Chapter 35

23.3K 583 40
                                    

Kanina pa ako nagpabalik-balik sa paglalakad sa harapan ng kama namin. Ilang minuto na lang mag-aala sais na. Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako nang makita ko nag sarili sa salamin. Hindi naman makapal ang make-up ko, tanging foundation at red lipstick lamang suot ko. I wore my hair pulled back into a ponytail exposing my soft, streamlined neck. Bumagay iyon sa sout kong long sleeve red dress na gawa sa lace ang ibinigay ni Christian sa akin that complimented my skin. Parang pinagawa talaga ang gown ayon sa sukat ng katawan ko. Above the knee ang haba ng damit kaya makikita ang suot kong crimson stilletos. Sanay akong magsuot ng high heels kaya alam kong hindi ako mahihirapang gumalaw mamaya sa date namin ni Christian.

Bigla nanaman akong kinabahan. Noong sinabi niya sa akin ang bagay na yon kanina, daig ko pa ang isang teenager sa kilig.

Hindi nga ako nakasagot agad. Hindi ko na rin napansin na umalis na pala siya sa likuran ko.

Ilang segundo pa ay narinig ko na ang bosina sa labas, hudyat na nasa labas na si Christian.

Huminga ako ng malalim. It's just a date. And for Pete's sake, he is your husband. Bakit ka kakabahan?! Asik sa utak ko sa sarili ko. Umuling na lang ako at saka bumaba na.

Pagkarating ko sa may gate, nagulat ako ng iba ang sasakyan na nasa labas.

"Good evening po, Ma'am. Ako po si Tony." Bungad sa akin ng isang lalakeng medyo nasa 50's na.

Tumingin ako sa sasakyan niya.

"Pasensya na po, ma'am. Sabi ni Doc ako na po daw ang susundo sa inyo kasi may emergency daw sa hospital."

Nakahinga ako ng malalim. "Ganoon po ba, sige ho. Tara na po." Nakangiti na sabi ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay sa driver's seat.

Sa buong byahe namin, wala akong inisip kung di si Christian. Hindi ko alam kung bakit niya naisipang makipag-date sa akin gayong galit na galit siya sa akin. Ayaw ko rin naman na isipin na natamaan ko siya kahapon sa huling sinabi ko sa kanya sa opisina niya. Malabong mangyari yon, mahirap magpaggaling ng sugat pero naniniwala akong kaya kong bawiin at ibalik ang dating siya, ang Christian na minahal ko noon. Wala sa sarili akong napangiti habang nakatingin sa labas.

Madilim na. Ilang minuto pa ay dumating na kami sa isang hotel. Malaki iyon at maraming tao ang pumapasok-labas ng building. Huminto kami sa may entrance kung saan ako ibinaba noon ni mang Tony.

"Salamat po." Sabi ko sa kanya. Papasok na ako ng hotel ng may sumalubong sa akin na lalaking naka suit and tie.

"Good evening ma'am. Life and Charity party po?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tumingin sa likuran niya. Walang sinabi si Christian tungkol sa party.

"Hi, good evening. I'm Janna Valencia. Wife of Dr. Christian Valencia." Nasabi ko na lang.

Ngumiti naman ang lalake "Dito po tayo, Mrs. Valencia" Iginaya niya ako papuntang elevator at pinindot ang 4th floor ng building. May mga nakasabay din kaming mga naka pormal na attire sa elevator. Lalo akong naguluhan. Nang dumating kami sa 4th floor, lumapit kami sa isang pinto at binuksan niya iyon para sa akin.

Napatingin ako sa loob mula sa kinatatayuan ko at nakita ko ang mga babaeng naka long dress habang umiinom ng wine, ganoon rin ang mga kalalakihan na suot-suot ang mga dark suits nila.

Naguguluhan akong napatingin sa lalakeng naghatid sa akin na ngayon ay nakangiti sa akin habang pinipigilan niyang magsara ang pinto.

"Enjoy the night, Mrs. Valencia." Sabi niya.

"T-thank you." Nakangiting sabi ko na lamang at tuluyan ng pumasok.

Bigla akong kinabahan. Iba ang inaasahan ko sa date na sinasabi ni Christian sa akin.

The AnnulmentOnde histórias criam vida. Descubra agora