First

179 5 4
                                        

“First best is falling in love. Second best is being in love. Least best is falling out of love. But any of it is better than never having been in love.” 

― Maya Angelou

____________________________________________________________

Ano ba yan! Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat di ko na lang tinapos yung whole week marathon ko ng Be Careful with my Heart! Eh kasi naman eh! bakit ba kasi nakakakilig sila Maya at sir Chief??! Waaaahhhh! :"""> Yan tuloy late na ako nagisising at ngayon patakbo na akong umaakyat papunta sa room ko sa Biology. Kainis! Bakit kasi nilipat dito sa 4th floor yung room?! Hingal nakoooo! >.< Bruhang yon talagaaa--

*BLAG*

"Aray!" nalaglag yung gamit ko

"Ay sorry miss" sabi nung kung sino mang kutong lupang bumunggo sa akin.

"Eto notebook mo oh. Pasensya na talaga" sabi nya habang tinutulungan ako sa pagdampot ng mga gamit ko

"Ayos lang, ayos lang. sige." madali kong sabi habang nakayuko at dinampot ang mga gamit ko

"Miss eto pa. Ballp--"

"sige ha" tumayo ako at pumasok na sa kaliwang pinto ng room at di na narinig kung ano man ang sinabi nya.

"Good morning miss? You're early for your next subject" sarcastic na sabi sa akin ni ma'am

"Good Morning ma'am" sabay upo at ayos sa sarili

*ENNGGK*

nag creek yung pinto.

"Aba at magkabilang pinto pa pumasok ang nagsecond runner up sa kay ms. late. Good morning brother?"

"Good morning ho ma'am. I'm sorry i'm late"

Di ko alam kung sino daw yung sumunod sa akin. Busy kasi ako sa paghahanap ng ballpen ko! >///<

"As I was saying" sabi ni ma'am "Sasabihin ko na yung partners nyo for your Bio report and research paper na gagawin nyo"

Bio Report and Research paper?!! Tsk! Major lang ang peg?? Hmp! -___-

Nagsimula nang magpares si ma'am. Sanay sya sa pagtawag sa amin sa first names namin.

"... miguel and letty" nagtaas sila nv kamay at nagtabi

"... brother franklin and yanna"

"ma'am!" sabi ko sabay taas ng kamay

Nagulat ako ng makita yung lalaking katabi ko (well hindi naman totally magkatabi kasi may vacant chair sa gitna namin kaya parang nasa kabilang aisle na sya) ay kasabay kong nagtaas ng kamay

"ma'am :)" nakangiting sagot nya

"Ang dalawa pang late ang nagsama hahaha" tawa ka dyan! Pektusan kita dyan eh! Nagsalita nanaman si evil side ko "sige na, magtabi na kayo"

lumipat sya sa tabi ko

"Hi" bati nya with a smile

"ay hello :))" masaya namang bati ko "ikaw pala yung isa pang late na sumunod sa akin?"

"Oo. hahaha! Nakakatamad kasi pumasok sa subject na to eh :)))"

"Truelalooo! Ang aga aga pa! tsk. hahaha"

"Tsaka may nakabangga pa ko dyan sa labas bago pumasok. Di ko na nakilala kung sino. May dinampot kasi ako tapos pag talikod ko nawala na. Ang bilis =)))"

"Oh? Ako rin eh! May nakabangga ako dyan sa labaaaas!!" napasigaw na pagkagulat ko

"Ms. Yanna!" sita sa akin ni ma'am

That Something In BetweenWhere stories live. Discover now