How to Forget?
2 weeks passed. I've been so hard to myself after that incident.
Pagkatapos mangyari nun napagdesisyunan ko na agad na umuwi. Hindi ko alam kung anong hindi ko kinaya kaya napauwi ako agad, yung kahihiyan ba o yung inis ko dahil hindi ako naka score kagabi.
Hinatak ko na din si Nigel nung gabing yun dahil masyadong malayo ang iba-byahe ko kung uuwi ako sa bahay nila Mommy, kaya naisipan ko nalang na sa unit ako ni Nigel matutulog.
Hindi na din naman sya pumalag kasi walang mag uuwi sakanya kung sakaling iwan ko sya. Paninindigan nya talaga yang jetski nya.
Hindi nya na din naman ako tinanong kung anong dahilan ng bigla kong pagyaya sakanya na umuwi na agad dahil buong byahe ay tahimik lang sya, lasing na din siguro.
Nang makarating kami sa unit nya, dumiretso na sya agad sa kwarto nya. Naligo na din muna sya bago matulog at makapag pahinga.
Siraulo nga dahil may meeting pala sila ng mga orgmates nya bukas ng umaga, ang lakas ng loob nyang pumarty at mag inom.
"Nagugutom ka ba, Rys?" Tanong nito sakin habang naniningkit pa ang mga mata. Nakasandal sya sa pinto ng banyo habang may naka patong na tuwalya sa balikat nya.
Umiling lang ako, dahil kung sabihin kong nagugutom nga ako baka ipagluto nya ako ng wala sa oras. Kailangan na matulog neto, kung paglulutuin ko pa sya baka masunog ang kusina nya dahil sa kalasingan nya.
Nang makapasok sya sa banyo, dumiretso na ako sa isa pang kwarto sa unit ni Nigel. Pinili nya daw talaga na may dalawang kwarto sa unit nya para kung maisipan ko daw na matulog dito ay may kwarto ako.
I entered the small room with white walls and wooden floor. Agad akong naglakad papunta sa kama at naupo doon.
Japanese tatami style ang bed frame ng kama na binili ni Nigel para sa kwarto ko para hindi daw ako matakot kung may tao man sa ilalim ng kama ko. Ayun kasi ang iniisip nya kaya madami akong unan sa kwarto ko kapag natutulog, kahit hindi naman yun ang dahilan.
Ipinatong ko ang phone ko sa bed side table kung saan nakapatong din ang picture frame namin ni Nigel nung grumaduate kami nung highschool.
Natawa ako ng bahagya dahil sa itsura ko dun. Halata kasi na hindi ako kumportable sakanya dahil sa pilit kong ngiti. Pinilit lang din sya ni Mommy na akbayan ako at ngumiti para sa picture, sya lang tuloy yung mukhang masaya habang ako mukhang uwing-uwi na.
Inihiga ko na ng tuluyan ang katawan ko sa kama at ipinatong ang mga braso ko sa aking mga mata.
I sighed while remembering the embarassing thing that happened earlier. It's really weird. Paanong bigla nalang syang napasok sa isip ko habang... fuck. This is weird.
I felt the electricity throughout my body and the heat in my cheeks and ears as I remembered his face even though it was just my imagination.
I bit my own lip while still thinking about his damn face. Tangina malala na ata 'to.
Itinaob ko ang sarili sa kama habang kagat-kagat parin ang sariling labi at kinukurot na ang mga unan na nasa tabi ko nang maramdaman ko ang pagsikip ng pantalon ko. Fuck this.
"Tanginang mga search history to" aish... "Anong how to erase your memory?!"
Agad kong hinablot ang cellphone ko kay Nigel. "Ano ba kasing hinahanap mo sa search history ko? hinahanapan mo pa ako ng dungis eh"
"Search lang eh" Ani ni Nigel habang nakanguso pa.
"Sa akin ka nalang mag search Nigel. Maganda sakin may account, naka premium pa. Anong category ba ang hilig mo sa porn?" Nakangising sabat ni Alas na nakaupo sa tapat ko.
YOU ARE READING
Love Hard, Bound (On-Track Series #1)
RomanceLove Hard, Bound (On-Track Series #1) A Bl story!
