Chapter 3

3 0 0
                                        

"Shit, shit, shit..." Paulit-ulit kong bulong habang binawi ang like na iyon!


Agad akong nag-search sa Google kung nag-no-notify pa rin ba kahit in-unlike mo na ang isang post or story sa Instagram!


Pero walang lumabas na matinong sagot! Oh gosh! I hope it'll not pop-up on his notifications!


Bangag akong pumasok sa klase kinabukasan dahil sobrang napuyat ako kakaisip sa nangyari kagabi! Naiisip ko pa lang na nag-notify 'yon sakaniya and viewed my profile— Nakakahiya! But, I bet he has a lot of likers... baka hindi din niya mapapansin 'yon. Right! Hindi niya 'yon mapapansin. Hindi naman siguro siya 'yung type of guy na papansinin ang isang irrelevant sa buhay niya.


"Sam, gym tayo!" Sumama ang mukha ko sa bungad ni Nina sa akin after lumabas ng teacher namin sa Media and Information Literacy. I know what she's doing!


"Ayoko. Alam kong ise-set-up mo ako doon sa Hero na 'yon!"


Ngumisi naman siya kaya nagtaka ako, "Hmm. Inaya lang naman kita dahil ina-aya tayo nila Jared eh... Bakit iba 'ata ang naiisip mong agenda sa pag-gym?" Nananatili ang ngisi sa labi niya.


Umawang naman ang labi ko nang may ma-realize...


"And... As far as I remember, hindi ko naman sinabi sa'yo na naggi-gym si Hero ah? Hmm... I'm smelling a stalker..." Inirapan ko siya at agad na tumanggi!


"H-hindi ko in-stalk ah!" kibit ko ng balikat. "Tsaka sinabi mo na 'bulk' siya. So I assume na naggy-gym siya." pagtanggi ko.


"Okay! Okay! Okay!" Kinukumpas niya ang mga kamay niya habang sinasabi 'yon. Not getting my smart-ass denying reason!


Napatingin naman ako kay Jared nang lumapit siya sa amin, "Ano? G kayo? Kaso doon naman tayo sa North Fairview. Hindi doon sa may dating gym."


"Oo! G kami ni Sam! 'Di ba, Sis?" wala na akong nagawa nang sabihin 'yon ni Nina. Sasama naman talaga ako, hindi ko siya kayang hayaang mag-isa lang pumunta
'no!


***


"One, two..." Ayoko na!

Hindi ko alam kung bakit ba ako sumama dito! I don't do work-outs consistently dahil bukod sa ang hirap ay I just really can't find time for it! Katulad nito ngayon, I am doing squats at nangangatal na agad ang mga binti ko! Partida, pangalawang set pa lang ito ha!


"Girl, ayoko na! Suko na ako, pwede ba doon na lang ako sa treadmill?" Reklamo ko kay Nina na matibay pa din ngayon! Of course, regular siya sa gym dahil iyon ang bonding nilang dalawa ni Jared.


"Kaya mo 'to! We can do it for that booty-butt!" Natatawang sabi niya pa na para bang hindi siya nahihirapan sa ginagawa niya! How can she be so chill?


Tinuloy ko na lang hanggang sa matapos ang pangalawang set na 'yon at sumuko na talaga ako! Hindi talaga ako pang-gym, I only do work-outs at home pero feeling ko slaying na ako doon because it's all my rules. Hehe.


Nagwater-break muna ako at tumingin sa salamin na nasa harapan ko. We've been here in the gym for thirty minutes at grabe na ang tagaktak ng pawis ko! I'm wearing a mint green gym ware set. Para sa akin ay okay naman na ang proportion ng body ko kaya hindi din ako ganoon kababad sa gym katulad ni Nina. And for now, wala pa naman akong gustong i-improve. Hindi naman din kasi ako mapayat, pero hindi rin ganoon ka-plus size. Mid-size, kumbaga.


While waiting for Nina to finish her reps. Nag-take muna ako ng mirror selfies para mang-clout mamaya sa Instagram. Haha! After that, tinignan ko ang mga ginagawa nila Jares. They're in the pull bars. Napa-ngiwi ako sa hirap ng ginagawa nila. I just really can't with those wild exercises.


Pero super proud din ako sakanila when they're doing those. I mean, I really can see their improvements. Saksi ako sa totoy days nila since we're Juniors kaya nakakamangha na they've achieved a good physique now!

 

"Mael, dude!" Napatingin ako sa lakas ng boses na 'yon. Probably it's one of Mael's gym buddy here. Nakasalamin ito at malaki din ang katawan. Bumaba sa pull bar si Mael para batiin ang tumawag sakaniya. They've done a fists bumps pati na doon sa isa nitong kasama.


Nangunot naman ang noo ko ng maaninag ang mukha ng isa noong kasama. I don't know but he's familiar to me. Tinitigan ko ang lalaking 'yon. He's wearing a white compression shirt and a grey sweatpants with his gym bag hanging on his left shoulder. Pinipilit kong aninagin ang mukha niya pero hindi pa din siya humaharap kaya medyo lumapit ako.


"Sinong tinitignan mo diyan? Gym crush mo? Grabe ka, meron na agad?!" Takang sunod sa akin ni Kaysc at tinignan din ang sinisilip ko.


Pero mas nagulat ako sa OA niyang pag-react, "Oh my god! Oh my god!"


"Ano ba 'yon?" Suway ko sakaniya dahil may ibang lumingon! Nakakahiya talaga 'tong babaeng 'to mag-react!


"Gym crush mo nga!"


"Huh? Anong gym crush?" Nababaliw na talaga ang kaibigan ko. Talagang dito she's pushing me to have a new crush na! Desperate eh?


"Official! Period! Gym crush mo siya!" Irita ko siyang tinignan dahil hindi ko ma-gets ang context niya!


"Sino ba?!"


"Ayan oh," Nguso niya doon sa pwesto nila Mael, "It's Juan fucking Hero, bestie!"


Nanlalaki ang mga mata kong napatingin ulit doon sa lalaki! What the fuck?!

Securing The StringOnde histórias criam vida. Descubra agora