Chapter 9

33 21 0
                                    

Chapter 9

"I'll see you tomorrow."Itinuro pa niya ako. Hinatid niya ako sa condo ko. Nasa pinto na ako actually ng unit ko habang paalis na siya. Nagkibit-balikat lang naman ako sa kanya though may ngiti. "I'll see you." ulit pa nga niya. He is actually asking to visit me sa studio. I'm not relly sure about that but I'm not gonna lie I'm a bit comfortable around him now than the first time. Maybe because I enjoyed this night, kahit pa medyo di ako naging komportable nung una dahil nga sa dinner na yun. Nasa isip ko pa rin yun, but atleast kahit papaano ay nabaling sa iba ang isip ko kanina. After we eat balut, pumunta rin kami sa isang convenience store to buy ice cream. We tried hiding our faces with my glasses tapos si Noah naman with his hoodie nung paglabas naman namin ay may nakilala pa pa rin sa amin.

Hindi namin sila nilingon when they decided to chase us so tumakbo kami.

It's kinda fun though not really. It's just really funny.

"I will still be there even if you don't want to."

"Fine." Pumayag na lang rin ako. Or maybe, hindi na lang suguro ako pupunta dun. Yeah, that's a wise and naughty idea.

"Okay. I'll go now. See you, Tricia." Tumango lang ako at tumalikod na rin siya. Nakasakay na siya ng elevator at pasara na ang pinto niyon ng sumilip pa siya ulit. I don't even know bakit andito pa ako at di pa rin pumapasok. He smiled when he saw me at nanlaki naman ang mga mata ko dahil nga sa napagtanto kong iyon sa sarili ko.

At tuluyan na nga itong umalis at nagdesisyon na rin akong pumasok sa unit ko.

I recieved a lot of messages from Nico when I woke up in the morning.

Let me explain. Please, let me see you.

Let's talk Tricia please.

I love you, please talk to me.

Please...

I don't know if I want to. Di pa rin nawawala sa isipa ko. Isang linggo pa lang mula nung di siya nagparamdam sa akin, may iba na siya. After he promised me that he'll wait for me hanggang sa handa na ako sa isang bagong relasyon. It's been 7 years since Noah and I ended whatever we have before, pero hindi rin naman kasi siya ang huling boyffriend ko. That one is even more painful, pero ayoko na muna yung pag-usapan pa.

Apat na taon na rin when Nico and I met and he's been very special to me lalo na kay Zoey.Natatakot akong mawala siya; but it's already happening. Dapat ko na yung tanggapin. But these messages though...

Nasa kwarto nga pala ako ni Zoey ngayon na tulog pa din. Masyado akong maaga nagising ngayon kahit alas diyes na ako ng gabi nakauwi kagabi. At halos alas dose na nakatulog. Kaya naisip kong samahan muna siya dito and cuddle with my favorite baby.

Yakap-yakap ko siya hanggang nagising na rin siya. "Uhh, mommy..."angal na niya sa akin. Nakatalikod pa siya sa akin. Lalo ko naman siyang niyakap kahit pa sa pag-angal nito. Wala lang, I just really want to.

Hinayaan na lang din naman ako nito hanggang tuluyan nang magising ang diwa nito. He asked me about Nico. "Did he call already?Did you tell him I miss him so much?"

Dun na rin naman ako tuluyang nagising. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? I don't wanna hurt her with the truth that her daddy Nico might be dating someone else na. Bumangon na muna ako ngunit nanatiling nakaupo lang sa kama nito. Nang lingunin niya ako pero di muna ito bumangon.

"Ayaw na ba niya sa atin Mommy? Just like my real Dad? Why does everyone hates me...bad girl po ba ako?" Paiyak na si Zoey after he asked me that last question.

"No, baby. Hindi ka bad girl, okay? Come here. "Tumutulo na ang luha sa mga mata niya nang pilit ko siyang ibinagon at I held her like a baby habang nakaupo pa din doon.

When You Love SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon