Chapter 3: Meet my best friend....Faye~

38 0 0

[Continuation of Shyne POV]

 

Minsan napapaisip ako kung bakit pa kasi  sya bumalik? Ano ba ang dahilan sa pagbabalik  nya? Paaasahin nya na naman ba ako? Naiisip ko pa lang,  takot na ang unang naramdaman ko.

“Micelle, Andito na tayo!” pinagbuksan na pala ako ni Mang Ben.

Tumingin muna ako sa paligid at oo nga nasa school na pala kami nang hindi ko man lang namamalayan. Bumaba na lang ako  at nagpasalamat kay Mang Ben sa paghatid.. Sinabi ko na lang na mamayang gabi nya na lang akong sunduin.

Habang naglalakad ako sa hallway.

“Gotcha Paul! Nakita na naman kita hahaha” bulong ko sa sarili ko. Nakita ko syang nakatayo lang sa locker nya. Parang may binabasang libro…

“Lapitan mo sya, Shyne!” sabi ko na naman sa sarili ko. Hayaan nyo na kasi malapit na talaga akong mabaliw. Hahaha tawa rin kayo!!

Lalapitan ko ba sya?

Eiiiiii.. Sige na nga!

Oo lalapitan ko sya….

Oh my god! Tumingin sya dito… Shet! Itutuloy ko pa ba??

“Ituloy mo Shyne!!” sabi ko na naman sa sarili ko.

Nang malapitan ko sya…umupo ako sa bankanteng upuan na nasa tabi nya.

“H-hi”

Wth- hindi man lang ako tinapunan ng tingin. My God! Hangin na ba ako ngayon? Kailan pa ako naging hangin? tch.

“Hindi ba uso ang “hello” as a response sayo?” sabi ko na hindi nalalayo sa tainga nya kaya naman siguradong dinig nya ang sinabi ko.

Ayan! Good shot! Napatingin na sya sakin. But wait…with kunot-noo?? Hay lalakeng ito talaga.

“Ohh wait naman Paul.. smile naman dyan! hehe” Huhulaan ko, meron na naman to ngayon.

Tiningnan nya lang ako sa mata. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya. Mahirap hulaan kasi emotionless naman ang pinapakita nya sa akin ngayon.

“hehe..una na ako ha? kita nalang tayo maya hehe” sabay tayo ko at walang atubiling umalis baka naman kasi makuha na naman ako sa titig nya. Hay asa pa ako na kakausapin ako ng lalakeng yun. Napaka moody talaga. Hmp.

Chasing My Mr. NumbBasahin ang storyang ito ng LIBRE!