IKAPITONG KABANATA [FULL VERSION] #REPOST!

3.6K 27 1
                                    

#TheBrokenMansGame

IKAPITONG KABANATA: ANG MAITIM NA SIKRETO NI HAROLD AT ANG PAGSISIMULA NG LARO NI ANTON

WARNING: RATED SPG (CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS PARENTAL CONTROL IS ADVISE) THEME: SEX

Nakaharap sa may kalakihang salamin si Anton na nasa loob ng banyo. Hawak-hawak nito ang razor at kasalukyang inaahit ang kanyang bigote at balbas.

Kitang-kita mula sa repleksyon ng salamin ang gwapo niyang mukha. Ang mukha na kung saan maraming babae ang naglalaway kapag ito'y nakita. Ang mapang-akit nitong mga mata, ang may katangusan nitong ilong at ang labi na pinapangarap ng mga babae na matikman at mahalikan.

Kita rin sa repleksyon sa salamin ang magandang hubog ng upper body nito. Pantay ang kulay ng balat sa katawan, ang maumbok at matigas nitong dibdib na kay sarap himas-himasin, ang may pagkabrown nitong nipples na medyo may kalakihan, ang tiyan nito na may matitigas na anim na pandesal. Ang buhok nito sa ibaba ng pusod pababa sa natatakpan at nakatagong puri nito.

"Ito na ang tamang oras para isagawa na ang mga plano ko... Ito na ang oras nang paniningil..."sabi ni Anton sa sarili. Gumuhit sa labi nito ang ngiting demonyo.

- - - - - - -- - - - - - - -

Nakatayo sa kabilang kalsada si Anton habang nakasunod ang mga tingin nito kay Harold na ngayon ay papasok naman sa bar na nakatayo naman sa kaliwang kalsada. Talagang hindi nito inaalis ang tingin niya sa lalaking naging dahilan kung bakit sila nagkasira ni Diana. Namuo na naman tuloy ang galit na nararamdaman sa kanyang dibdib.

Talagang nag-research siya tungkol kay Harold. Tipikal na negosyante lamang ito na maraming negosyo at ari-arian. At ngayon nga, hindi na lamang ito isang ordinaryong negosyante na successful at maraming negosyo kundi isa ng haligi ng tahanan dahil sa may asawa na ito. Hindi na siya nagtataka kung bakit ito ang napili ni Diana kaysa sa kanya. Talagang sinusundan niya ito kahit saan kaya nagmistula siyang stalker ng isang lalaki. Pero ganun talaga kapag may binabalak. Pati nga ang tirahan nito, alam na niya.

Nang nakita niya na nakapasok na si Harold sa bar, naglakad na siya patawid sa kabilang kalsada.

Sandali pa siyang tumayo sa harapan ng bar. Mukhang mamahalin ang nasabing bar dahil sa labas pa lang, maganda na ito. Dagdagan pa na ang mga pumapasok na tao dito ay pawang may mga sinabi sa buhay base sa suot na mga kasuotan ng mga ito. Napatingin tuloy si Anton sa kanyang sarili. Mukha namang disente at maayos ang kasuotan niya at hindi naman siya papahuli sa mga ito. May mukha naman siya kaya kahit na mumurahin lang ang damit na kanyang suot, nadadala naman ito ng kanyang gwapong mukha.

Naglakad na si Anton papunta sa entrance ng bar, may humaharang na guard para isa-isahing tingnan ang mga taong pumapasok at nag-iinspect na rin. Wala namang entrance fee sa pagpasok dito sa bar. Marahil binabawi nila ang bayad sa pagpasok dito sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga alak na kahit beer lang ay kasing presyo naman ng isang mamahaling alak.

You're the light, you're the night

You're the color of my blood

You're the cure, you're the pain

You're the only thing I wanna touch

Never knew that it could mean so much, so much

Pagkapasok ni Anton sa loob ng bar, bumungad sa kanya ang patay-sinding mga ilaw at malakas na tutog ng kanta... Tipikal na nakikita sa isang bar.

You're the fear, I don't care

Cause I've never been so high

Follow me to the dark

THE BROKEN MAN'S GAME [UNCUT!](PRIVATE CHAPTERS)Where stories live. Discover now