Umubo ako, baka sakaling mawala yung pagkautal ko.

Tumawa siya. Hindi yun normal na tawa... naiisip ko yung tawang lumabas sa bibig ko nung nainis ako kay Jacob sa CR.

"I mean, sasama kami ng barkada... outing na lang tayo! Naisip ko kasi di pwedeng kayo lang ni Jacob diba? Agree naman sina Belle kaya ayun!" Aniya.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako kay Callix o siguro dapat nga akong kabahan?

"Callix, hindi-"

"Rosie... Sige na naman! Bakit ba ayaw mo? Dahil ba kay Jacob?"

"Callix." Sabi ni Jacob.

Napalingon si Callix sa pinsan niya.

"Bakit?" Tanong ni Callix. "Rosie... bakit? Anong problema? Wala naman tayong problema noon pero mula nung..." Di niya tinapos.

Nawindang ako sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang karugtong noon.

"O sige! Sasama ako. Huli na 'to ah? Kailangan ko na kasing magseryoso... I mean... sa Psychology."

"OKAY!" Ngumisi si Callix at niyakap ako. "Ang hirap mong mapa oo! Mula pa noon." Ngumisi si Callix.

Nakita kong napailing si Jacob sa kawalan. Oo, Jacob! Sana ma gets mong di si Callix ang una ko kundi ikaw... pero napakababaw na rason nun kaya di ko yun iha-highlight. Naiinis lang kasi lalo ako kay Jacob!

"Last na 'to!" Sabi ko sa sarili ko nang lumabas kami sa van nina Callix (na sinakyan namin papuntang Imperial Bay). Si Jacob ay nakasakay sa Ford Ranger niya, una siyang nakapark sa loob.

"Hayyy! I'm so exciteddd!" Sigaw ni Belle.

"Oo! Bago yung two piece mo!" Sabi ni Ava.

"Di yuuuun! Syempre dahil kay Jacob! Alam mo yun, sa school kasi ang daming magulo at epal sa kanya... Ngayon akin lang siya! Ha-Ha-Ha!"

Siniko ko si Karl. Siya naman yung 'past-lust' ni Belle eh.

"Yuck! Wh0re!" Bulong niya sakin habang umiiling. "Sana malaman niyang sayo si Jacob nang di na siya mag assume na may pag-asa pa ang mga babaeng tulad niya-"

Siniko ko na ulit dahil nakita kong dumapo ang tingin ni Callix.

Si Jacob at Callix ang nasa room dapat namin ni Jacob. Kami ni Ava at Belle ay nasa iisang room. Si Edward, Josh at Karl naman ay nasa iisang room. Ang haliparot ay nagdiriwang na siguro ngayon. Tsk!

"TAYOOO NAA! SIGURADONG NAG SW-SWIMMING NA SI JACOB DUN!" Sigaw ni Belle.

"Rosie, tayo na?" Tawag ng naiingayan na si Ava.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon