8. The End?

1.5K 97 11
                                    

General POV

Pagkatapos ng klase ay pinauna na ni Jose sila Vhong umuwi. Patakbo nyang hinabol sila Ana at Anne. Hindi alam ni Jose na sumunod sakanya si Vhong kaya napatigil sya nang unahan sya ni Vhong kila Ana at Anne.

Nakita nyang hinila ni Vhong si Anne sa kamay.

"Tara Brad! Mangchicks tayo!" sigaw ni Vhong kay Anne habang hila nya ito.

Natawa naman si Jose sa ginawa ni Vhong. Nakita nyang nagthumbs up si Vhong sakanya para hudyat na "ikaw nang bahala kay Ana".

"Kaya mahal ko 'tong gunggong na 'to eh." bulong ni Jose sa sarili sabay thumbs up din kay Vhong.

Nilapitan na ni Jose si Ana na naiwang mag-isang naglalakad papuntang locker nya. Sinabayan nya ito sa paglalakad.

"Hi Ana!" malaking ngiting bati nya sa dalaga ngunit sinimangutan lang sya nito.

"Hala. Galit nanaman sya." sabi ni Jose.

"Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo kahapon! Lubayan mo na nga ako Jose!" inis na sabi ni Ana.

"Sorry na nga eh. Hindi ko na uulitin. Promise!" pagsusuyo ni Jose.

"Hindi mo na uulitin kasi ibang pantitrip nanaman gagawin mo sakin." walang reaksyong sabi ni Ana.

"Hindi ha! Goodboy na ko!" sabay kindat kay Ana.

"Goodboy mo muka mo!" pataray na sabi ni Ana sabay irap kay Jose.

Sinundan lang ni Jose si Ana hanggang sa locker nito.

"Ano yan?" tanong ni Jose nang makita ang sulat na hawak ni Ana.

"It's a letter from my secret admirer." plane na sagot ni Ana.

"Secret admirer?!" bulalas ni Jose sabay tawa ng malakas. "I'm sure panget yan kaya hindi nagpapakita sayo." sumimangot naman si Ana.

"Walakampake! Dun ka na nga! Tsupi!" pantataboy ni Ana.

"Ayoko nga!"

"Bakit?"

"Ah eh... H-Hindi ka ba natutuwa? Kinakausap ka ng crush mo?" napa-poker face naman si Ana.

"Kelan pa kita naging crush? Hindi ako nainform ha."

"Sus! Kunwari ka pa. Crush mo ko di ba? Aminin mo na!" natatawang sabi ni Jose.

"You're crazy, Tutoy." pailing iling na sabi ni Ana.

"And you're ugly, Kaykay!" ganting pang-asar ni Jose. Nakatikim naman sya ng slight sabunot kay Ana. "Aray!" nakapout na sabi ni Jose.

"Wag kang magpout. Mukha kang pato." natatawang sabi ni Ana. Napangiti nalang si Jose dahil ngayon nya lang nakitang ngumiti sakanya ng totoo si Ana.

"Anong ningingiti mo dyan?" kunot noong tanong ni Ana.

"Wala." sagot ni Jose sabay kilig smile. "Let's practice tomorrow para sa talent natin sa Mr. & Ms. GGV ha. Bye." paalam ni Jose sabay nakangiting naglakad palayo kay Ana.

Natawang umiling iling si Ana dahil sa weird na kilos ni Jose. Binasa na nya ang sulat galing sa secret admirer nya.

"Flowers are red. Sky is blue. My heart is jumping in joy everytime I see you."

Excited na akong magpakilala sayo Ana Karylle. I hope matuwa ka kapag nalaman mo kung sino ako.

Love,
Your Handsome Admirer :=)

My Mortal Enemy (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon