KABANATA 6 - UNCONDITIONAL

4 0 0
                                        

KABANATA 6
Unconditional

"MARAMING SALAMAT po sa chance na binigay niyo, Mrs. Paz." Ani Daania nang iabot niya ang project niya.

Tuwang-tuwa naman ang propesor dahil hindi raw nito inaasahan na maagang makakapagpasa si Daania. Nangako ito na mababago na ang kaniyang grado ngunit hindi nga lang daw agaran dahil dadaan pa ito sa Dean.

Ayos lang naman kay Daania ang mahalaga napunuan niya na ang kulang.

Hapon naming napiling pumunta ng unibersidad. Inuna namin ang mag-enroll. Kaunti palang ang pila kanina sa registrar kaya kaagad kaming natapos.

Now we're here at the entrance of Feliza Beach Resort. Nadaanan namin ang hotel ng resort. Hindi na kami nag-check-in dahil gusto lang naman namin maglakad-lakad sa dalampasigan.

Bilang lang sa aking mga darili ang ilang beses mapunta rito. Mabigat kasi sa bulsa. Wala pa naman akong trabaho para gumastos ng malaki araw-araw.

Isa ang resort na ito na dinadayo ng mga turista. Ilang mga pelikula na rin ang nag-shoot dito.

Narating namin ang nakahilirang mga cottage na halos lahat ay okupado na. Halos mga foreigner ang mga nakikita ko.

Namataan ko pa ang grupo nila Marjorie na nagpapahinga sa isa sa mga cottage. Hindi naman nila kami napansin kaya 'di na kami lumapit sa kanila.

"Ang ganda dito, Gah." Manghang saad ni Daania habang hila-hali ang aking kamay. Naramdaman ko ang pagdiin ng hawak niya sa kamay ko.

Naglalakad na kami ngayon sa dalampasigan. Bitbit ko ang pareho naming tsinelas habang si Daania ay bibit ang dulo ng kaniyang paldang suot upang hindi sumadsad sa buhangin.

Nanunuot sa aking ilong ang amoy alat ng dagat. Hapon na kaya wala ng araw.

May iilan kaming natatanaw na kabataang gumagawa ng sand castle at ilan sa kanila ay pabalik-balik sa dagat at nagtatakbuhan.

Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo ni Daania sa aking balikat habang nakatanaw sa mga kabataan.

"Sana maging ganiyan karami ang anak natin."

Nabulunan ako sa sarili kong laway sa narinig. May kung anong bumara sa lalamunan ko. Lumunok ako ng ilang beses.

Naririnig niya ba ang sinasabi niya?

"Daania, nabibilang mo ba kung ilan ang mga iyan?" Tukoy ko sa mga bata.

Bumungisngis si Daania at tiningala ako. "Madami sila Macoy, alam ko. Pero gusto ko magkaanak ng marami sayo. Tapos kamukha mo."

Lalaki ako pero alam kong mahirap ang manganak. Hindi ko kayang makitang mahihirapan si Daania.

Masarap mag-alaga ng mga bata kaya nga teacher ang kinuha ko. Pero kung iisipin na si Daania ang magdadala kada siyam na buwan at manganganak. Hindi ko kayang maisip.

Hindi dahil ayoko siyang maging nanay ng magiging anak ko. Gusto ko siya, at s'ya lang. Ngunit sa tuwing sumasagi sa isip ko na mahihirapan siya, parang ayoko nalang magkaanak.

Hindi ako kumibo at nginitian nalang siya.

Narating namin ang dulo ng resort. Wala ng tao roon. Hinila ako ni Daania ng matanaw namin ang malalaking bato.

"Doon tayo, Gah. Pagmasdan natin ang paglubog ng araw."

Nagpatianod ako sa mga hila niya. Sinigurado ko na ligtas siyang nakaupo sa malaking bato.

Nilapag ko sa buhangin ang aming tsinelas at naupo mula sa kaniyang likod. Nasa parehong gilid niya ang aking mga biting nakatukod.

Sumandal siya sa akin at sabay naming sinalubong ang hangin mula sa karagatan.

YOU LEFT WITHOUT GOODBYEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora