Ako pa ba ang paksa sa iyong
mga isinusulat na tula?
Ako pa ba ang paksa
na iyong kinukuhaan ng iyong inspirasyon?
O baga naman may nahanap
kanang bagong paksa
Bagong inspirasyon para
gumagawa ng bagong tula
Muhkang hindi na ako ang paksang yon
Kaya katulad ng tula
Wag ipilit ang di tugma
Aking paksa tapusin na natin to
Tapos na ang ating tula
Ubos na ang tinta
Isasarado ko na ang paksa
Humanap ka na ng bagong tula.
