Chapter 1: Sunday Morning (4th part)

231K 2.4K 87

“Ah.. ha? Anong pinagsasabi mo dyan.. may iniispi lang ako kaya ako tulala..”

“Tulala o hangang-hanga?” Ang yabang nya ah.. oo na ganda ng katawan mo.. ikaw na may pandesal.. masarap kasabay nitong kape ko.. teka anong pinagsasabi ko?! Ahahaha!!! Erase.. erase..

“Ewan ko sa’yo! Uy, sampung piso para sa kape.. listahan ng utang mo sa’kin humahaba na…”

“Ayos ka din ah.. ano ka tindahan? At ang mahal ng kape mo ah! Tsaka kelan ako nagka-utang sa’yo?!” Aba! Nagmamaang-maangan pa! Teka ireremind kita!!

“Yung instant noodles na kinain mo nung isang gabi pag-uwi mo galing sa gig mo.. take note kinain mo ng walang paalam!! Hay.. Buti na lang bilang ko lahat ng pagkain dito!!”

“Grabe! baka naman pati butil ng bigas na meron dito bilang mo? Ok cge.. naalala ko yan.. oh yun lang diba?”

“Hindi pa! Hindi pa ko tapos! Yung cornick at butong-pakwan na kinain mo nung gabi na di ka makatulog.. inupakan mo.. di ka man lang nagtira..”

“Sus! Kung alam ko lang kinuha mo lang yun dyan sa lamay sa may kanto! Damot mo!”

“Loko! Anong akala mo sa’kin walang awa sa patay! Ni hindi ko nga alam na may patay dyan sa may kanto buti ka pa alam mo. Tsaka binili ko yun noh! Ano pa ba? Ah, tsaka yung ham na dapat ibabaon ko pero kinain mo, tapos nagreklamo ka pa kase maanghang, eh kung di ka banaman tange sana binabasa mo muna bago mo kainin, sa susunod nyan di mo alam dog food na pala kinakain mo!”

“Bakit naman ako kakain ng pagkain ng aso? Ano ko tanga?!”

“Oo, kasi pano din naman tayo magkakaroon ng dog food dito, eh wala naman tayong alagang aso!” Tange diba? Sineryoso yung sinabi ko.. ang ibig ko lang naman sabihin magbasa sya bago kumain… kakaloka!!

“Yang dila mo ah! Pasalamat ka babae ka! Kung di naku!!”

“Ano?! Anong gagawin mo?!” nakasarado kasi yung kamay nya tapos nakataas na parang gusto manuntok.. laki-laki nya.. papatulan nyang isang babaeng katulad ko?! Kala naman nya aatrasan ko sya??!! Matapang ata ‘to.. kaso biglang nawala yung tapang ko..

“Ahhhhhhhhh!!!!!!” biglang nahulog kasi yung towel nya.. buti na lang may suot pa sya sa ilalim nun.. kundi.. kundi.. (O_O) ang mga mata ko.. huhuhu.. ang mga virgin na mata ko.. wala pang nakikitang kalaswaan dito sa mundo… huhuhu….

Habang ako mawindang-windang sa nakita ko.. at di ko malaman panong takip ng mata ang gagawin ko.. sya naman tawa ng tawa, kala mo normal na normal yung suot nya.. yung ayos nya!!!

“Hahahaha!! Probinsyana!!!”

“La-labas muna ko.. Magbihis ka na!!!!” tumayo ako sabay lumabas ng nakatalikod sa kanya at medyo nakatakip pa din yung mga kamay ko sa mga mata ko.. Mahirap na.. baka ano pang makita ko… (--_--)

“Ahahahaha!! Sakit mo sa tyan pati sa panga!!” tawa pa din sya ng tawa.. kakainis!!!

Living Under The Same Roof (The Hottie and The Promdi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon