"If ever there is tomorrow when we're not together. There is something you must always remember. You are braver than you believe, stronger than you seem, and smarter than you think. But the most important thing is, even if we're apart... I'll always be with you."
-Anonymous
_________________________________________________________
Kinausap ko kanina yung superior namin sa simbahan. Tinanong ko sya kung pwede bang mapaaga ang pananatili ko sa seminaryo at pumayag naman ito.
*sigh* ipapaalam ko ba kay yanna? Kanina ko pa pinag iisipan e.. haay sige na nga.. tawagan ko nga..
"yann--"
"ANO BA YUN AT TINAWAG MO PA?!"
"Ah-- sorry. Nakaistorbo ba ako?"
"OO! KAYA SABIHIN MO NA KUNG ANONG SASABIHIN MO"
"ah eh, wala.. Sorry.."
"Tsk. Sge na ha. Pasensya kung nataasan kita ng boses. Kasama ko kasi si rod eh. Kung may sasabihin ka, text mo na lang ok?"
"Sige"
End Call.
Ayun. Di ko na nasabi sa kanya. Kasama nya nga pala ngayon si rod.. Di na ako sumama dun kasi baka makaramdam ako ng ... ng ... ok sige. Aaminin ko na. Baka makaramdam lang ako ng SELOS..
Inoff ko na lang yung cp ko at nagpatuloy sa paglalakad. I'm here. Walking along the seaside all by myself. Appreciating the beauty of nature that God made: the dark blue sky with twinkling stars, the wide sea (kahit medyo madumin yung manila bay haha), and the dancing trees around.
Ang ganda talaga ng mundo. God placed everything where it's supposed to be. It's wonderful. It's perfect..
Habang naglalakad ako at nagmumuni muni, nakita ko sila yanna at rod. Hawak ni rod ang mga kamay nya. Parang may sumuntok sa dibdib ko at nabasag ang puso ko. Pasensya na.. Masakit lang kasi talaga ang makita ang ganoon..
Napatingin tuloy ako sa langit at nasabing..
"Lord naman, pinagkakaisahan nyo naman ako ng pagkakataon eh. Lumalayo na nga po ako pero pinagtatagpo Nyo naman po kami.. Ganda na nga po ng tanawin dito tapos... Haay"
Tinignan ko sila ng sandali pa. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.. Tumalikod na lang ako at umuwi
Yanna's POV
Hinatid ako ni rod hanggang sakayan ng bus. Pagsakay ko, tinext ko agad si anks
To: anks
Uy brother, tulungan mo naman ako oh? I need advice :(
...Sent!
Di sya nagreply kaya tinext ko uli...
To: anks
Anks, reply naman dyan. Si rod kasi eh.. :/
...Sent!
After ilang minutes, di pa rin sya nagrereply kaya I decided to call him na
Sorry, the number you dialled cannot be reached. Please try again later
Naka off yata yung cp nya. Ano ba yan, kung kelan ko naman sya kailangan -__- teka, baka nagtampo sya sa akin. Nasigawan ko pala sya kanina. Tsaka nakita namin sya ni rod kanina. Nandun din sya sa seaside.. Tinawag ko sya kaso di nya ako narinig :(
Text ko na nga lang yung Trio. Kahit mga baliw yung mga yun alam kong may maiaadvice sila sa akin. Panigurado may huhugutin sila galing sa mga pelikulang pinanood nila pero alam kong tama naman yun sa sitwasyon ko
YOU ARE READING
That Something In Between
RomanceA story about a man who wants to be a priest but suddenly fell in love with his friend, yanna. Confused with their feelings, they decided to settle for what will be the best for them; To choose THAT SOMETHING IN BETWEEN them.
