Sumisigaw ito ng "Lampayatot! Lampayatot! Di marunong mag-bike!" sa bata. Kaya nag mistula siyang darna at ipinagtanggol ang bata dahil nakasimangot na ito at mukhang iiyak na, kaya naman ay itinulak niya si Adam sa putikan.

"Yan ang para sa'yo! Ang sama ng ugali mo!" Doon niya din nalaman na magkapatid pala ang dalawa at binibiro lang ni Adam ang batang kapatid nito na si Xavier.

"Ang gwapo ko ano? Kunan mo nalang ako ng picture, di naman ako selfish pagdating sa kagwapuhan ko." Biglang bumalik sa kasalukuyan ang isipan niya dahil sa sinabi nito.

"Actually, nandidiri nga ako eh. Bakit ba may mga babaeng naghahabol sayo? They seriously need to get their eyes checked." Kinuha niya ang isang folder sa kahon at inilapag sa kanyang table. She had to get started with her paper works. Isang linggo nalang ay darating na ang tatay niya galing Australia at titingnan ang sales niya from April to October.

Napansin niyang lumalapit sa table niya si Adam. Pumaikot ito sa kanyang lamesa at sumandal sa mismong harap niya. "Tapatin mo nga ako, Alexandria, may gusto ka ba sa akin?"

Sa sobrang pagkabigla niya sa tanong nito ay napatawa siya ng malakas. Ano bang pumasok sa kukote nito at bigla nitong natanong iyon? "Di ko nalang sasagutin 'yan, baka mabalitaan ko nalang bukas, nagbigti ka na sa loob ng opisina mo."

Mga ilang segundo itong tahimik at nakatitig sa kanya. Unti-unti itong ngumiti bago nagsalita. "Alam mo, tol. Kaya siguro ang gaan ng loob ko sa iyo dahil alam kong hindi ka katulad ng mga babaeng nakaka-date ko. Ilang taon na tayong magkakilala pero hindi parin kumukupas ang pagkakaibigan natin. Ilang taon tayong hindi nagkita dahil sa America ako nag kolehiyo pero pagbalik ko, nilalait at inaaway mo pa rin ako.—"

"Ang dami mo namang satsat. Umalis ka na nga dyan! Sagabal ka sa trabaho ko eh!" Taboy niya dito habang nakangiti. Kahit kailan ay madaldal talaga 'tong si Adam.

Ngumiti ito at tuluyan nang umalis sa harap niya. Umupo ito sa isang monoblock at pinagmasdan siya. "Axia." Tawag nito sa kanya malipas ang ilang minuto na katahimikan.

"Adam." Balik-tawag niya sa pangalan nito. Tinitigan niya ang mga papel na nasa harap niya. Dios Mio, san ba ako magsisimula?

"Axia." Tawag na naman nito sa pangalan niya.

"Adam."

"Axia."

"Adam."

Akala niya ay tapos na ito sa pagiging baliw pero tinawag na naman siya. "Axia."

"Adam, pag hindi ka tumigil ay talagang sasaksakin na kita nitong ballpen ko." Mapanganib niya itong tiningnan pero nginitian lang siya nito ng malapad.

"Axia, mag lugay ka nga ng buhok." Sabi nito sa kanya.

"Ayoko. Sumasakit ulo ko." Walang ganang sagot niya.

"Edi, pagupitan mo nalang kaya? Yung boy cut."

Bumuntong-hininga siya. "Ayoko din, di bagay sa akin."

"So habang buhay mo nalang ba iyan itatago diyan sa bullcap mo? May kuto ka na ata eh. Halika nga, tingnan natin." Aakma itong tatayo ng tinapunan niya ito ng ballpen.

"Gago! Wala akong kuto, lisa at kaspa! Ayokong ilugay dahil sumasakit yung ulo ko, ayokong ipagupit dahil hindi ako bagay pag maikli yung buhok ko, at pinapaloob ko sa bullcap ko dahil sagabal siya pag nagtatrabaho ako. Oh, ano? May tanong ka pa ba?" Sana tawagin na ito ng sekretarya nito.

Sinipat-sipat siya nito. "Ba't palaging maluwang ang t-shirt na sinusuot mo? At bakit ba ang laki ng mga pantalon mo? Wala ka din bang ibang sapatos maliban diyan sa Vans mo? Nagmumukha kang malnourished na binatilyo eh."

Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now