"Kinikilig ako sa inyo!" Si Nina, na parang ibong tiririt sa tabi ko habang nakanganga pa din akong nakatingin doon sa lalaki.
Tangina? Tangina talaga.
Nanglaki ang mga mata ko nang may maalala! Shit! 'Yung kagabi!
Agad akong tumalikod bago pa magawi ang tingin ng lalaki dito. Bakit ngayon pa?! Sinakto pa talaga na may katangahan akong nagawa kagabi na may koneksyon sakaniya!
"Hoy, babae! Bakit ka nakatalikod diyan?" Hablot sa akin ni Nina paharap. Pero nanatili pa din ako tumalikod. Shocks! Ang liit naman ng mundo!
"Lapitan kaya natin, Sam? Grab the opportunity ganoon!"
Nanglaki ang mga mata ko nang hilahin niya ako! Pota. Napapikit ako nang mariin nang tawagin ni Nina si Jared habang papalapit kami. "Jared!"
Wala akong nagawa kung hindi magpatangay dahil alam kong malalaman ni Nina kung sakali ang katangahan ko kagabi! Napunta na kami sa tapat nila at para lang akong tangang nakatayo sa likuran ni Nina. Grabe namang pagkakataon 'to, oo!
"Bakit?" Nagtatakang tanong ng naguguluhang si Jared. Paano ba naman kasi napaka-random naman kasi ng pagtawag ni Nina sakaniya! Napapikit naman ako n mariin ng makita kong tumingin din 'yung dalawang tumawag kay Mael kanina.
"Ayos ka lang ba, Sammy?" Napatingin ako kay Gio, "Bakit namumula ka? Anyare sa'yo?"
Napatingin na din ang iba sa akin sa sinabing iyon ni Gio. Naramdaman ko din namang tumingin sa akin 'yung dalawang bagong dating and to my reflexes ay napatingin din ako sakanila dahilan para manglaki ang mga mata ko nang makita kong nasa akin ang paningin noong Juan Hero at nakakunot ang noo niya! Na para bang kinikilala ako!
Hala, gago! Did he recognized me?!
Para maka-iwas ay nagdahilan na lang akong pupunta sa CR para i-check kuno ang mukha ko! Hindi ko na pinansin ang sinasabi ni Nina at dali-dali na lang umalis doon. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makapasok ako sa powder room. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko nga na pulang-pula ang mga pisngi ko! Para akong kamatis!
Medyo matagal akong nag-stay sa CR, nagba-baka sakaling 'pag labas ko ay wala na sila doon. Sa paglalagi ko ay napa-isip ako kung nakilala niya ba talaga ako. Bakit naman kasi ganoon ang reaksyon ng mukha niya nang tignan ako? Huhu. Hindi kaya saktong online siya kagabi tapos nakita niya 'yung notification ng pag-like ko? I mean, ng hindi sinasadyang pag-like ko sa IG Story niya?!
Ang tanga naman kasi Sammielle. Iinom na lang ng tubig gumawa ka pa ng sarili mong delubyo!
Nang makontento na ako at nahimasmasan na ay nag-desisyon na akong lumabas. Pakiramdam ko namang wala na sila doon kaya napalagay na ang loob ko para bumalik doon. Pero doon lang ako nagkamali...
Dahil saktong paglabas ko ng CR ay siyang pagbukas ng pinto sa Men's comfort room sa tapat... at natigilan ako nang makita ko kung sinong lumabas doon.
And, it's Juan fucking Hero.
***
Napatingin din siya sa akin saglit at dumiretso na din maglakad pabalik sa gym. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong mali ang akala kong nakilala niya ako! Napa-sign of the cross ako dahil doon at nagpasalamat kay Lord dahil dininig niya ang panalangin ko!
Naka-ngiti akong sumunod sakaniya para bumalik sa gym, halos magtatalon ako sa tuwa nang ma-isip na safe ako. Sa sobrang tuwa ko nga baka i-libre ko pa sila mamaya eh. Hahaha!
Pero... may pero nanaman!
Natigil 'yon nang huminto ang lalaki sa harap ko at lumingon! Napahinto naman din ako nang mapansin na sa akin siya nakatingin! Teh? Ano nanaman 'to? Huhu. Dami mo namang plot twist, Lord!
"You are Samielle, right?"
∞
YOU ARE READING
Securing The String
RomanceSammielle Calixto, an 18-year old girl who's been a hopeless romantic all her life. Been broken hearted so many times from the crushes she had, but she had her last resort- Zavi dela Cruz, the guy who immediately stole her heart since they were Grad...
