Sweetheart Pretenders

289 6 0
                                    

Nichole POV

Ako nga pala Kim Nichole Baranda. Ang mom ko ay si Phoemela Baranda. Tinago niya ako for 15 years Pero okay lang sa akin tun kasi gusto niya lang protectahan yung reputation niya. Nagalit ako ng konti Pero kinalimutan ko na yun.

"Kim ready Ka na na sa bago kong school!" Sigaw ni mama

Kanina pa ako naka bihis.

"Opo mommy, ayusin ko Lang po yung buhok ko!"

"Kaya mo to Nichole" sabi ko sa sarili ko

Sa North Bridge High nga pala ako magaaral.

Bumaba ako nakita ko si yaya nagpreprepare ng breakfast ko.

"Good morning manang. Si mommy po?" Tanong ko

"Mommy nasa taas may kinuha lang"

"Good morning Kim ready ka na ba?" Tanong ni mommy

"Yes. Im 110% ready na po"

Nag smile siya sa akin.

Nagstart na kami kumain ng breakfast. Kumain ako ng egg and bacon at uminom ako ng grape juice.

"Nak, mamaya nga pala tawagan mo ko pag uuwi ka na ako na lang magsusundo sayo" sabi ni mommy

"Sige po ma"

Pagkatapos ko kumain. Chineck ko yung bag ko kung completo na yung gamit ko sa school.

"Ma, sasabay ka po ba sa amin pumunta sa school?" tanong ko kay mommy

"Of course naman. May shooting pa kasi ako ngayon"

Yung driver namin yung nag drive papunta sa school

Few minutes later

Nandito na kami sa school ko. Grabe and laki ng school ko.

Pumasok ako sa school. At dumiretso ako sa register para kunin yung schedule ko. Konti ang yung pila. Pumila ako, kinuha ko yung phone ko sa bag ko at tinext ko si mommy.

~ma nasa register po ako nagpipila~

Saglit lang siya nag reply

~osige nak enjoy school. Tawagan mo ko pagmaykailangan ko o tulong~

"Excuse me miss" sabi ng cashier

Ako na pala yung sunod. Nilagay ko yung phone ko sa bag ko. Biglang may tumulak sa akin.

Buti naman hindi tumama yung ulo ko sa floor

"Excuse me! Ako yung sunod pumila ka nga!" Sigaw ko sa lalaki na tumulak sa akin

"Ay sorry hindi kita nakita kasi masyado kang mabagal" talaga naman ako pa ang may kasalanan

"Kakainis ka talaga" sigaw ko sa kanya

Tumayo ko at pumila ako ulit sa likod niya kaming dalawa lang naman ang nakapila.

Ehhh 😡 nakakainis talaga yung lalaki nun sana makarma siya.

Kinuha ko yung schedule ko at pumunta ako sa class ko Math. May map sa likod kaya masnadalian ako pumunta dun.

Hindi naman masyadong malayo yung class ko nasa second floor yung room.

Pumasok ako at ingay nila. Pumunta ako sa bakanteng upuan.

"Hi" kinausap ako ng babae na katabi ko.

"Ako nga pala si Loisa Andalio" mabait siya

"Ako nga pala si Nichole" sabi ko

"Nichole..." Tanong niya

"Nichole Baranda" sabi ko

"Oh my gosh nanay mo si Phoemela Baranda diba" tanong niya

"Oo sako nga" nagsmile ako sa kanya

Nag usap kami. Old student na si Loisa.

Biglang sumigaw ng lumakas yung mga babae

Nanlaki yung mata. OMG ayun yung lalaki nag tulak sa akin

"Okay ka lang Nichole?" Tanong sa akin Ni Loisa

"Siya yung lalaki na tinulak ako" sabi ko sa kanya

"Si Manolo, Manolo Pedrosa" Manolo pala ang pangalan ng lalaki nun

Tumayo ako para masuntok siya

"Uy huwag mo gawin yan Nichole mapapahamak ka lang lalo" advise sa akin ni Loisa

"Ha"

"Gusto niya kasi siya yung center of attention" sabi sa akin ni Loisa

"Bakit hindi natin sabihin sa principal?" Tanong ko kay Loisa

"Gagawa kasi siya ng paraan para makahiganti" sabi niya

Grabe tong lalaki na to.

"Excuse me upuan ko yan" si Manolo.

"May pangalan mo ba yung upuan na to" nagsitigilan sila sumigaw

"Ballpen" binigyan siya ng ballpen ng ka barkada niya.

Sinulat niya yung pangalan yan sa table at upuan "ko"

"Oh may panglan na so alis" tumayo ok at hinampas ko siya ng bag ko

"Masaya ka na"

Manolo POV

Grabe yung babae nun ha. Susuntukin ko na sana siya pero biglang may humawak sa braso ko

"Manolo huwag" umupo na ko

Nichole POV

"Thank you sa pagligtas sa akin" nag thank you ako sa lalaki na nag tulong sa akin

"Ako nga pala si Francis Magundayao" ang cute niya

"Ang cute mo este Ako nga pala si Nichole"

"Wow ganun na pala ngayon first name nalang anong last name mo" nag tawanan kami

"Uy Francis anak yan ni Phoemela Baranda" kainis naman si Loisa

"Kaya pala magkamuka kayo ni Phoemela" kinilig ako dun ha kasi maganda ang mommy ko eh.

Pretend Love NicholoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu