[ RITA ]
Nagmamadali ako papuntang prisinto dahil sa balitang nalaman ko, galing pa lang ako sa trabaho ko. Alas otso ng gabi at hindi na ako nag-abala pa na umuwi ng bahay dahil si papa agad ang naisip ko.
Pagpasok ko pa lang sa loob agad na hinanap ng mata ko si papa at nakita ko siya bigla siyang napatayo at kita ko sa kaniyang mata ang lungkot. Si mama at ang dalawang kapatid ko ay papunta na rin ngayon.
"Pa!"
Mabilis na niyakap ko si papa at doon bigla ng bumagsak ang luha ko hindi ko na napigilan.
"Hindi ka ba umuwi muna?"
Umiling ako kay papa at pinakamasdan ko siyang mabuti, ang poting polo shirt na suot niya at magulo na at ang pisngi ni papa na nanlalagkit sa pawis, magulo ang buhok halatang sobrang bigat ng dinadala niya. Isang taxi driver ang aking ama at pitong taon na siya sa ganitong hanap buhay at wala siyang naging bad record. Maingat si papa dahil ayaw niyang maka-disgrasya o siya ang madisgrasya.
"Pa, alam kong wala kang ginawang masama dahil naniniwala ako sa'yo. Ako ang magpapaliwanag nasaan ba 'yung-"
"Salamat anak, tama ka. Wala akong ginawa ngunit mas-"
"Hindi! Hindi puwede 'yan wala kang kasalanan pa. Hindi mo siya nabanga, hindi ba?"
Tumaas ang boses ko at wala akong pakialam sa mga nakatingin sa amin dahil tama lang na marinig ng lahat na walang kasalanan ang aking ama.
"Miss, maupo ka muna at himinahon. Nasa kritikal na kondisyon ang nabanga ng ama mo at oras mamatay yon siguradong habang buhay makukulong ang iyong ama."
"Ano!?" Nanlalaki ang matang tingin ko dito sa pulis na kausap ko na nakangisi pa. "Walang kasalanan ang papa ko, kusang bumanga ang kotse na yon sa taxi ng papa ko, huminto siya pero tuloy-tuloy ang kotse hindi niyo ba yun nakita? Paano niya binungo yon!?" Hinihingal na sabi ko pero itong pulis nangasi pa sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.
"Puwede ba manahimik ka na? Nakikita mo ba ikaw lang ang maingay dito, doon ka magpaliwanag sa pamilya nang nadisgrasya ng ama mo."
Napalingon ako sa isa pang pulis at hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila at nanginginig lalo ang kalamnan ko dahil sa mga itsura nitong mga pulis na halatang mga batugan lang. Dahil halata naman ang lalaki ng mga tiyan at mga nakaupo at nakataas pa ang mga paa.
Sinabi sa akin ni mama ang nangyari no'ng tinawagan ko siya dahil sa nabalitaan ko na dinala nga sa prisinto si papa. Napatingin ako sa kamay ni papa na humawak sa akin at tiningnan ako na sinasabi na maupo ako, napalingon naman ako sa pinto nandito na si mama at dalawa kong kapatid si Ella at Ronie.
Sinalubong ko sila at kita ko sa mukha ni mama ang pagiyak dahil sa mugtong niyang mata. Naupo ako sa may gilid dahil gusto kong mag-isip ng maayos at kung ano ang gagawin. Iniisip ko kung paanong kumuha ng abogado kay papa dahil kailangan naming lumaban walang kasalanan si papa.
Napatingin ako sa lalaking pumasok at lumapit doon sa pulis na kausap namin may binigay siyang brown na envelope hindi siya ganun kalaki.
"Narito lahat ang kuha ng litrato sa nangyari at ang gusto ng amo makulong ang tao na 'yan."
Napatayo ako dahil sa sinabi nito dahil nakatingin siya kay papa. Lumapit ako at hinarap itong lalaki.
"Hindi, kukuha kami ng abogado namin dahil walang kasalanan ang papa ko." Matapang na sabi ko.
Hindi ako pinansin nitong lalaki dahil naglakad na ito at nilampasan ako, lumbas na pero biglang gumalaw ang paa ko at humabol ako sa kaniya bago siya tuluyang pumasok sa itim na kotse na nakahinto.
"Makinig ka, sabihin mo sa amo na walang kasalanan ang papa ko. Naiintindihan mo? Walang kasalanan ang papa ko at hindi kami papayag na ipakulong niyo siya!"
"Wala ka ng magagawa."
Sagot nitong lalaki at tuluyan ng pumasok sa loob nang kotse napatingin ako sa salamin ng bitana dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin.
Hanggang sa bumaba ang salamin no'n isang babae pero halos kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko dahil medyo madilim sa loob. Mapula ang labi niya halatang mayaman talaga dahil sa mamahalin na suot niya, akala ko may sasabihin siya pero wala siyang sinabi at tumaas na ulit ang salamin. Umandar na ang kotse at naiwang nakatanaw ako sa papalayong sasakyan.
----
Tatlong araw na ang lumipas at wala kaming makuha abogado dahil halos lahat ng mga nilapitan namin ay tinangihan kami. Sinabi ni papa na baka lahat 'yon ay binayaran upang tangihan kami at hindi ko yun matangap. Malapit ng mahatulan si papa, gulong-gulo na ang mga isip namin at kahit tanggap na ni papa ang kapalaran daw niya na makulong kami hindi dahil inosente siya at dahil sa mapera ang kalaban namin tinutumbasan nila lahat ng pera.
"Anak ayokong makulong ang ama niyo hindi ko na alam kung paano ako makakatulog kapag wala ang papa niyo. Bakit walang may gustong tumulong sa atin? Kahit ang ating mayor ay walang tulong na maibigay."
Napatingin ako kay mama na hindi na nagawang ayusin ang sarili ang dalawang kapatid ko nasa school dahil sabi ko magpatuloy kahit may malaking problema kaming hinaharap.
"Patawad ma wala akong magawa, lahat na nilapitan ko pero lahat sila tumangi pati ang amo ni papa ayaw makipag-usap sa akin."
Naiiyak na sabi ko dahil pakiramdam ko wala ng pag-asa ang hirap talaga kapag wala kang pera. At yung mga mapepera ginagamit nila kahit mali, kaya nilang baliktarin ang sitwasyon dahil sa pera.
Niyakap ko si mama dahil umiiyak na naman ito, nanghihina na rin ako at ilang beses na akong umiiyak mag-isa dahil sa mangyayari kay papa. Natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko unknown number. Tiningnan ko si mama bago ko sinagot.
"Hello?" Sagot ko at wala akong narinig na nagsalita, naghintay ako sandali.
"Come to my office."
Isang babae ang nagsalita hindi ako agad nakasagot dahil nagtataka ako kung sino 'to.
"Sino 'to?" Tanong ko.
"You don't need to know, kung ayaw mong makulong ama mo pumunta ka."
Hindi ko nagawang makasagot dahil pinatayan niya na ako agad at naka-recieve ako ng message address yon.
"Sino yung tumawag anak?"
"Ma, may pupuntahan lang ako." Paalam ko kay mama.
Hindi man ako sigurado o alinlangan dahil hindi ko kilala yung kausap ko pero para kay papa kailangan kong alamin kung talagang matutulungan niya ako upang hindi makulong ang aking ama.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Billionaire Impostor Wife
Fiksi UmumLahat ng makakayang gawin ni Rita para makatulong sa pamilya 'ay gagawin niya lalo na't kailangang-kailangan ng kaniyang ama ang kaniyang tulong. Isang hindi inaasahang aksidente ang mangyayari sa kaniyang ama dahil ipapakulong ang ama niya, alam ni...
