4. Mortal Enemy

1.4K 102 9
                                    

Jose's POV

Breaktime na!

Nagpasya akong wag nalang lumabas ng room dahil dudumugin nanaman ako ng mga girls sa canteen. At naiinis ako kapag may mga babaeng nagpapacute sakin kahit hindi naman sila cute. Hindi din naman ako makakakain ng maayos.

Lord, ganito ba talaga pag gwapo?

Kinuha ko nalang ang phone ko para makapag-COC. Kailangan ko na umattack. Agad ko nang inumpisahang lusubin ang base ng kalaban. Nag-eenjoy ako habang nakikitang unti unti nang nasisira ang base ng kalaban ko. Then napansin kong malapit na palang maubos ang archers ko. Zinoom ko yung screen at tinignan ko yung mga archers.

Biglang nag-pop up sa utak ko si Ana at napangiti ako.

Sing tapang ng mga archers na 'to si Ana. Nakakatakot sya magalit at the same time, cute padin sya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit lapitin sya ng disgrasya.

I'm not a bully person. Pero sa tingin ko yun ang tingin nya sakin.

Sa dami nang girls na nagpapacute sakin, tanging sya lang ang kayang tapunan ako ng chocolate drink sa polo, sipain ako sa tuhod at kurutin ako sa tyan.

Napakasadista nya!

But she's one of a kind.

Paano kaya kami magkakabati kung lagi syang galit sakin?

"HOY VICERAL!!!" halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Billy.

"WHAT?!" inis kong sabi.

"Talo ka na Kuys! Ubos na troops mo!" oh shit! Uggghh! Talo nanaman ako sa coc.

Kasalanan 'to ni Ana!

"Bakit ka kasi nakatulala? Ano bang iniisip mo?" tanong ni Billy.

"Si Ana." wala sa loob kong sabi. Nanlaki ang mata ko. "I-I mean, kasama ba ni Vhong sila Ana?" bawi ko. Ningitian naman ako ng nakakaloko ni Billy.

"Hmmm. I know you Brotha!" natatawang sabi ni Billy. Binigyan nya ako ng makahulugang tingin.

"Fuck you Billy.. Alam ko nasa isip mo.. I have no crush on Ana." depensa ko.

"Wala naman akong sinabing crush mo sya.. Halata ka Kuys!" sabag pinagtawanan nya ko.

"Bahala ka nga!.. May gagawin ako, sali ka?" sabi ko.

"Ano yun Kuys?"

"Masaya 'to! Kunin mo yung timba ni Manong Ysmael! Kukunin ko yung powder ni Hanna. I-prank natin si Kuys Vhong!" natatawa kong sabi. Agad namang sumunod si Billy sakin.

Hayyy buti nachange topic ko!

= = = =

Ana's POV

"Thanks sa paglibre mo samin Vhong." pasalamat ko kay Vhong.

"You're welcome Ana." nakangiti nyang tugon sakin. "You're welcome din Brad!" sabi nya kay Anne kahit hindi naman ito nagpasalamat.

Sinabayan nya kami ni Anne kaninang pumunta ng canteen. As usual, nag-asaran nanaman sila ni Anne habang naglalakad. Pero nagulat nalang kami nang bilhan kami ng foods ni Vhong.

Malayong malayo ang ugali ni Vhong kay Mr. Sungit. Buti nagkakasundo sila?

"Bakit ganun ugali ni Jose?" curious kong tanong.

"Ugali? Ano bang nakikita mong ugali sakanya?" balik tanong ni Vhong sakin.

"Mayabang! Feeling pogi! Papeymus-- ssdfhjjggjlljhgj!" sabat naman ni Anne ngunit bigla syang sinubuan ng sandwich ni Vhong.

My Mortal Enemy (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon