pahinga

20 1 0
                                        

ipipikit na ang mata at tatabi sayo sinta
sabay tayong hihimlay sa kama
habang iniisip ang mga tala
nagliliwanag, kumukutitap
makapiling ka ay kay sarap
sabay sa pagpikit ng mga talukap
hihintaying lumampas ang mga ulap
sa paggising ikaw sana ang masilayan
dahil ikaw ang aking kasiyahan
sa pagod na araw ikaw ang pahinga
pinapatulog ng iyong pagsinta.

Witten by Agnes — 121924

Oh, Lily! Where stories live. Discover now