Chapter 14

30 15 0
                                    

Chapter 14

Ilang araw na lang birthday na ni Zoey. Gusto ko sanang magfocus sa paghahanda nun kaya lang nakalimutan kong sabihan si Phoebe to clear out my schedule for this week at bukod pa dun nakkompromiso na rin kasi talaga ako para dito kaya di ko na rin basta-basta pwedeng i-cancel ito.

Nasa isang motorcycle rally ako. I'm one of the models ng motor show. Hindi ko pa nababanggit but I can actually drive it. I am planning to join the race kung papayagan ako ng mga ito.

"Are you sure?" May pag-aaalangang tanong ni Phoebe sa akin when I told her. Tumango naman ako with a smile. I can't say it's my hobby kasi wala naman talaga akong sariling motor. It's also been 2 years na rin since the last time na nagdrive ako at sa isang motorshow din iyon. "Sure kang marunong ka ha?"Paninigurado pa niya.

"Oo nga." Napipilitan man, umalis siya to register me as one of the participants. May dala na rin talaga akong gears, when Phoebe told me about it kasi yun talaga ang pumasok agad sa isip ko.

I waited for her and Noah here. Yes, kasama ko rin si Noah dito. Gusto daw kasi niyang manood at bukod pa dun to make sure na walang didiskarte sa akin dito. Which I find funny but cute.

Kanina pa tapos yung motor show, naghahanda na lang talaga ang lahat for the race. Checking the race track and waiting for the participants to register. Yung mga gusto pang humabol gaya ko. Ilang saglit lang bumalik na si Phoebe. "Okay na. Wag mo masyado career-rin ha? Kinakabahan ako sayo." And he handed me a key. Usually, yung sumasali dito, of course, brings their own big bike. Pero tulad nga ng sabi ko, I don't own one. Nagsabi na talaga ako sa organizers kanina and they actually allow me to use one of the bikes I modelled kanina.

"By the way, did you see Noah?" Ilang minuto na kasi siyang wala. Hindi sa worried, I just find it weird pero baka nagtingin-tingin lang siya sa mga big bikes na nakadisplay pa din doon. Umiling-iling lang si Phoebe at nagkibit-balikat. Nagdesisyon na lang ako na magbihis na. Saktong 1pm kasi ang simula at alas dose na ng tanghali. Sakaling makita o makasalubong ko na rin ito.

Sumama naman sa akin si Phoebe para tulungan ako. A girl suddenly bumped me habang palabas kami ng race track. She looks familiar to me.. Di ko lang maalala kung saan ko siya huling nakita.

"Oopss, sorry." She said sorry but I don't think she actually mean it. Ngumisi kasi siya eh, like? Sinadya ba niyang banggain ako? But for what?

Nagpilit na lang ako ng ngiti nun sa kanya tapos nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang makasalubong namin si Noah na kanina ko pa nga hinahanap. "Noah..."tawag ko sa pansin niya. He looks so cool, hindi ko maiwasang di mapansin, he's wearing a baggy black plain shirt tapos nakabeige cargo pants while wearing sneakers. Just a fashion statement. Very casual pero bagay sa kanya. Tumingin naman siya agad sa akin at matipid na ngumiti. "Where have you been?" Paglapit niya saka lang siya sumagot.

"Nagtingin-tingin lang." And he kissed me on my forehead.

"What's that?" he asked me looking at the key na hawak ko.

"Wish me luck." Yun lang naman ang naging sagot ko sa kanya.

"You're joining?" Ngumiti lang ako. Tumitig naman siya sa akin na parang ayaw nitong pumayag.

"I'm good. I'll be fine."

"I don't want to be an unmarried widow." Napangiwi naman ako sa sinabi niyang yun. Napakunot ng noo.

"I'll be fine, okay?" Nauna na ako sa kanilang maglakad kasi wala na talagang makakapigil sa akin. I just miss doing this. Kung hindi nga lang ako pansamantalang na-trauma before, I might still be doing it. And I might do it again.

When You Love SomeoneWhere stories live. Discover now