Fights! War Na To'

14 1 0
                                    

Manolo POV

Yung lalaki nun si... si ano nga ulit yun
"Dominic yung name niya" lumingon ako at nakita ko si Francis. At paano niya nalaman.... nevermind
"Obvious na talaga na may crush ka na"
"Hoy Francis, wala akong crush kay Nichole ha" bigla siya napatawa
"Ikaw na nag sabi. Wala akong sinabing Nichole ang sinabi ko lang obvious na may crush ka na" well pareas na rin yung sinabi niya at obvious kaya na ang pinopoint out niya si Nichole
"Bahala ka nga diyan"
"Francis!" nakita ko sina Michelle, Loisa at yung dalawa sina Nichole at si Dominic
"Hi Mich"
"Hindi niyo sinabi agad na pupunta agad kayo dito. Naguusap usap palang tayo saan tayo kakain and then nagwalk out na kayo" sabi ni Loisa
Si Joshua nga pala nagorder na ng food. Si Manolo kasi nag walk out effect pa kanina
"Nasa bad mood kasi young step bro ko eh"
"Bakit?" napatingin kami kay Nichole. Katabi niya si Dominic sa kabilang table
"Eh kasi.. Kanina pa siya gutom. Alam mo naman pag gutom ang isang tao parang world war 3 na diba" sabi ni Francis
"Dominic bakit ka pa rin nandito. Stranger ka sa amin kaya tsupe!" sabi ko
"Okay... Madali lang naman akong kausap. Sige bye guys bye Nichole" ang daming sinabi pwede naman sige bye lang naman ang sagot eh
"Dominic don'tpabayaan mo yang unggoy na yan. Stay. Manolo kung ayaw mo siya dito. Eh ikaw na lang kaya yung umalis para masaya lahat" sabi ni Nichole. Tinignan ko siya ng masama
"Hoy babae tayo magkakakilala na tayo and as far as I know you should never talk to strangers"

Nichole POV
Baliw rin tong lalaki na to. Ingit lang siya kay Dominic kasi mas gwapo siya kay sa kanya.
"Eh diba yung nakilala ko naman kayo, lahat kayo ay strangers rin. Ang stupid mo rin no" sabi ko kay Manolo.
"Oo pero nakilala mo kami sa school. Ehh itong lalaki na to nakilala mo sa cafe shop. Uulitin ko sa cafe shop" grabe naman to.
"Hindi ba pwede maging friendly. Hindi kasi ako katulad mo LONER kaya nga ang friends mo lang yung mga ka group mo."
"Tama na nga yan!" sigaw ni Loisa
"Kanina pa kayo away ng away wala naman nangyayari" sabi ni Michelle
"Nichole kita na lang tayo bukas. Tumawag kasi si Mom eh" ayan tuloy aalis na si Dominic.
"Sige see ya" umalis na siya
"IKAW!" tumingin ako kay Manolo at hinampas ko siya
"Aray!"
"Ikaw ang maykasalanan kung bakit umalis si Dominic. Ano ba kasi talaga ang gusto mo hah?" nakakainis na kasi siya palagi na lang siya ganyan kay Dominic
"Kasi ayoko makita ka may kasamang ibang lalaki gusto ko tayo lang ang kaibigan mong lalaki" nagseselos ba siya? Alangan Nichole nagseselos siya.
"Bakit ka nagseselos. Wala kang karapatan magselos kasi hindi naman tayo" inis kong sabi sa kanya
"Simula ngayon magkaaway na tayo. Humanda ka pagbalik natin sa school" wala akong pekialam kung anong mangyari sa school. I can defend myself naman. Nagwalk na naman si Manolo.
"Nic, don't worry kami na bahala sa kanya" sabi ni Joshua. Sinundan ni Joshua si Manolo

Loisa POV
Ano bang nangyayari ? Kanina ang saya saya namin. Nagsimula lang nun dumating si Dominic. Sabi ko na nga ba maygusto si Manolo kay Nichole. Alam naman yata ng lahat na gusto ni Manolo si Nichole diba. Hindi ko ba alam diyan kay Manolo napaka torpe niya. Buti pa si Joshua. He's brave enough to tell the truth.
"Guys sundan ko lang sila" sabi ni Francis

Joshua POV
"Ang galing ko talaga magacting noh" anong pinagsasabi nito ni Manolo. Magaling daw siya magacting
"Ano?"
"Sabi ko sayo kaya kong paglaruan si Nichole" hindi ko talaga siya maiintindihan
"Hindi kita gets. Lasing ka na ba?" Hindi naman siya uminom. Nagdrugs ba tong lalaki na to
"Naalala mo yung challenge natin sa isa't isa" ahh

Flashback
"Let's have challenge. Ang tagal na kasi natin naglaro ng dare to dare game" sabi ni Manolo
"Sige ba" alam ko naman na kaya ko to
"Bilhan mo ako ng latest Porsche" sabi ko sa kanya. May pera naman ako dun. May allowance kasi binibigay sina mama at papa every day.
Ayoko gastusin yung pera ko no.
"Sige ba. Bilhan mo ako ng sports car. Yung latest dapat ha" grabe naman to sa akin Porsche lang sa kanya sports car.
"Sige na nga"
"Ako magiisip. Si Loisa yung geek girl. Girly girl na babae. Ayun" ang dali lang pala. May crush kaya sa akin yun
"Sayo naman si..." nakita ko yung babae paakyat sa third floor. Mukhang bago siya.
"Ayun yung babaeng naka blue shirt sa stairs" tumingin si Manolo sa kanya
"Siya. Si Bagal sige ba. Ang easy naman" yabang nito ha

End of flashback

"Don't tell me maygusto ka na kay Loisa" oo nainlove na ako sa kanya. Pero ayoko matalo
"Hindi...bakit naman ako maiinlove sa kanya. Ang geeky ng face niya. Hindi naman mahirap mahalin si Loisa
"Ikaw?" ngumiti lang siya sa akin
"Hindi. Mas gusto ko yung fit. May pagka chubby siya eh" ang sama niya naman
"Ehem" lumingon kami ni Manolo at nakita namin si Dominic. Ang sama ng tingin niya sa amin.
"Pinaglalaruan niyo lang ang kaibigan ko!" Galit niyang sinabi
"Oo bakit?" sagot ni Manolo
"Alam mo akala ko may gusto ka kay Nichole pero pinaglaruan mo lang siya." Sabi niya

Dominic POV
Naglalakad ako dito sa may beachside. Pauwi na sana ako then nakita sina Manolo at Joshua naglalakad pauwi pupuntahan ko sana sila pero narinig kong pinaguusapan nila sina Nichole at Loisa.
Narinig ko lahat ng sinabi nila patu yung challenge nila.

Flashback
Naglalakad kami papunta sa resto. Nakatitig lang ako kay Nichole. Ang ganda niya. Napaka simple niyan tao hindi siya katulad ng ibang babae.
"Crush mo ba si Manolo?" Ayun ang unang sagot ko sa kanya
"Konti...este wala akong crush sa kanya palagi nga kaming nagaaway" biglang nalungkot ako sa sinabi niya. Sa North Bridge High din ako nagaaral. Nasa higher class ako kaya hindi nila ako nakikita.

Nu
End of flashback

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretend Love NicholoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon