Napahilamos siya ng mukha. "Adam, wala ka na ba talagang magawang maganda at matino sa buhay mo kundi maging fashion police ko? Ano bang pakialam mo sa mga sinusuot ko ha? Kung gusto mo, gayahin mo yung fashion ko! Mag suot ka na din ng Supra para magmukha kang astronaut at ng varsity jacket para magmukha kang tanod!"

Nakita niyang nangingiti ito. "Ang init naman ng ulo mo ngayon, meron ka ano?"

Walang pagdadalawa ay itinapon niya dito ang calculator na nasalo naman ng mokong. Tumayo na ito at ibinalik sa kanya ang calculator at ballpen na itinapon niya. "I'll take that as a yes."

Bago ito tuluyang lumabas ng opisina niya ay huminto ito. "Oo nga pala, Axia. May inuman mamayang gabi sa bahay ni Kostas, dumating na kasi ito galing sa Greece kaya naman may konting salo-salo. Sama ka?"

Napaisip siya. Hmmm. Libreng pagkain. "Sige, anong oras?"

Tiningnan nito ang wristwatch na suot. "Mga alas syete ng gabi. Susunduin nalang kita dito mamaya."

"Wag na, dadalhin ko lang yung sasakyan ko. Wala akong tiwala sa pagmamaneho mo."

Napatawa ito. "Sige, ikaw bahala. You can bring your girlfriend if you want. I'm pretty sure we'll all get wasted tonight and then you can—"

Hindi nito natapos ang sasabihin dahil ibinato niya ulit ang hawak na ballpen. Tuluyan na itong lumabas habang humalakhak. Gagong 'yon. Wala talagang magawang matino sa buhay.

-

Mag-aalas siete na ng gabi ng sinabihan niya si Eloy na magsasarado na sila ng shop. Natatandaan niyang may kalayuan pa naman ang bahay ni Kostas at ayaw niyang mahuli sa kainan.

Kostas was one of her close friends since high school. Since high school pa man ay magkabarkada na sila kasama pa ang apat na lalaki. Anim sila sa isang barkada at siya lang ang nag-iisang babae. Noong una nga ay akala ng lahat ay nagpapa-boyish lang siya upang makalapit sa limang campus crush ng school, pero nang ma-realize nang lahat na talagang may pagka tibo siya ay hinayaan na din siya ng mga pakialamerang babae.

Bago pa man sila nag high school ay magkaibigan na sila ni Adam dahil nga sa pagtatanggol niya sa nakababatang kapatid nito na si Xavier. Ever since ay naging malapit na sila sa isa't isa. Kaya siguro naging boyish siya dahil halos lahat ng kalaro at kaibigan niya noon pa man ay pawang mga lalaki.

Well, actually... Hindi naman talaga siya tomboy. Nagkakaroon din naman siya ng guy crushes just like any other woman, but what made her different from the others is that she wasn't comfortable wearing girly clothes. Heels? Dresses? Skinny jeans? Blouses? Sandals? Make-ups? Jewelries? They never aroused any interest to her.

Kahit noong graduation niya sa high school at college ay talagang wala siyang inilagay na make-up sa mukha niya. Hindi nga siya umattend ng prom noong high school dahil required talaga ang mga babae na sumuot ng gowns o cocktail dresses. Talagang umiyak siya noon dahil pinipilit siya ng tatay niyang pumunta. He even rented a purple ball gown with green ruffles. Just by looking at it made her cry even harder. It was hideous! Alam niya namang hindi siya mahilig sa girly stuff but at least she can distinguish hideous-looking ball gowns!

Napasimangot siya sa memoryang iyon. It was one of her toughest years. Mahal niya ang tatay niya ng buong puso dahil ito lang mismo ang naiwang pamilya niya, pero iba parin pag merong ina na nag-aalaga sa iyo. She knew her father was doing his very best to teach his daughter how to become a refined lady someday, but he didn't know how stubborn his only daughter could be.

Pinilig niya ang kanyang ulo. This was no time to reminisce the past. Pumunta siya sa garahe katabi ng shop habang dina-dial ang number ni Adam. Ilang segundo lang ay sinagot na kaagad nito ang tawag.

Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now