Chapter One

90.6K 968 72
                                    

Chapter 1


"Hoy, Adamzon! Lumabas ka na diyan! Pinaalis ko na yung babae mo!" Sigaw niya kay Adam na kasalukuyang nagtatago sa loob ng cr. Wala pang limang segundo ay lumabas na ito with a stupid wide grin on his face.

"Salamat talaga, tol. Di ko alam kung paano nila natunton 'tong shop mo." Binuksan nito ang refrigerator at kumuha ng dalawang can ng beer. Inabot nito sa kanya ang isa.

Napabuntong-hininga siya bago kinuha ang iniabot. "Tol, wala naman akong pakialam kung ilang babae ang pinagsasabay mo dahil alam ko naman talagang may pagka tarantado ka, ang akin lang eh sana wag dito sa shop ko gagawa ng eksena at kadramahan."

Grabe din 'tong isa to. Tatlong umiiyak na babae na ang pumunta dito sa shop niya at hinahanap ang tarantado niyang kaibigan. Nang lumapit sa opisina niya si Eloy—assistant niya sa shop—at sinasabing may naghahanap daw na magandang babae kay Adam ay tumago kaagad ang gago sa loob ng cr niya at sabihin niyang wala daw ito doon.

"Axia, kilala mo ako. Hindi ako ganoong klaseng lalaki. Hindi ko pinagsasabay yung tatlong babaeng 'yon. Hindi—"

"Sa kama siguro, syempre hindi. Pero sa relasyon, oo. Adam, alam mo namang wala akong pakialam kahit apat o lima pa 'yang mga babae ang pinagsasabay mo, ang akin lang... Wag naman itong shop ko ang ituro mo! Nawawalan ako ng customer eh."

Kanina kasi habang ini-entertain niya ang isa niyang costumer ay biglang pumasok ang girl number three. Hindi pa nga naka tapak sa loob ng shop niya eh naghihisterya na. Hindi na sila nagkakaintindihan ng customer niya dahil sa sobrang lakas ng hagulgol ng babae kaya naman ay umalis na lang ito.

"Tol, pasensya ka na. Hindi ko talaga alam kung bakit—"

"Dam, syempre inuna nilang pinuntahan yung opisina mo na nasa harap lang nitong shop ko. Yung sekretarya mo naman ay itinuro 'tong shop ko dahil alam niyang andito ka lang nagtatambay at nagpapalipas ng oras. Syempre susugod yung mga babae mo dito." Pagkatapos ng kanyang litanya ay nilaklak niya ang beer na kaagad nangalahati.

Itinaas nito ang dalawang kamay bago nagsalita. "Oh, sige! Sasabihan ko bukas si Pamela na pag may maghahanap sa akin na babae, sabihin niyang nag out of town ako."

"Wag mo nang ibukas pa, gawin mo na ngayon din! Baka may susugod na namang Tandang Sora dito na imbis itak ang dala-dala eh pregnancy test ang bitbit." Inubos na niya ang laman ng can at itinapon sa basurahan.

Marami pa siyang papeles gagawin sa araw na iyon. Grabe talaga. Ni wala pa ngang tanghalian eh nakakatatlo nang babae ang gagong 'to. Ilan kaya ang pinagsasabay nito?

Umupo siya sa kanyang swivel chair at pinagmasdan ito. "Hoy, Adam! Matanong ko lang, ilang babae ba talaga ang pinagsasabay mo ha? Di ka naman kagwapuhan pero kung makapangolekta ka ng babae, kala mo sing gwapo ni Channing Tatum."

Natatawa talaga siya sa reaksyon nito pag sinabi niyang hindi ito kagwapuhan. Parang gusto siya nitong sakalin at saksakin ng ilang beses. "Kung makapanglait ang matandang dalaga na 'to, kala mo sing ganda ni Anne Curtis. Hoy! Manghilamos ka nga muna! Nangangalamuta ka pa dyan eh."

Tuluyan na siyang natawa. Kahit kalian talaga ay hindi ito magpapatalo pagdating sa laitan. Ganito araw-araw ang buhay niya. Magbabantay ng shop at guguluhin ng sira-ulo na ito hanggang mag sarado. Kaya nga minsan ay wala na siyang nagagawang trabaho dahil nag-uusap na lang sila parati. But don't get me wrong, they were not close in a romantic way.

Matagal na silang magkakakilala ni Adam. Nakilala niya ito noong pitong taon gulang pa lamang siya at ito naman ay walong gulang na. Nakita niya kasing may inaaway itong batang lalaki na tantiya niya ay dalawa o tatlong taong nakakabata sa kanila.

Playing Between the SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon