DISCLAIMER:
ALL THE NAMES, PLACES, EVENTS AND CHARACTERS ARE FICTITIOUS.
*******************************************
"Nadia ah, mag-abot ka kaagad kapag naka sweldo ka na, pang pundar ko sa pagkain ng biik"
Kalalabas ko lang ng banyo nakarinig na agad ako ng limos, parang linggo-linggo na lang hingi. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya habang naglalakad palapit aa mesa kung saan naghahain si tiya.
"Opo baka sa makalawa po" ganon pa man ay ngumiti pa rin ako. "Iyong.....balik po sa hiniram niyo nung isang linggo tita, meron na po ba?"
Bahagya akong nagulat nang padabog nitong nilapag ang mga kubyertos sa plato. Lumingon ito sa akin na may masungit na awra at nakapamewang pa.
"Kung maka-singil ka akala mo naman sobrang tagal kang hindi nabayaran" hindi gaano malakas ang boses pero ramdam ko ang irita sa boses nito. "babayaran ka rin Nadia ha? Wag kang atat"
"Oh kumain ka na diyan baka pati tanghalian isumbat mo pa" napatikom tuloy ako ng labi. Hindi naman ako nanunumbat, naalala ko lang kasi tsaka pera ko rin yon, may paglalaanan ako ron.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit panay ang hiram niya sakin ng pera eh may bentahan kami ng biik.
"Mare, mamaya raw sa bahay ni kumare tessa" napalingon ako sa bandang pintuan namin.
"Ganon ba? Sige mare, magdala ako mani" tinanguan nito ang kumare at ngumiti pa saka umalis. Ayon! Nagsusugal kasi....
Nagsandok na lang ako ng kanin at hindi na pinansin. Hindi ko rin naman kasi pwedeng kalabanin ang taong nagpalaki sa akin, ulila na ako sa ina na siyang kapatid ni tiya loisa. Wala rin akong kapatid, pinsan lang at pamangkin ang kasama namin dito sa bahay. Tatay? Wala akong tatay, parang sperm donor lang daw ang nangyari sa sa nanay ko pero german ang donor, kaya ito ako half filipino half german. Kwento sa akin ng isa pang kapatid ni mama na ayaw daw nito mag-asawa pero gustong magka-anak kaya nagawa niyang maghanap ng sperm donor at ito ako nabuo, ang hirap nga lang dahil lalaki talaga akong walang tatay.
"Bye po nanay, bye ate Nadia alis na po ako" nagmano ang pamangkin kong si Jace kay tiya. Anak siya ng anak ni tiya loisa, apo niya at pamangkin ko naman.
Pagkatapos kong kumain ay syempre naghugas ako ng pinagkainan, after non ay saka ako nag-toothbrush. Pumasok na ako sa kwarto ko para mag-ayos, may duty ako ngayon sa pagtu-tutor. Pupunta ako roon sa bahay ng studyante ko.
Humarap ako sa aking salamin na nasa vanity table saka nagsimulang mag-ayos at maglagay nang kaunting makeup. Lahat ng gamit ko rito sa kwarto ay gastos ko lahat mula sa pagtuturo. Kaga-graduate ko pa lang 1 year ago kaya hindi pa ako nakakapag apply as TEACHER. Kinakabahan pa kasi ako at tsaka gusto ko pang masanay unti-unti kaya ang trabaho ko ngayon ay SUBSTITUTE TEACHER.
Ang SUBSTITUTE TEACHER ay, sila yung mga teacher na pumapalit sa mga teacher na absent. Madalas mga isang araw o dalawa lang ang tinatagal nito. Tumatanggap din ako ng client as TUTOR ng anak nila.
Nang matapos mag-ayos ay saka ako nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng double lining plain white shirt na naka tuck in sa maxi maong skirt ko tsaka plat shoes. Lakas maka tita outfit pero wala e kailangan kasi teacher pa rin ako kasi na nagtu-tutor lang.
Ako si Nadia Ynarie Adelaide, 23 years old. 5'3 height, natural na dark brown ang buhok ko, almond brown eyes, tall and slim nose and my favourite part of my body is my natural light freckles. Kaunti lang naman sila.
ESTÁS LEYENDO
RE-WRITTEN LOVE
Novela JuvenilNadia, a dedicated tutor with a passion for education, finds herself drawn into the life of single father Jaxer when she begins tutoring his young daughter, Janzen fritz. As Nadia and Jaxer grow closer, navigating the challenges of parenthood and t...
