Chapter 14 - CarlTian: Part 2

828 30 0
                                    

Complete Carlo's POV

Pagkapasok ko sa main entrance ng plaza ay agad akong humanap ng lugar na kung saan kami pwedeng kumain ni Kristian, nakakita ako ng isang lamesa at may upuan sa may kaliwa ng main gate, pwede na siguro yun at naglakad na ako papunta doon. Pagkapunta ko dun ay chineck ko kaagad kung makikita ba ako kaagad dito ni Kristian at check! Makikita niya ako kaagad dito bukod sa isang lingon lang niya sa kaliwa at medyo maliwanag dito sa pwesto na to dahil naaabot ako ng liwanag sa poste ng ilaw. Tumingin tingin ako sa paligid kong may mga tao ba dito sa plaza at merun ding mangilan ngilan akong nakikita.

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa si Kristian plano ko na nga siyang sundan dun sa burger station pero naisip ko baka papunta narin siya dito kaya naghintay parin ako dito sa plaza. Inaliw ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa buwan, infairness kay moon ngayon ha? Ang liwanag niya mukhang extra extra blooming siya ngayon Hahaha

"Pssst! Pogi! Mag-isa ka lang ata ah?" may isang lalaki na nagtanong sa bandang likuran ko, pero hindi ako nagsalita baka may kausap siyang iba o kaya naman ay may kausap siya sa telepono ayoko ko naman magmukhang Montanga no? Pero inulit niya yung kanyang tanong, this time kinalabit niya ako

"Uy! Psst, mag-isa ka ba?" tanong nito, at hinarap ko siya pero hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa medyo di ang kinalalagyan namin pero matangkad siya at masasabi mong fit ang katawan

"Hindi e, may hinihitay akong kasama" walang kiyeme kong sinagot ang tanong nito

"Ganun ba? Si Sean ba ang hinihintay mo dito?" tanong niya ulit, aba teka! Bat niya kilala ang bestfriend ko?

"Sorry ha? Hindi e, pero bakit mo siya kilala?"

"Basta, nasan ba siya ngayon?" medyo nainis ako sa sagot niya ang tipid tipid kaya,

"Teka nga? Sino ka ba?" tanong ko sa kanya

"Makilala mo din ako sa takdang panahon"

"Sino ka? Si Big Brother? May nalalaman ka pang takdang takdang panahon dyan"

"Hindi, nasaan ba siya?"

"Eh bakit ko naman sasabihin sayo? Baka mamaya ano pang gawin mo sa bestfriend ko e" ang umiiral nalang sa akin ngayon ay yung pagiging protective kong bestfriend kay Sean at hinding hindi ko siya ipapahamak

"Gusto ko lang siyang makausap! Naiintindihan mo ba?! Akin siya!" sigaw nito sa akin

"Aba! Aba! Nagagalit ka na ngayon ha? Sayo siya?!! Kapal mo! Halika nga dito!" at pinliit ko siyang hilain papunta sa medyo maliwanag na part para maaninag ko siya pero hindi ako nagtagumpay ang lakas niya, bahagya ko lang siyang napaalis sa pwesto niya pero yun lang yun at dahil sa lakas niya ay easy easy lang niya akong itinulak at napaupo ako sa may upuan,

"Hooy! Anong ginagawa mo ha?!" sigaw ni Kristian na nakatayo sa main gate ng plaza na agad tumakbo papalit sa amin habang dala-dala ang pagakain naming dalawa, agad namang kumaripas ng takbo yung lalaki papalayo sa aming dalawa, hahabulin pa sana ni Kristian yung lalaki pero pinigilan ko na siya kasi nakalayo na yung lalaki at hindi na niya mahahabol ito

"Ayos ka lang ba ha? Nasaktan ka ba?" alalang tanong niya sa akin

"Oo ayos lang ako, wag ka nang mag-alala" tugon ko sa kanya para iassure s kanya na ayos lang ako

"Sigurado ka ba?" pag-aalala parin niyang tanong

"Hehe paulit ulit Kristian? Wag ka ng mag-alala ha? Ayos lang ako" this time sinabi ko yan sa kanya habang hinahaplos ko ang kanyang braso para kumalma siya at nagwork ga kasi nakita kong kumalma siya at umaliwalas ang kanyang mukha. Huminga siya ng malalim at umupo sa tabi ko at nagtanong,

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon