THIRD PERSON POINT OF VIEW:
Ji-Hyang (Taehyung's mom now)
Ho-seok (Taehyung's dad now)
(Basta yung nag ampon kay taehyung)
[ FLASHBACK (18 years ago) ]
Habang masaya ang mag asawa na naglalakad sa daan habang nag kwentohan biglang may babaeng tumakbo dala dala ang isang taong gulang na bata, umiiyak ito habang karga na karga ang bata. Bigla itong lumapit sa mag asawa
Babae: Ma'am, sir pwede ko ba iiwan sa inyo ang bata? Pakiusap po alagaan nyo ito (pakikiusap)
Ji-Hyang: Huh? Anak mo ba?
Babae: Hindi po, pero may gusto po kasi ipapatay ang bata na tuh napag utusan lang ako pero di ko po kaya pumatay ng isang sanggol kaya nakikiusap po ako kayo na po ang bahala sa bata na tuh (nanginginig)
Ho-seok: Pasensya na pero baka kami ang makulong pag aamponin namin ang bata na yan baka hanapin yan
Babae: Wala pong nakaka alam na dito ako pumunta, hindi magiging ligtas ang buhay ng bata na tuh pag napunta sakin dahil naninilbihan ako sa mga magulang nya. Pakiusap po
Naawa si Ji-Hyang kaya kinuha nya ang bata. Tumahan ito kakaiyak
Ji-Hyang: Mahal amponin na natin
Nag isip isip ang lalaki bago ito sumang ayon. Binigay ng babae ang mga gamit ng bata bago ito nagpasalamat at umalis.
Walang binigay na pangalan ang Babae kaya pinangalan nila itong KIM TAEHYUNG , inalagaan at minahal nila ito na parang tunay na anak. Nang mag dalawang taon si Taehyung saka pinanganak ni Ji-Hyang si Jungwoon
[ END OF FLASHBACK ]
JUNGWOON POV:
Gulong gulo pa din utak ko sa nalaman ko, kaya habang nagwawalis si mama sa bakuran lumapit ako sa kanya, gusto ko maliwanagan
Jungwoon: Ma?
Mama: Oh anak bakit?
Jungwoon: Ahm wag ka po sana magalit ma, may tanong lang ako
Mama: Ano yun?
Jungwoon: Narinig ko po usapan nyo ni papa kanina
Napatigil sya sa pagwawalis at tumingin sa akin
Jungwoon: Totoo po ba? Na hindi kami totoong magkapatid ni kuya? Na inampon nyo lang---
Di ko natapos ang sasabihin ko ng iharang ni mama ang daliri nya sa bibig ko
Mama: Baka marinig ka ng kuya mo jungwoon ano ba
Jungwoon: Wag ka mag aalala ma, natutulog sila kuya at kuya jungkook sa kwarto. Ma gusto ko lang po maliwanagan, totoo po ba?
Huminga si mama ng malalim bago magsalita
Mama: Oo anak, totoo lahat ng yun pero pakiusap wag mo ito sabihin sa kuya mo
Jungwoon: Pero pano po nangyare yun?
Kinuwento ni mama sakin lahat kung bakit napunta si kuya kila mama.
Jungwoon: Habang buhay po ba natin tuh ililihim kay kuya?
Mama: Oo (nagpatuloy sa pag wawalis)
Jungwoon: Pero ma walang sikreto na di nabubunyag, malalaman at malalaman pa din tuh ni kuya
Mama: Walang malalaman ang kuya nyo pag pareho kayo ng papa mo manahimik (inis)
Jungwoon: Ma kung natakot ka na magalit si kuya pag sasabihin natin sa kanya, mas lalo nya ikagalit kung ililihim natin
