Chapter 17 - Lipat Bahay

Start from the beginning
                                    

"Uy! Pare, Mare! Musta?" tugon ni Mama at pumunta siya sa may gate upang pagbuksan sila Tito at Tita habang ako naman ay naiwan sa may terrace ng bahay para dun sila hintayin.

Pagkarating nila Tito at Tita sa terrace ay agad ko silang binati,

"Goodmorning Tito, Tita! Tuloy po kayo sa bahay" paanyaya ko sa kila Tito at Tita

"Salamat Iho, dito nalang tayo sa terrace niyo, gusto kasi ng Tita mo na nahahanginan siya, diba honey?" tanong ni Tito kay Tita at agad namang tumango si tita Rose

"Ah eh sige po, upo nalang po kayo dito Tito, kuha lang po ako ng maiinum" sabay punta ko sa kusina at kumuha ng maiinum. Pagkakuha ko ng maiinum ay agad na akong bumalik sa may terrace para iserve ang inumin.

Pagkabalik ko ay tumango si Mama kay Tita at nagsabing,

"Oo naman Mare, welcome na welcome dito si Carlo" tugon ni Mame habang sini-serve ko yung inumin

"Inum na po kayo Tito" sabi ko at agad akong umupo sa tabi ni Mama

"Salamat Iho" tugon nila Tito at Tita

"Ano nga po pala yung pinag-uusapan niyo Tita? Pwede pong malaman?" tanong ko kay Tita

"Oo naman Iho, pinag-uusapan namin nila Mama mo kung pwedeng tumira dito si Carlo ng isang buwan" paliwanag ni Tita sa akin

"Ha? Bakit po Tito?" tanong ko ulit

"Kasi pupunta kami sa America para sa isang business opportunity, hindi kasi namin pwedeng isama sa America si Carlo sa kadahilanang may trabaho siya dito, e hindi naman namin siya kayang iwanan sa bahay ng mag isa kaya nandito kami ng Tito Emman mo kung pwede dito na muna siya tumira sa inyo" buong pagpapaliwanag sa akin ni Tita

"At pumayag na ako anak, dito na muna si Carlo habang nandun pa sa America sina Tito at Tita mo, approve ka naman sa desisyon ko anak diba?" tanong sa akin ni Mama

"Oo naman Ma, ang pinag-uusapan kaya natin dito ay yung bestfriend ko. Pero kelan po kayo aalis papuntang States?" tanong ko

"Ah eh Iho, ngayong Sabado na" pag-amin ni Tita

"Ha?! Yung totoo Tita? Parang ang aga naman po" tanong ko pero sa pagkakataong ito si Tito naman ang sumagot,

"Yun na nga Iho e, kaninang umaga lang namin natanggap yung memorandum gusto sana naming umayaw ng Tita mo pero hindi namin mahindian"

"Mmm kung kaninang umaga niyo lang natanggap yung memo, ang ibig sabihin ba nito hindi pa ito alam ni Carlo?" tanong ni Mama

"Tama ka dyan Mare, kaya nga kami dumiretso dito sa inyo dahil ang alam namin nandito rin si Carlo e pero wala pala siya dito" sabi ni Tito

"Nasaan nga pala si Carlo, Sean?" tanong sa akin ni Tita

"Eh pagkatapos po ng programa namin sa radyo kanina, may sinamahan po siyang kasamahan namin sa istasyon tas pinauwi na niya po ako" paliwanag ko kay Tito, at alam niyo ba kung sinong tinulungan niya? Hahaha walang iba kundi si Kristian Haha kasi naman mag-isa lang kanina si Kristian sa front desk e maraming nagpupunta sa istasyon kanina, hindi kaya ni Kristian na asikasuhin lahat sila ng mabilisan kaya nagvolunteer ang magaling kong bestfriend na tulungan si Kristian at pinauwi na ako

"Ganun ba? Nako yung batang yun, lalake ba o babae yung tinulungan niya?" tanong ni Tito sa akin

"Ah eh Hahahaha lalaki po Tito" pag-amin ko kay Tito

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyWhere stories live. Discover now