PROLOGUE: Devastated and Overwhelmed

36 2 0
                                        

NOTE: This is a work of fiction, any resemblance to names, places and particular events are purely coincidental.

Some scenes of this novel are quite dark, sensitive and might potentially trigger something, so please read at your own risk. Readers should be around 18 and above. Thank you for understanding.

All rights reserved.

Genre: General fiction, Romance

Cover is generated by an AI...

By: DarkSky_Angel

~~~~~

Nakaupo na ako sa isang side ng may kaliitan kong kama---sa loob ng kwarto ko---hawak ang matalim na kutsilyo... Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang matinding pagkabog ng dibdib ko.

Kasabay ng paghikbi ko at ang patuloy na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko ay ang pagdiin ko sa talim ng kutsilyo sa kaliwa kong pulso...

Halos 10 minutos ko rin inisip kung itutuloy ko ba 'to o hindi...

Pero kasi...

Ayaw ko na... Lahat-lahat sila---ako ang sinisisi... Hindi na talaga kaya ng konsensya ko.

Mas mabuti pang mamatay na lang kaysa magpatuloy pa sa buhay ko na 'to...

Napahikbi ako at lalong naiyak.

Parang dinudurog ang puso ko habang paulit ulit na nag-r-rewind sa utak ko ang mga sinabi nila at mas lalo kong naididiin ang talim ng kutsilyo sa pulso ko.

Masakit, pero mas matindi 'yong sakit na nararamdaman ko sa loob ko eh.

Pagod na pagod na ako... Hindi ko na kayang harapin pa ang lahat, kaya mas mabuti na 'to...

Maraming salamat na lang sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko...

Habang iniisip ko ang mga salitang 'yon sa utak ko, napahigpit ang hawak ng kamay ko sa handle ng kutsilyo at mariin akong napapikit...

~~~~~

Learning How to Live Again Stories to obsess over. Discover now