Chapter 12

32 14 0
                                    

Chapter 12

  Tricia's POV

  Days have passed after that day. I'm not gonna lie, pero matapos din ng araw na yun hindi na ako naging komportable around him.  Ewan ko ba? Mas naging madalas ang pagkikita namin matapos nun but each time, I just feel something I can't really explain.

  "Kung hindi butterflies in your stomach yan, malamang red flags." Komento ni Bonnie matapos kong ikwento iyon sa kanya. He is driving habang nasa passenger seat naman ako. We are actually heading to a party we were invited to. Birthday salubong ng kapwa namin social media personality na isa na ngayong artista. Kasama talaga dapat si Noah dito as requested by the celebrant dahil wala siyang contact dito, but I just want to breathe some air without him kaya di ko na siya sinabihan pa. "...alam mo naman tayong mga babae, babaeh? Chariz." If it's some butterflies, I'm not really sure. Red flags? I'm not sure either. He seems sincere and genuine to me. "Alam mo, wag mo na muna yang isipin ngayon. Party ang pupuntahan natin at hindi burol. So let's have some fun." Tama siya. Kaya nga di ko isinama si Noah para makahinga ako ng maayos kahit ngayong araw lang. Baka na-overwhelmed lang din ako sa mga mabilis na pangyayari kaya ako nakakaramdam ng ganto. I'll get used to it.

  "You think, invited si Ingrid?" I asked Bonnie nang bigla kong maalala. I don't think Ingrid and Sam are friends but they worked once for a magazine.

  "Hmmm, I don't think so. Pero ano naman? Just ignore her. Mas sikat ka na sa kanya ngayon no?"

  Hindi talaga si Ingrid ang worry ko but Nico. Knowing Ingrid, mahilig niyang iflex yung mga taong dini-date niya. Although she never posts him sa social media like she used to sa mga exes niya, it still worries me na baka isama niya ito and I'll see him. It's been weeks since the last time I saw him; but I don't think ready na ulit akong makita siya.

  "Yeah, whatever." Di na ulit ako nagsalita pa and we were both quiet hanggang marating na namin ang hotel kung saan nagaganap ang birthday na iyon. Saktong alas diyes pa lang ng gabi, at 12am pa ang highlights ng party pero pagpasok namin sa presidential suite na iyon ay nagkakasiyahan na ang lahat.

  I don't see Ingrid nor Nico kaya kahit papaano ay nabunutan na ako ng tinik ngayong araw. Pero akala ko lang din pala when they actually arrived at 11:45pm.

  "Agaw-eksena talaga ang p*ta oh."Bulong ni Bonnie. We are sitting beside Samantha. Napansin ko ang pagsiko nito sa kanya.

  "Yaan mo na." Mahinang sabi din ni Sam hanggang makalapit na si Ingrid sa kinauipuan namin.

  "Happy birthday, Sissy." Masigla pa nitong bati.

  "Plastik." Di mapigilang komento ni Bonnie pero mahina lang. I don't think narinig din iyon ni Ingrid.

  Habang ako, tahimik lang. Pilit kong iniwas na lang ang pansin ko sa mga ito. Wala namang may alam sa iba pang narito na si Nico yung mystery guy sa mga viral podcast but his presence alone makes me feel uncomfortable.

  15minutes na lang bago ang salubong ng birthday ni Sam pero parang di ko na rin kaya pang maghintay. But I need to. Bahala na.

  Pagdating ng hating gabi, sabay-sabay naming binati si Samantha with her favorite mocha cake na boyfriend nito mismo na si Brylle ang nagdala. Akala pa nga niya nung una ay di ito makakarating pero siya pala ang main surprise ng mga kapatid niyang nandito rin.

  It just so sad na in-announce din niya ngayong araw ang indefinite na pagpapahinga niya sa showbiz at social media. Sasama na daw kasi siya sa US sa boyfriend nito dahil balak na rin nilang magpakasal.

  After 12am, hindi pa talaga tapos ang celebration. Almost everyone decided to stay including Ingrid and Bonnie na parehong lasing na. They're bonding like they're bestfriends na kasi. Ako, nakainom na pero nasa tamang wesyo pa. I even noticed that Nico isn't around anymore.

When You Love SomeoneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang