sa taong nagsalita.

"Han, tama naman ako diba?"

"Oo, mas maganda nga yun kasi kahit papaano hindi mo pinapaasa kahit dati ikaw ang umasa sa kanya ng bonggang-bongga"

"Grabe ka naman!" nagtawanan kami.

"Oh sige Shyne. Malapit na kasi ang time. May klase naman siguro. Sayang nga lang hindi tayo same sched"

"Ok lang yan. Nagkataon lang siguro"

"Oo nga. Byeiiii~"


Umalis na si Hanna at napaisip ako ulit tungkol kay Jam. Peste talaga ang lalakeng yun! Ngayong handa na akong maging kumportable sa kanya, saka sya magbibigay motibo. Lagi naman syang ganyan. Dati na syang ganyan kaya dapat hindi na ako magpapadala sa kung ano mang kagandahang pinapakita nya sa akin ngayon.

"Makapunta na nga sa next class ko! Hmp." Imbes kasi na isipin ko sa yung paguusap namin ni Jam. Kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko. Habang papunta ako sa classroom, nakita kong paputa na rin si Paul kasama si Kath..yung classmate naming model.

"Uy Paul!" Napatingin sya sa gawi ko. Ayun!

"Paul, do you know her?" rinig kong tanong ni Kath.

"Ahm. Y-yeah." Sabay tingin sa akin at mabilis rin naman niyang inalis ang tingin nya sa akin..ngunit eto naman si ako, ngumiti ng pagkatamis-tamis. Hahaha

"Paul, yung kani—" sabi ko nang medyo malapit na sya sa akin...tapos......WTH!

Nilampasan lang ako!!!!! What? Napahawak ako sa noo at napaisip bakit ganun sya sa akin?


May nagawa ba akong kasalanan at hindi nya na ako pinapansin ngayon?


Nasa loob na kami classroom pero ni isang tingin sa akin, hindi nya man lang ginawa. Haynako, konti na lang talaga iisipin ko na talagang nagseselos sya sa nangyari kanina.

"Huy!" napabalikwas ako sa pagsundot ni Faye sa tagiliran ko.

"Ano ba naman Faye!"

"Eh ano ba kasi ang iniisip mo at tulaley ka dyan? Ano ba yan ha? Or should I questioned "Who's bothering you?"

"Shhhhh. Bunganga mo Faye! Tsismosa!"

"Hahahahaha. Nagseselos ba?"

"Best, bakit naman magseselos yun aber?"


Bago nya sinagot ang tanong ko, tumingin muna sya sa gilid kung saan nakaupo si Denver at katawanan si Kath.


"Mukha kasi" tiningnan ko rin si Paul. Saan ba dyan ang mukhang nagseselos? Eh mukhang masaya naman kasama ang best friend nya daw. I shrugged off my shoulder because of somewhat reason.

"Denv, PLEASE??" napatingin kami sa malakas na pagkasabi ni.... Kath. Pilit siyang pinapaupo ni Paul sa katabing upuan. Surprisingly, they are seatmates and I didn't know how it happened. Even he tried to pulled Kath to sit beside her, seems like Kath's trying to please him to agree with what she wanted to happen.

"Katherine, I can't "

"Oh c'mon Denv! Dad wants to meet you again....and also Mom wants to cook your favorite caldereta" Kath pouts


Tumingin si Paul sa gawi ko kaya naman nabigla ako at ibinaling ang tingin kay Faye.

"Best, masyadong halata.."

Inirapan ko si Faye. Alam ko na namang tutuksuin na naman ako ng mahal kong best friend.

"Alam mo kasi best friend Shyne, move on din 'pag my time eh no?"

"huh?

"Oops. Wala pa lang moving on process sa mga taong nagdaan LANG sa magulong usupan. Hehe"

I gave her my death glare then she suddenly zipped her mouth using her hand tip.

"Sorry best.....hehe" sabay peace sign. Naku talaga!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Very short update! Sorry for grammatical error or typos. Let's enjoy the day! Vote and Comment if you want to :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing My Mr. NumbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon