"Maki-chan!" bigla tuloy akong binatukan ng hyper kong kaibigan na otaku na si Elise. All-smiles siya kasama ang best friend niyang si Rydia na parehong may hawak-hawak na sherbet.

"Bakit hindi mo ako binilhan ng sherbet?" tinaasan ko ng kilay si Elise.

"Kanina ka pa tulala diyan, Maki-chan. Ano iniisip mo?" umupo bigla si Elise sa tabi ko at nagpout pa sa akin.

"Wala akong iniisip!" sabi ko kay Elise. Pero ang totoo tinititigan ko lang sina Sheen at Deanne na nag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Mukhang seryoso ata. Tungkol sa studies ata. O kaya tungkol sa bandang pareho nilang pinapakinggan. Hanggang anime at walang kakwenta-kwentang kakornihan at kaweirduhan lang kami nagkakasundo ni Sheen.

"Baka iniisip mo si Ethan," siniko ako ni Rydia na nakatawa rin. Si Ethan yung isang fictional character na finafangirl ko sa isang Wattpad story. Binasa namin iyon nina Elise at Rydia at natuwa sila sa story na iyon. Kaso nga lang, finafangirl pa rin ni Elise si Shiki samantalang si Rydia, well, may boyfriend na 'yang si Rydia, pero hindi ibig sabihin nun na hindi siya pwedeng magfangirl. Ang problema nga lang, yung finafangirl niya, similar sa ugali at hitsura ng boyfriend niya. Wow.

Napangiti na lamang ako. Guilty rin ako na iniimagine ko si Sheen in place of Ethan. Kaso nga lang masyado nang malala iyon kaya dapat maaga pa lang ay dinidispel ko na ang mga ganitong klaseng thoughts.

Napatingin si Elise kina Sheen at Deanne na nagtatawanan pa. "Bagay sila, no?"

"Oo nga eh," tumango na lamang ako. "Bagay talaga sila. I ship them."

"I ship them too. I ship them soooooo hard," nag-fangirl giggle naman 'tong si Elise. "Feeling ko magiging sila dahil hindi nagkakamali ang shipping goggles ko. Di ba, Rydia?"

Mahinhing tumawa si Rydia. "Pwede."

"Anong pwede?" mahinang tinulak ni Elise ang balikat ni Rydia. "Nung shiniship ko nga kayo ni Daddy, nagkatotoo, di ba?" natawa na lamang siya at biglang namula ang mukha ni Rydia.

"Anuba, Elise!" pinalo ni Rydia ang braso ni Elise. Daddy ang tawag ni Elise kay Lamont dahil nag-ro-roleplay kami bilang isang pamilya.

"Araaaaaay, mashaket yun, Mommy," nagpout si Elise kay Rydia habang hinihimas niya ang lugar kung saan siya pinalo ni Rydia. Humarap naman si Maki sa akin. "Ikaw, Maki-chan, ship mo ba silang dalawa?"

Napatingin na lamang uli ako kina Sheen at Deanne. "Oo. Ship ko sila," ngiti ko. Kung iyon ang ikatutuwa ni Sheen, might as well ship the two of them. Crush lang naman ito. No need to fall for him so hard. Hindi pa naman ako nahuhulog sa kanya. I mean, nagagawa ko pa ngang i-ship ang #Sheanne eh.

"Di ba? Let's ship them together!" tili ni Elise habang niyuyugyog-yugyog pa niya ako.

Napatigil ang pagfafangirl ni Elise nang dumating sina Axel, Gale, Keith at Xander. Biglang lumapit itong si Gale kina Rydia at Elise.

"Uy, may dala ba kayong PSP?" tanong ni Gale sa kanila.

"E-eh? Wa-wala," malungkot na nagpout naman itong si Elise. Pala-pout talaga ang babaitang 'to. "Bakit? Maglalaro sana tayo?"

"Oo nga eh, maglalaro sana tayo ng Monster Hunter. Sayang," bumuntong-hininga si Gale. "Tekken na lang tayo. Gusto niyong makilaro?"

"Sige, sige!" paulit-ulit na tumango si Elise.

"Sige, sino kakalabanin mo?" hinamon ni Keith si Elise.

"Si Xander! Mas fun kalabanin si Xander! Hehe," masayang tinuro ni Elise si Xander.

"Whoa, whoa," napalayo bigla si Xander nang nakita niya ang nakaturong daliri ni Elise. "Ang saya mo, ha, Elise. Humanda ka, patutumbahin kita."

Nag-belat si Elise kay Xander at nagsimulang pumunta sa kanila. Tumayo si Rydia para sundan si Elise.

Some old works.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ