Tulay Lang Ako .. (Oneshot)

Start from the beginning
                                    

And lahat pa ng panlalait na bagay sa kanila. Sama ko noh? HAHAHA. 

Bumuntong-hininga ako.. "'Pati ba naman classroom idadamay niyo..? Pwede namang pag-usapan 'to ng matino diba?" 

Sumagot naman si Kaye, "Eh pano ba naman kami makikipag usap nang matino, eh biglang sinipa yung kinauupuan ko! Edi itutulak ko rin sa kanya!" Lumalabas na ang pagka lalake ni Kaye! Haha. Joke lang. 

Sumagot naman si Luke, "Eh pano din naman ako makikipag-usap ng matino dito? Eh binabara ako eh!" Hayyy, etong dalawang 'to. Hindi matigil ... 

Pero pano kaya kung sumama ako sa pag-uusap nila..? Malamang, hindi sila mag-aaway niyan. :)) 

"Kayong dalawa. Samahan niyo nga ako, punta tayo sa park at dun kau mag-uusap. Bago yan, ayusin niyo muna ang gulong ginawa niyo at baka dumating si Ma'am!" 

Pagkatapos nun, naglakad kami papuntang park. As usual, si Kaye sa right, si Luke sa left. Napatawa nalang ako kung gaano ka-cute ang dalawang 'to. Para kasing merong chemistry ang dalawang 'to. Nag-aaway man o hinde. 

[FLASHBACK ENDS] 

3 years na pala kaming magkakaibigan ah. Yung as in, kaming tatlo talaga. Hindi yung kay Kaye 8 years, at kay Luke 7 years. As in yung kaming tatlo talaga na magkakasama. 

Pero.. maiba muna ...

May naalala akong sinabi sa 'kin ni Kaye after nung pag-uusap naming tatlo sa park. Somehow, napagbati ko rin sila. Pero yung mga sinabi talaga niya ang nagpa-antig sa 'kin. 

[FLASHBACK 3] 

 August 17, 2010 

"Bye Lukeee! Ingat ka ah!" Ang sabi ko habang si Kaye naman parang may worried expression. May sakit ata, kaya kinausap ko. 

"Anong problema mo, Kaye? May sakit ka ba? Anong nararamdaman mo? Bakit ganyan mukha mo?" 

Tumingin siya sa 'kin. Pero nagtaas lang ang mga kilay ko. So nagtanong ulet ako nang isang beses, "Kaye? Anong nangyare?" 

"Ah.... huwag kang magagalit sa 'kin, Kath, kung meron ka man para sa kanya ah..." 

Huh? Ano daw? 

Hindi ko naintindihan yung sinabi niya, pero pinagsalita ko parin siya't pina-upo sa nearest bench. 

Nakatungo siya, pero naririnig ko parin yung boses niya, "M-may gusto ako kay Luke.." 

O__o Oh... Yun lang ang tanging reaction ko, samantalang siya, nagtata-talon at niyuyugyog ang mga balikat ko. Sa ... takot? 

"Pleaseeeee Kath!! 'Wag ka magalit sa 'kin!!!!! 'Wag mo akong iiwannnn! Huhuhuhuhu! Sorry talaga at ----" Hindi ko maintindihan ang sinabi niya at napasigaw sa kanya. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Grabe. 

"W-wait, Kaye. Anong ibig mong sabihin?! Hindi kita maintindihan! Atsaka bakit ka nagso-sorry?" 

;__; Napatigil ang mukha niya na parang ganun. May luha pa sa mata at mukha niya. 

Anong problema nito? Wala naman akong feelings ... dun . 

Sinungaling! Sabi ng konsensiya ko. Pero handa ko naman siyang ibigay sa bestfriend ko. Mas maganda pa nga 'to eh. Alam kong bawal magsinungaling pero gagawin ko naman yun para sa kanila diba. 

"W-Wala naman akong gusto dunnn! Ano ka ba, Kaye! Sa'yong sa'yo na si Mr. Luke! At sabi na nga ba, may gusto ko dun ;)" 

Nahihirapan akong ilabas ang boses ko, pero alam kong kaya ko 'to. Para sa kanila. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tulay Lang Ako .. (Oneshot)Where stories live. Discover now