part 4

51 3 2
                                    

 PART 4

Habang tumataggal lalong tumitindi ang pagkainlab ko kay Levi. Ngalingali ko laging masabunutan yung mga babaeng dumidikit sa kanya na parang linta. Natatakot naman akong magtapat sa kanya dahil baka rejection lang ang matanggap ko sa kanya at baka kung ano ang meron kame ay mawala pa.

Naitago ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya kahit papaano. Pero parang hindi ko na kaya parang sasabog na yung puso ko kapag hindi ko pa nasabi. Handa na ako sasabihin ko na sa kanya. Isasakripisyo ko ang lahat na mayroon kami. Ngunit parang gumuho ang mundo ko nong naunahan nya akong magsalita.

“Ui Ginger, pede mo ba kong tulungan?”

“Oo naman sang subject ba?”

“Hindi yun, Ginger. Pwede bang tulungan mo akong ligawan yung classmate mo?”

Ang sakit ng dibdib ko parang naninikip. Anu nga bang magagawa ko syempre umoo ako. Isang kaibigan na handang tumulong ang tingin nya sa akin.

Ang tanga mo Ginger. Alam mong masasaktan ka pero pumayag ka pa rin. Yun ang paulit ulit na isinisigaw ng utak ko.

Eto pa ang masakit sa mga sinabi nya.

“Salamat ah, I love you, bestfriend”

Hanggang kaibigan lang talaga kame. Ang sakit pero ayoko ipilit ang sarili ko sa kanya. Lalo lang kaming masasaktan pareho. Kung ipipilit ko ang sarili ko sa kanya parang nagsusuot ako ng singsing na sikip naman sa akin. Kapag lalo kong isinusuot lalong masmasakit. At walang liligaya alinman sa amin.

Gumawa ako ng paraan para maging sila ng kaklase ko. Masakit man maspinili ko yung kung saan sya masliligaya. Dahil nakikita ko hindi ko kayang ibigay ang kayang ibigay ng babaeng gusto nyang makasama ngayon.

Hindi nagtagal naging girlfriend ni Levi yung Classmate ko. mabait naman ito. hindi nakapagtatakang nagustuhan ito ni Levi. Masaya si Levi ngayon kaya Masaya na rin ako.

Siguro ayaw din ng Diyos na mawala ang pagkakaibigan namin. May plano ang Diyos alam ko. Siguro ay may dadating na tutumbas sa pagmamahal ko. Sabi nga nila kung minsan ang pag-ibig ay parang pagsagot sa equation sa mathematics “trial and error” hindi man si Levi ang tamang tao para sa akin. Makakahanap at makakahanap ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo. Just be patient.

END of STORY

RED ROSEWhere stories live. Discover now